CHAPTER1: A BAD DREAMS WAKE ME UP

155 16 4
                                    

Maaliwalas na gabi at maliwanag ang paligid. Hawak-hawak ni Gen ang malabot na kamay ng kaniyang girlfriend na si Karla habang nakaupo sa isang upuan sa gilid ng daanan sa pampublikong parke. Kapwa masaya nilang pinagmamasdan ang ganda at ang maliwanag na kalangitan dulot ng kaakit-akit na maliwanag na buwan. Napakatamis ng mga sandaling ito para sa kanilang dalawa na kapwa parehong masaya na tila ba ay wala nang makakapigil pa sa kanilang mga nadaramang gayak sa oras na iyon.

Kasabay ng tahimik na gabi ay seryoso at matamis na pinag-uusapan ng magkasintahang sina Gen at ng girlfriend niyang si Karla ang kani-kanilang magiging future. Sigurado na sila sa isa't isa na hindi na magkakahiwalay pa. Tapat sa isa't isa ang bawat damdamin na kasing tibay ng pinakamadikit na dagta ang kapit sa isa't isa.

"Gusto ko maging kilalang direktor dito sa bansa natin. I will make films na mararamdaman talaga ng bawat tao dito sa atin, saka gusto ko rin i-share itong buhay ko, minsan baka magagawan ko ng napakagandang istorya at syempre kasama ka na roon" ani ni Gen sa kasintahan.

Napangiti naman si Karla sa mga mapagbolang mga salita ngunit makatotohang mga sinambit ni Gen.

"Talaga ba?" Tanong ni Karla sa kasintahan.

"Oo naman, syempre para sayo pinakamagandang binibini." Nakangiting sagot ni Gen kasabay ng pagpikit-pikit nitong mga mata.

"At ano namang mayroon diyan sa pagpikit-pikit na yan, may dumi ba sa mata mo?" Ani ni Karla.

"Wala, wala" sagot ni Gen at patuloy padin sa pagpikit-pikit ng kaniyang mga mata.

"Ahh wala, so ano nga ang mayroon diyan sa pagpikit-pikit mo ha?" sambit pang muli ni Karla.

"Wala ang ganda mo lang, sobrang nakakasilaw" pambobola ni Gen.

Napa-iling na lamang si Karla sa sinabi ni Gen kasabay ng matamis na matamis na ngiti nito.

"Talaga nga naman ang boyfriend ko, ang sweet-sweet pero bolero" pagbibiro ni Karla kasunod ng paglapat ng mga palad niya sa masayang mukha ni Gen at panggigigil niyang pinipisil ang magkabilang pisnge nito.

Nagkatitigan ang magkasintahan kasabay ng pagpapalitan ng matatamis na ngiti at bigla na lamang pagsampal ni Karla sa kanang pinge ni Gen.

Napihit pakaliwa ang paningin ni Gen kasabay ng pagtataka nito.

"Para saan?." Sambit ni Gen habang nanatiling nakalingon parin sa kaliwa.

Sinampal muli ni Karla si Gen sa kabilang pisnge at pagpaling din naman ng kaniyang mukha pakanan.

"Para saan?" mahabang pagkakabigas ni Gen.

"Tumingin ka sakin" sambit ni Karla.

Dahan-dahang pumipihit ang paningin ni Gen patungo kay Karla.

"Ano ba yan ang bagal" sambit ni Karla kasabay ng paghawak niya sa magkabilang pisnge ng mukha niya ibaling niya sa mukha ni Gen upang sa humarap ito sa kaniya . Nakangiting kumagat-labi at kasunod ng pagkindat ni Karla na gayong pagiiling-iling namang umiiwas ni Gen.

"Oh Karla" pagtataka ni Gen sa mga kinikilos ni Karla na hindi niya naiintindihan kung ano ba ang tunay nitong nais ipabatid. Hindi mawari ni Gen ang mensahe ng pagkagat labi ni Karla at pagkindat-kindat nito. Hindi niya tuluyang mawari kong nagbibiro lamang ba itong si Karla o nais talaga niya ng isang halik.

"Uy, Uy, Uy," huling katagang binitawan ni Gen bago tuluyang magdampi ang kanilang malalambot mapulang mga labi.

Sa kalagitnaan ng tahimik at sa madilim na paligid na tanging mga bombilya na pinalilingas ng elektrisidad at ang buwang malingas na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid kasabay ng pag alab ng mga nagbabagang damdamin nina Gen at Kassy.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon