***UNEDITED****
"HARU! AT last nakita ko rin ang pinakamagaling kong reporter. Nasaan na ang report mo?"
"Celine, paupuin mo kaya muna ako?"
"You give me the report first. Then you can sit."
Nakamasid lang si Fara sa isang tabi nang salubungin sila ng may edad ng editor ni Haru na si Celine Cristobal. She was on her fifties and yet her movements and the way she speaks wouldn't reflect on her age. Napaka-hyper kasi nito.
Ibinigay na ni Haru ang isang CD sa editor nito. "Thank. You. Nakita ko na ang mga footages ni Bert sa huli ninyong assignment sa Afghanistan. And I'd say, tatabo na naman tayo ng major awards dito sa Pilipinas pati na sa ibang bansa. I just love you, two."
"Kumusta na nga pala si Bert? Nakalabas na ba siya ng ospital?"
"Oo. Isang araw lang din siyang pina-confine sa ospital for observation and then he was dispatched. Ikaw naman, ayos na ba iyang injury mo?"
"Yeah. Galos lang ito. Malayo sa puso."
Muntik na niyang batukan ang binata sa sinabi nito. Malayo raw sa bituka e ni hindi nga ito halos makalakad ng maayos sa naging pinsala nito.
"Good to know that."
Ito namang editor ni Haru, isa yata itong kriminal. Ni hindi man lang inalala ang kalagayan niya. Ito yata ang hindi tao, eh. Binalingan siya ni Celine. Hala! Nakakabasa kaya ito ng isip?
"Nurse mo?" tanong nito kay Haru.
"No." Haru's answer was firm and serious.
"Hmm, mukhang sensitive ka sa isyu ng...kasama mo."
"Her name's Fara. So if you don't mind, don't talk like she's not here."
"Ganon ba ang dating sa iyo ng sinabi ko? Sorry." Nilapitan siya ni Celine at inilahad ang kamay sa kanya. "I'm his poor editor. Sorry din kung na-offend ka ng sinabi ko."
"E...hindi ko nga alam kung alin doon ang offending."
Clutching her hand, Celine turned back to Haru. "See? Wala naman akong sinabing masama, ah."
Seryoso pa rin ang mukha ni Haru nang tumayo gamit ang saklay nito. "We're leaving. Tawagan mo na lang ako kung may bago akong assignment. Let's go, Fara."
"Actually," singit uli ni Celine. "I'm satisfied with your documentary, Haru. So, I'm giving you a month-long vacation. Para naman mahaba-haba ang oras ninyo sa isa't isa ng...aherm, kasama mo."
"You don't have to do that, Celine." His voice was now back to its usual playful tone. "Kaya ko pa ring magpunta sa ibang bansa kung may bagong malaking balitang sasabog."
Celine's thin mouth curved into a satisfied smile. "You've done more than enough with your Afghan report, Haru. Take some time off to recuperate and be with your girlfriend."
"Ah, excuse me. I'm not his girlfriend."
Ngunit hindi siya pinansin ng mga ito na nagpatuloy lang sa pagdi-discuss ng tungkol sa latest piece of work ng binata. Kaya nakakunot pa rin ang noo niya habang naglalakad sila sa hallway ng tv station na iyon nang makaalis na sila sa opisina ng editor nito.
"Bakit hindi mo itinama ang pagkakamali ni Celine? Inisip tuloy niyang magkasintahan tayo."
"Hayaan mo na iyon."
"Hayaan e mali nga ang iniisip niya."
"Kung gusto mong itama e di balikan mo si Celine at magpaliwanag ka."
BINABASA MO ANG
Calle Pogi 5: HARU (Completed)
RomanceUmuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na...