***UNEDITED***
"SUSUBUAN NA kita, Haru."
"Ha—"
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong magtanong si Haru nang subuan niya ito ng pagkain.
Ngumiti lang siya ng matamis. "Masarap ba? O, eto pa. Masarap ang lumpiang sariwa ni Sage ngayon, ano, Haru?"
"Oo." Inilayo na nito ang mukha sa kanya para iwasan ang susunod niyang pagsubo rito. Pagkatapos ay kinuha na nito sa kanya ang kutsara na nag-uumapaw sa lumpia. "Hindi mo na ako kailangang subuan, Fara. Kaya ko ng pakainin ang sarili ko."
"Okay." Binalingan na lang niya ang sariling pagkain. Ngunit hindi niya magawang galawin iyon. Wala siyang gana. Ang gusto lang niyang gawin sa ngayon ay ang mapalapit pa nang husto sa binatang kaibigan.
"Fine, fine," narinig niyang sambit niya. Saka nito ibinalik ang kutsara sa kamay niya. "Sige na. If you want to make a fuss over me, by all means, do so. Basta huwag ka ng magmukmok riyan."
Pinagmasdan lang niya ang magkasalikop nilang mga kamay. Magaan ang pakiramdam niya. She felt like she was his hands could take care of everything around her. And it was a very comforting feeling.
O, sinong siraulo ang hahayaang mawala ang ganitong klase ng bagay?
Hinawakan na niya ang kutsara. Isang beses pa siyang ngumiti nang balingan ang guwapong mukha nito. Sa pagkakataong ito, her smile wasn't exagerrated. It was a pure and pleasant smile.
"Inaakit mo ba ako, Haru?"
"Ha?"
"Kung tingnan mo kasi ako ngayon, parang sinasabi mong may gusto ka sa akin."
Tumawa lang ito. Imbes na ma-offend ay dinampian lang niya ng tissue ang gilid ng labi nitong may natirang sauce ng lumpiang sariwang kinakain nito. natigilan ito at napatitig na lang sa kanya. Wala na ang anomang bakas ng tawa sa guwapo nitong mukha.
"Come on, I was just kidding." Natatawa na lang siya nang marahang pinitikin ang ilong nito. "Pero kung gusto mong seryosohin iyon, wala ring problema sa akin."
Umugong ang tuksuhan sa loob ng Sweet Sage. Kaya pala dahil kanina pa sila pinapanood ng mga tao roon.
"Ang sweet nyo naman. Bagay na bagay talaga kayo rito sa Sweet Sage!"
"Totohanan na ba iyan?"
"Mukhang sa simbahan na rin ang destinasyon ninyong dalawa sa hinaharap, ah."
Parang gusto niyang sulsulan pa ang mga ito sa mga pinagsasasabi tungkol sa kanya. Kaya lang, si Haru mimso ang panira nang magsalita ito.
"Hindi kami makikiuso sa inyo. Si Fara na mismo ang nagsabi nun."
"Binabawi ko na," wika niya. "Now na."
Nakisabay siya sa tawanan ng mga ito. itinaas pa niya ang mga kamay na tila ba isang pulitikong kumakaway sa kanyang mga 'pala'. As in taga-palakpak.
"Thank you, thank you!"
"Fara, kumain na lang tayo."
"Teka lang. Gusto ko pang marinig ang mga sinasabi nila, eh. Jean April, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito?"
"Nababaliw ka na. Sa dami ng lalaking matino dito sa Calle Pogi, bakit si Haru pa ang nagustuhan mo?"
"Wala, eh. Na-inlove kasi ang lola nyo."
"Wala na ba talagang atrasan iyan?" panunukso na rin ni Kelly. "Baka naman makita mo lang na may magandang babaeng nakadikit kay Haru e makipag-break ka na agad sa kanya."
BINABASA MO ANG
Calle Pogi 5: HARU (Completed)
RomanceUmuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na...