***UNEDITED***
NAGTSA-CHANNEL surfing pa sa cable si Fara para sa mga balita tungkol sa magulong protesta sa Columbia. Nagbabakasakali kasi siyang mahagip man lang ng camera na nagko-cover ng balitang iyon si Haru. She wanted to see him. Miss na miss na niya ito. Kahit anong gawin kasi niya, talagang hindi niya magawang balewalain ang nararamdaman niya rito.
Nang marinig niya ang kaguluhang iyon sa labas ng kanilang bahay. Pagsilip niya sa bintana ng kanyang silid ay nakita niyang may kung sinong binubugbog ang mga kalalakihang iyon sa labas ng gate nila.
"Anong—kailan pa nauso ang gang war dito sa Calle Pogi..."
Subalit dadamputin na lang niya ang telepono upang i-report sana sa kanilang barangay chairman ang kaguluhang iyon nang mapansing pamilyar sa kanya ang mukha ng mga nga lalaki.
"Fara!"
"Haru?" Ginapang ng magkakahalong sorpresa, pagtataka at pag-aalala nang makila ang binata. "Anong ginagawa mo rito...?"
"Fara!"
She could almost feel his pain as he shouted her name. Nasasaktan na si Haru! Kaya agad siyang lumabas ng bahay. Doon lang din niya nakilala na ang mga gang members na inakala niya nung una ay sina Bucho pala.
"What in the world is going on here?" sigaw niya.
"Fara!" Sinubukang makawala ni Haru sa mga pumipigil dito ngunit hindi nito magawa. "Fara, I'm sorry! Sa pag-aakala kong makakabuti sa iyo ang gagawin kong paglayo noon, mas lalo lang pala kitang nasaktan. I'm really sorry! Patawarin mo sana ako—" Malakas itong nagmura saka pilit na inilayo nito ang mga kaibigang hindi pa rin ito pinapakawalan.
Nang hindi pa rin ito makawala ay inipit na nito sa magkabilang braso nito ang leeg nina Lian at Waki dahil hinihila ng mga ito ang binata palayo sa kanya. Saka pinilit na makalakad palapit sa kanya. Nagpapaypay na ang ibang kasamahan ng mga ito habang nakaupo sa gutter ng sidewalk. Ang magaling naman nilang barangay chairman na hindi nakisali sa kaguluhan ay nanginginain na lang ng ensaymada sa isang tabi.
"Fara, everything I said before I left for Columbia were not true. Hindi totoong hindi ko kayang suklian ang damdamin mo. Ang totoo, mahal na mahal kita. At wala akong ibang ginusto mula pa noon kundi ikaw lang. I was just thinking of our friendship so I kept my feelings a secret. Inisip ko kasi na kung sakaling magtapat ako sa iyo at wala naman palang katugon iyon, hindi lang ako masasaktan. Mawawala pa ang pagkakaibigan natin. I would rather lose my heart than lose you, Fara."
Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Dahil katulad na katulad iyon ng mga nararamdaman niya. Ng mga takot at pangamba niya kung sakaling malaman nito ang totoong damdamin niya.
"Pero noong huling assignment ko sa Afghanistan, nang bago ako mawalan ng malay dahil sa pagsabog ng isang bombang malapit sa amin, ikaw na lang ang nasa isip ko nang mga panahong iyon. I prayed so hard that God would let me live and gave me a chance so I could finally tell you how I feel, Fara. Kaya nga pagdating ko rito ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon. I made my advances on you so you'll know I wanted more than friendship from you. I want you to see me as more than your bestfriend. I wanted to spend every moment with you. I wanted to more about you. About the woman I had learned to love through the years."
Nakatitig lang siya rito. Ngayon ay mas malinaw na sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng mga misteryosong ningning ng mga mata nito sa tuwing titingnan siya nito. Because behind those eyes, lies that special feelings he had for her. The feelings he had hidden all these years.
"Pero nailang ka at unti-unting lumayo sa akin, Fara."
"Dahil nagulat din ako sa naging reaksyon ko sa iyo. Hindi ako sanay sa mga bagong damdaming nararamdaman ko. Masaya ako, oo. Pero hindi ko rin maiwasang hindi matakot. I mean, hindi ako kasing ganda ng mga babaeng nakita kong naging girlfriends mo."
BINABASA MO ANG
Calle Pogi 5: HARU (Completed)
DragosteUmuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na...