Part 7

5.8K 145 16
                                    

***UNEDITED***

"ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Haru? Hindi ako puwedeng makipagkuwentuhan sa iyo ngayon, eh. As you can see, marami akong customers."

"Wala ka namang kaharap na customers ngayon." Ngiting-ngiti pa si Haru kay Fara. "I'll step aside kapag may lumapit, promise."

Pinagbigyan na niya ito. Gaya ng pagbibigay niya, sa wakas, sa kung ano ang isinisigaw ng kanyang puso.

Mas magaan pala sa pakiramdam.

"Fine." Hinarap na niya ito. "O, ano ang kailangan ng mama? Wala akong pera, ipinapaalala ko lang sa iyo."

"Mas mayaman naman ako sa iyo so you don't have to worry about me. Ang totoo, gusto ko lang magpasalamat doon sa ipinadala mong cake sa amin kagabi. I should have thanked you last night, kaya lang...alam mo na. Bagsak na naman ako sa kalasingan."

"Ikaw naman kasi, alam mo na ngang wala ka talagang kapag-a-pag-asang maging Sunog-Baga Boy, umiinom ka pa rin."

"Its not about the beer, Fara. Kaya lang naman ako umiinom pampalipas ng oras. Para makipagkuwentuhan na rin sa mga kaibigan ko."

"Oo. Lagi ka namang nauunang bumagsak bago pa kayo magkasarapan sa pakikipagkuwentuhan." Tumawa lang ito.

Napangiti na lang din siya. Ah, this is the man I fell inlove with unpextedly. Sino ba ang mag-aakalang mahahalin ko ang kolokoy na ito sa tagal ng pagiging magkaibigan namin? Totoo nga yata talaga ang kasabihan tungkol sa magkaibigang lalaki at babae. Na darating ang panahong matutunan mahalin ng isa ang kaibigan sa sobrang tagal na nilang magkasama. At isa siya sa mga naging biktima niyon. Well, just as she said, it was all worth it with Haru. Mabait at maalalahanin ang isang ito. Kaya hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya rito nang hindi niya namamalayan. Idagdag pa na madalas nitong ipadama sa kanya kung gaano siya ka-espesyal at nakakalimutan niya ang mga insecurities niya kapag ito ang kasama niya.

"Mali yata ako ng ipinadala kay Haru kagabi," wika niya. "Akala ko kasi mag-isa ka lang kaya cake ang ipinadala ko."

"About that, bakit mo nga pala ako pinadalhan ng cake? Anong okasyon?"

"You got rid of your crutch. That's something to celebrate about."

"Kung ganon dapat ay ikaw na mismo ang nagdala sa akin nun. Para tayo na lang ang nag-celebrate. Wala namang kuwenta sina Bucho. Pinag-trip-an lang nila ako magdamag."

Tinapik niya ang ibabaw ng counter. "Bakit? Anong ginawa nila sa iyo? Sabihin mo at...at isusumbong natin sila sa pulis."

Ngumiti lang ito. "Masyado ka yatang mabait sa akin ngayon."

"Ha?"

"Napansin ko lang na nitong mga nakaraang araw na may mga instances na parang naiilang ka sa akin."

Well, madali lang sagutin iyan. Dahil nang mga panahong iyon ay unti-unti akong nagiging aware sa damdamin ko para sa iyo.

"Gutom lang siguro ako nun," sagot niya. Haller! Wala siyang balak ipaalam dito ang nararamdaman niya, 'no? Next time na lang.

"Tamang-tama, hindi pa rin ako kumakain. Tinanghali na kasi ako ng gising dahil sa hang-over."

"Talaga nga naman. Tinatamaan ka pa ng hang-over ng lagay na iyon?"

"Sensitive ako." Nilingon nito ang kabuuan ng shop bago siya binalingan. "Magsara ka na muna. Tutal naman tanghali na. Kumain na muna tayo."

"Sayang ang kita ko kung magsasara ako. Magpa-deliver na lang tayo ritos ng pagkain."

Calle Pogi 5: HARU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon