CHAPTER8: STALKER

28 6 0
                                    

Sa muling pagsisimula ng pagre-rehearsal ng mga artista kabilang na si Fry, Kassy at direkto na si Direk Bong. Si Gen naman ay patuloy pa rin sa pagsulyap-sulyap sa mga bisitang nasa screening room kung saan ang lugar ng rehearsal. Pabalik-balik si Gen sa screening room at conference room na lugar naman na kung saan siya ay mayroong ginagawang paperwork sa laptop nito. Habang patuloy ang pagsasagawa at kasalukuyang pag-eensayo ang mga artista at ng direktor na si Direk Bong ay masaya naman silang pinapanood ng producer ng pelikula na si Jane Chan at ng sekretarya ni Gen na si Mace at maging si Gen ay masaya ring nakatindig katabi ni Direk Bong habang pinapanood ang rehearsal.

Matagal na malagi si Gen sa screening room upang panoorin ang ilang bahagi ng rehearsal na kaniya naman itong ikinatuwa't nagustuhan.

Nang makaramdam ng ngalay ang mga binti ni Gen ng dahil sa pagkakatindig ay kanyang niyaya ang kapwa direktor nito na si Direk Bong na maupo upang sa gayon ay ma-relax ang kanilang mga paa.

Magkatabi sa upuan at masayang nag-uusap ang dalawang direktor-si Gen at Direk Bong.

"Direk kailan kaya pu-pwede ng isabak ang mga ito, pakiramdam ko ay handa na rin sila" tanong ni Gen sa kapwa direktor din na si Direk Bong.

"Pag-iisipan natin yan ng maigi kung kailan nga ba pwede na, pero sa palagay ko din naman ay handa na rin ang mga bata, hintayin na lang natin na maging maayos na ang lahat upang makapasimula na" mahinang usapan ng dalawang direktor.

"Paano ba yan Direk Bong ikaw na mula ulit ang bahala dito ha, doon lang po muna ako sa conference room at tatapusin ko pa ang mg paperwork, pero kapag may kailangan po kayo ay magsabi lamang po, at saka pala Direk Bong ay mayroon nga po pala tayong mga selected schedule na maaring maging-start kung saka-sakaling pwede na tayo para sa pagsisimula ng shoot ng film na ito" ani ni Gen.

Tumayo si Gen mula sa kinauupuan at marahan itong kumilos at naglakad upang sa gayon ay hindi niya makuha ang atensyon ng iba pang parte ng kwartong iyon. Palingon-lingon si Gen na humakbang papalapit sa pintuan upang pagmasdan at makanakaw ng tingin kay Kassy na wala ninuman sa loob ng kwartong iyon ang makakaalam. Habang abala ang mga artista sa pagpapapatuloy ng rehearsal sa screening room ay muling humarap si Gen at nagsalita na ikinagulat naman ng madami.

"Diyan na muna kayo ah" pagpapaalam ni Gen sa mga kasama bago niya buksan ang pintuan at tuluyang lumabas ng screening room.

Nagkapalitan ng tingin ang bawat isang nasa loob ng screening room at nakangiti't masayang tumugon kay Gen.

"Yes sir Gen" ani ng mga taong nasa loob ng screening room.

Pagbalik ni Gen sa conference room at habang siya ay mag-isa sa loob ng apat na sulok ng silid na iyon ay kalmado ang pakiramdam ng lalaki sa gitna ng malamig na klima na ibinubuga ng malakas na aircon. Habang siya ay naka-upo sa harap ng kaniyang laptop sa ibabaw ng mahabang mesa sa conference room nang bigla na lamang sumagi sa isipan ng lalaki na tumingin sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwartong iyon na kasalukuyang nasa oras na alas dos y medya ng hapon. Habang pinagmamasdan niya ang kaakit-akit na imaheng makikita sa orasan, ang imahe na kinahiligan ni Gen-ang buwan ay kasunod naman ang biglang pagpasok ang sisipan ni Gen at naalala ang mga kaganapang nangyari sa kwartong iyon sa pagitan niya at ni Kassy bago pa tuluyang magsimula muli ang rehearsal.

"By the way, kamusta ang pagkain" nakangiting tanong ni Gen sa mga bisita at ang puntong pagkapansin niya ang makapit na pagkakatitig si Kassy sa kaniyang relo.

Tumingin si Gen sa relo niya at nakita niyang wala namang ibang kapansin-pansin dito maliban na lamang sa disenyo nitong imahe ng buwan.

Napa-isip si Gen habang pingmamasdan ang kaniyang suot na relo.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon