CHAPTER6: A TEXT MESSAGE

27 5 0
                                    

Nang matapos si Gen sa video clip na kaniyang ginagawa para sa namayapang girlfriend na si Karla ay naglaro namang muli si Gen ng paborito nitong video game sa kaniyang computer. Parehong nilalaro nina Karla at Gen ang video game na iyon noong nabubuhay pa si Karla kung kaya naman ay ito na lamang ang naging daan niya upang hindi tuluyang makalimutan ang pinakamamahal na kasintahan. Magmula ng mawala si Karla ay hindi at hirap ng pumasok si Gen sa panibagong relasyon ng dahil sa ang puso niya ay tangi niyang naialay Karla. Madaming taon na hindi na siya sumubok at naghintay na lamang ang pagkakataong darating na makakatagpo siya ng pusong iaalay sa kanya, katulad ng pag-alay ni Karla sa puso niya noong siya ay nabubuhay pa.

Kada kaarawan ni Karla ay napaka-special na araw iyon para kay Gen. Iyon ang mga gawing kinasasanayan niya bilang pag-celebrate ng kaarawan ng kaniyang namayapang mahal na si Karla. Hindi mawala-wala sa isipan ni Gen ang mga ala-ala ni Karla. Bilang pag-alala niya ay kaniyang binabalikan at ginagawang muli ang mga nakasanayang gawin nilang dalawa ni Karla at Gen noon.

Habang mag-isang nagsasaya si Gen sa editing suite ay tapos na din naman sina Topher at mace sa kanilang mga ginagawa sa screening room sa kabilang kwarto lamang nito. Binabaan ni Topher ang temperatura ng klima na binibigay ng aircon upang mas maging malamig pa sa pakiramdam. Nag-uusap ang dalawa sa magkabilang sulok ng kwarto na kanilang kinalalagakan.

"Ready na 'to, akin ng tatawagin si sir Gen para makita nya na itong pagkaka-ayos natin" sambit naman ni Topher mula sa kabilang sulok.

"Huwag na muna, baka natutulog pa. Hayaan nalang natin munang magpahinga ng maayos si sir Gen, maagang nagising yon para dito. Ako nalang tatawag sa kanya kapag padating na ang mga bisita natin ngayon dito" sagot naman ng sekretarya ni Gen na si Mace.

Patuloy ang pag-uusap ng dalawa mula sa magkabilang sulok ng sreening room. Malinis na ang paligid ng kwarto at nasa-ayos na din ang lahat ng kagamitan. Habang nakaupong nag-uusap ang dalawa  sa magkabilang sulok ng  screening room ay kapwa bigla namang napalingon ang dalawa sa orasang nakasabit sa dingding ng screening room. Alas nwebe kwarenta y singko na ng umaga. Labis na ng kwarante y singko minutos mula sa oras na napag-usapan. Napansin din nila ang imahe mula sa orasan—ang imahe ng buwang maganda. Selenophile si Gen kung kaya ang lahat ng orasan na makikita sa palibot at kada-kwarto ng kumpanya ay makakakitaan ng imahe ng buwan.

"Kasi I spent a seconds or minute kakatingin sa buwan every night kaya ganon din yan kapag titingin ako ng oras I spend a seconds or minute na makikita ko ang buwan kahit pa umaga." Ang paliwanag na lamang ni Gen tungkol dito tuwing siya ay tatanungin.

Tumayo si Topher at lumakad papalapit kay Mace na malapait sa pintuan ng screening room.

"Padating na ba sila?" muling tanong ni Topher.

"Malapit na daw si Direk Bong at Ma'am Jane Chan" sagot ni Mace.

"At ang iba?" muling tanong ni Topher kay Mace.

"Excited ka ba, Topher." Pagbibiro naman ni Mace.

"Malapit na din pero wala pang update mula kay Kassy" dagdag pa niya.

"Kassy, yung leading lady ba yun. Galit si sir Gen doon. Paano ba anamn kasi unang araw ng meeting late agad and I'm sure late ulit siya ngayon" ani ni Topher.

"Baka hindi mo nalalaman late din si sir Gen noong araw na yon," sagot naman ni Mace sa sinasabi ni Topher.

"Talaga?" Pagkabigla ni Thopher.

Tumungo si Mace, "Oo," sambit nito at nagsimulang magtawanan ang dalawa.

Habang nagkakatuan sina Topher at Mace sa na nagkukwentuhan sa screening room ay naisingit namang magpadala ng text message si Mace kay Kassy.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon