CHAPTER7: WALKED OUT MAN

31 6 0
                                    

Nagsimula na ang rehearsal ng mga artistang gaganap at ng direktor sa screening room. Magaling naibabato ng mga artista ang mga linya sa istorya at action na kinakailangan at nagustuhan naman ito ni Direk Bong. Parte sa kwarto ang sekretarya ni Gen na si Mace upang pagmasdan ang mga kaganapan. Gayon din naman ang mga pasulyap-sulyap ni Gen sa screening room. Pinapanood ni Gen ang rehearsal ng mga artista ngunit babalik din siyang muli sa conference room and later on susulyap namang ulit sa screening room.

"Ang gagaling naman" pagpupuri ni Direk Bong sa mga kasama.

"Keep it up, sure akong magugustuhan yan ni Direk Gen." Pagtutukoy ni Direk Bong sa pinakitang galing ng mga artista sa pag arte.

"Break muna, pahinga muna tayo at mamaya nyo na ulit ibuhos ang galing sa arte after natin makapagpahinga at makapananghalian," dagdag pa ni Direk Bong.

Lumabas ng screening room ang mga bisita at tumungo papunta sa conference room na kung saan naroroon mag-isa si Gen.

"Hi guys, kamusta ang rehearsal" pagbungad na bati ni Gen sa mga bisitang papasok ng kuwarto.

Huling pumasok sa mga bisita ay sina Kassy at Fry sa conference room kasunod naman nilang dalawa sa likod ay si Mace na hindi maipinta ang mukha.

"Nakakapagod po ng so lit—so little" makwelang sagot ni Kassy na kasabay na pumasok ni Fry.

Tahimik ang kwarto bago pa pumasok ang mga bisitang artista at direktor. Umingay na lamang pagdating ng mga bisita at pansing-pansin ni Gen ang lahat ng mga nagaganap sa paligid niya sa loob ng apat na sulok ng conference room. Nakikita din niya habang magkatabing nagkukwentuhan ni Fry at Kassy na tila ba ay malapit na malapit sa isa't isa.

Ngunit lingid sa mga napapansin ni Gen ay hindi niya nalalaman ang mga pagmamatyag sa kanya ng kaniyang sekretarya. Si Mace ang nakakapansin sa mga bahagyang pagkunot ng noo ni Gen at pagkayamot na napipinta sa mukha ng lalaki.

Habang nagkakasama-samang nagkakasayahan ang lahat sa conference room ay dumating ang deliver ng kanilang pananghalian makalipas ang ilang saglit. Kumuha lamang pagkain si Gen at humiwalay siya ng kwarto. Hindi din niya ipinakita ang pagka-irita sa kaniyang mukha para na rin hindi magbago ang kilos ng mga kasamahan. Tumungo si Gen sa paborito nitong lugar— sa Editing Suite upang doon ipagpatuloy ang pagkain at upang manuod na lamang din ng mga short film.

Habang masayang nagkakasalo-salo ang lahat sa panananghalian sa conference room. Halos lahat ay hindi napansin ang pag-alis ni Gen sa kwarto at maging ang paglabas ni Gen sa pinto ay hindi rin namalayan ng marami maliban na lamang kay Mace na sekretarya ni Gen at kay Kassy na pasulyap-sulyap kay Gen.

Nang tuluyang lumabas ng pintuan si Gen ay natahimik sagilt ang isang babaeng nagmamasid dito at pawang naiisip ng babae na malungkot at may problema itong si Gen o may hindi nagugustuhan ang pagiging maingay sa kwartong iyon. Ang katahimikang iyon ni Kassy ay pinapanood naman ni Mace na kapwa nagmamasid sa kanilang dalawa—kay Gen at Kassy bago pa umalis si Gen patungo sa editing suite. Pagkatapos na pagkatapos kumain ni Kassy ay lumipat siya ng upuan—doon sa tabi ni Mace.

"Ma'am" sambit ni Kassy.

Tumingin ang sekretarya na si Mace kay Kassy.

"Bakit po ma'am Kassy?" Tanong ni Mace sa babae.

"Wala naman po, itatanong ko lamang po kung bakit po umalis si sir Gen" mahinahong boses na tanong ni Kassy sa secretary.

Naging sagot lamang ng secretary ang pagkibit balikat nito na nagsasabing na hindi rin niya alam kung bakit nga ba umalis si Gen.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon