CHAPTER15: SHOOTING DAY

23 6 2
                                    

Nagsimula na ang pagso-shoot ng pilikulang pagbibidahan ni Kassy, naroroon na ang lahat ng mga artistang gaganap. Maging si Fry na kapwa may mahalagang gagampanan din sa pelikula, gayun din naman ang producer ng pelikula na si Jane Chan o maskilala sa tawag na Ma'am Chan at syempre ang direktor ng pelikula na sina Direk Bong at Gen.

"Hindi ko kayang lukuhin ang sarili ko, hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko nang hindi mo mahahalata, alam mo ba kung bakit, ha,? kasi mahal kita kaya ko pinapakita" nagmamakaawang bigkas ni Kassy mula sa binitawang linya nito para sa pilikula.

"Tumigil ka na nga matagal na tayong tapos Kassy Marcus, okay. We're already done" galit na galit at madiin na pagbitaw ng linya ni Fry.

"Alam mo ikaw, kapag hindi kapa tumigil" sambit pa muli ni Fry kasabay ng pagtaas ng braso nito at pagbukas ng malapad na palad ni Fry na anumang oras ay lalapay sa pisnge ni Kassy.

Nagpumiglas si Fry at pilit na alisin ang mga brasong nakayakap sa katawan nito. Labis na pananangis ni Kassy upang mapigilan ang paglisan ni Fry ngunit isang malagitik na sampal lamang ang isinagot sa kaniya ni Fry sa malungkot na mukha ni Kassy.

"Cut" sigaw ni Direk Bong.

Pinanonood ng lahat ang mga tampok na iyon. Aminadong nahusayan sa pinakitang galing sa pag-arte nina Kassy at Fry ang lahat lalong-lalo na ang mga direktor nito na sina Gen at direk Bong.

"Good job guys" ani ni direk Bong.

Palakpakan namang sagot ng mga kasamahan sa set.

"Paano, break muna mga kasama." Dagdag pa ng direktor na si Bong.

Nakangiti ang bawat isa sa pagtatapos ng kalahating bahagi ng shooting para sa araw na iyon. Unti-unti ring nagsisipagkilusan ang lahat ng mga kasama upang makapaghanda ng mapapagsaluhan. Tumulong din si Gen sa paghahanda ng pagkain upang mapadali nang sa gayon ay masimulan na ang kanilang salo-salo sa isang munti at masayang panananghaliaan.

"Kassy" tawag ni Gen habang palapit sa naka-upong babae.

Dahang-dahang lumingon ang magandang babae, maaliwas na mukha, ngiti nitong makinang at ang buhok na sumasabay ang alon sa kayang paglingon.

Magandang ngiti rin ang naging sagot ni Kassy nang lumapit si Gen sa kaniya upang ayain ng kumain.

"Salamat po sir Gen" tugon din ni Kassy sa direktor.

Magkasabay na naglalakad ang dalawa patungo sa kinaroroonan ng mga kasama kung saan sila magkakaroon ng munting salo-salo.

Magkalapit lang din ang upuan nina Kassy at direktor na si Gen kung kaya't may mga tinginang nakakailang sa oras na magtama ang kanilang mga mata.

Pareho silang nakakaramdam ng pagkailang at kapwa hindi kumportable sa pakiramdam na iyon kung kaya ay minarapat ni Gen na putulin na ang nabubuong ilangan sa pagitan ng dalawa sa sandaling iyon.

Ini-abot ni Gen ang pagkain kay Kassy.

"Kuha ka na Kassy" ani ni Gen.

Naiilang pa rin si Kassy ngunit kailangan nyang tanggapin ang alok ni Gen kundi hindi matatapos ang ilangang iyon na nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

"Salamat sir Gen" malambing at matamis na tugon ni Kassy sa pag-alok ni Gen. Ngunit hindi mapipigilan mga katagang tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Ano ka bang Kassy ka ang rupok bes, sabi mo iiwas ka na. Ano nangari ha" mga salitang nais kumawala kaniyang isipan. Habang sandaling nagkatitigan ang dalawa—sina Gen at Kassy.

Mabilis din namang ipinaling ni Gen ang lingon patungo sa kabilang direksyon at gayon din si Kassy.

"Oh Fry ito pala yung sayo" ani ni Gen kasabay ng pag-abot niya ng pagkain.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon