CHAPTER12: VISIT OF THE HEART

19 5 0
                                    

Sikat na sikat na ang araw, nandodoon na rin ang lahat ng mga bisita na inaasahang dadalo sa rehearsal at ang mga staffs sa opisina ay nagawang maging maagang dumating sa opisina maliban na lamang sa tatlong tao na wala sa loob ng gusaling iyon. Araw ng lunes at si Mace ang naatasan ni Gen na mamahala sa opisina at pangunahan ang nasabing rehearsal ng mga artista at direktor para sa paghahanda nila sa kanilang nalalapit na pagsisimula ng pag-shoot ng pelikulang pinagtatrabahuan ng kumpanya ni Gen, si Gen naman ay kasalukuyang naka-absent sa opisina sa araw na iyon upang makasama ang pamilya nito sa probinsya kung kaya si Mace ang inataasan nito ng mamahala ngunit habang si Kassy naman ay kakarating lamang pamamahay pa nito, masakit ang ulo dala ng hang-over dulot ng kanilang pag-iinom ng alak nila ni Mace sa isang bar. Kapwa nakatulog si Mace at Kassy sa isang bar dulot ng kalasingan.

Naghihintay na ang lahat ng conference room para sa kanilang pagdating upang sila ay makapagsimula na sa kanilang pag-eensayo. Makalipas ang maraming minutong nagdaan nang dumating na nga si Mace ngunit si Kassy ay wala parin.

"Sorry guys I'm late" bigkas ni Mace habang binababa niya ang kaniyang gamit na dala-dala sa desk sa conference room.

"Guys Kassy coudn't attend now, she's sick" pagsisinungaling ni Mace ngunit ang sa katunayan ay hindi makakadalo ng dahil sa kalasingan nito. Pinilit lamang ni Mace ang sarili niya na pumasok sa opisina dahil siya ang inatasan ng boss nito ni Gen na siyang mamahala sa opisina.

Nanghihinayang naman ang lahat sa nasabing dahilan kung bakit hindi makakadalo si Kassy sa kanilang rehearsal. Ngunit sa likod noon ay nagawa pa rin nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-eensayo sa pangunguna ng direktor na si Bong Manzano.

"Pero ipagpapatuloy parin natin ang rehearsal kahit wala ang lead artist natin" ani ni Direk Bong na hinayang na hinayang.

"Wala naman tayong magagawa kundi ipanalangin na gumaling na sya ka agad" dagdag pa ng direktor.

Taimtim naman na nanalangin ang lahat para sa kalusugan ni Kassy at maging si Mace na nakaisip ng pagsisinungaling na iyon ay nakisama na lamang din sa panalangin. Pinalangin din nila ang kalusugan ng isa pang direktor na si Gen at ng produser ng pelikula na si Jane Chan at kanila ring ipinagdasal ang naway maging matagumay na mapagsimula na sila ng kanilang pag-shoot ng pelikula.

Habang si Kassy sa oras na mga iyon ay kasalukuyang namamahinga sa pamamahay nito ng dahil sa sakit ng ulo na dulot ng kanilang pag-iinom. Kalmado lamang siyang nakahilata sa kwarto nito at paikot-ikot ang mga mata sa palibot ng kwadradong silid niyang iyon nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone nitong napatong sa isang maliit na mesa sa loob ng kaniyang kwarto.

"Kassy 'wag ka na munang umattend ng rehearsal ngayon ipinagpaalam na kita sa mga kasama at kay sir Gen" ani ng mensaheng nagmula sa sekretarya ni Gen at in-charge sa opisina sa araw na iyon-si Mace, at gayong siya ring kasama ni Kassy noong gabing malasing at matulog ito sa bar.

"By the way si Direk Gen ay talagang wala ngayong araw, nag-message na siya sa akin kahapon, sinabi niyang nasa probinsya siya kasama ng pamilya niya" ani naman ng kapwa direktor na si Direk Bong.

"Yes po Direk" sagot naman ng secretary ni Gen na si Mace.

"Safe and Happy one day vacation para kay Direk Gen" ani ni Direk Bong.

Maligaya si Gen na kasama niya ang pamilya niya, masaya niyang tinatanaw ang bukid at nilalasap ang presko hangin at ang maaliwalas na pamumuhay sa probinsya.

Ipinagpatuloy pa rin ng lahat ang rehearsal sa loob ng kumpanya ni Gen kahit wala ang leading lady na si Kassy. Kasabay na ng pag-aalala ng lahat para maagang pag-ayos ng pakiramdam ni Kassy ay hindi nila pinabayaan ang dapat nilang trabauhin.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon