CHAPTER16: FAMILIAR SAID

22 6 0
                                    

Maraming araw na ang tinatakbo ng pagso-shot ng pilikulang pinagtatrabauhan nina Gen ngunit ang kaniyang braso ay may puting bendang paring nakabalot rito dulot ng nakaraang kaganapan kung saan aksidente niyang napatama ang patalim sa kaniyang braso habang nakikipag agawan siya ng patalim sa lalaking nang-hostage sa kaniya.

"Sir kamusta na ang braso mo?" tanong ni Kassy nang makita niya ang braso ni Gen.

"Okay naman pwedeng-pwede ko na ngang tanggalin itong benda" pagmamayabang na sagot ni Gen kay Kassy.

"Sige nga po" biro naman ni Kassy sa direktor.

"By the way okay ang acting mo kanina, impressive as usual" ani ni Gen.

"Impress ako sayo" bulong ni Gen sa sarili.

"Po?" sambit ni Kassy.

"Wala, Impressive kako hindi mo pala rinig" patawang sagot ni Gen.

Masayang nagkakabiruan ang dalawa  sa isang tabi habang break time pa lamang.

"O-Kay" mahabang banggit ni Kassy kasunod ng pagbaling ng lingon nito pagkubli sa bibig nito upang di mapansin ni Gen.

"Rinig ko naman pinauulit ko lang, keleleg e" mahinang sambit ni Kassy habang kubli ang bibig sa paningin ni Gen at bigla niyang pagtawa ng mahina.

"Hmm" ani ni Gen nang pansin niyang tumawa si Kassy.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Po!" ani ni Kassy.

"Tumatawa ka" sambit ni Gen.

"Ay yun wala po yun, happy lang" sagot naman ni Kassy.

"Ah ganun" ani ni Gen kasabay ng pagngiti.

"Napapasaya pala kita, hmm interesting, interested ako sayo" katagang sinasambit lamang sa isipan ni Gen habang nakatingin kay Kassy.

Sinusulit ng dalawa ang sandaling oras na sila ay makakapagkwentuhan ng ganito.

"Teka bakit ganto" tanong sa isipan ni kassy habang napapansin niyang kumportable ang kaniyang pakiramdam habang kausap si Gen.

"Hindi ako kinakabahan" ani pa ni Kassy sa isipan nito.

Ngunit lingid sa pagkakaalam ng dalawa na sina Gen at Kassy ay tanaw sila ng sekretarya ni Gen na si Mace na pinagmamasdan ang masayang pag-uusap ng mga ito mula sa malayo.

"Ang cute nilang pagmasdan" sambit ni mace.

"Napakabuting tao ni sir Gen at ganon din naman si Kassy, magkalapit lang ang kanilang edad swak na swak sa isa't isa."Ani ng mapagpantasyang isipan ni Mace na botong-boto na magkaroon ng relasyon sina Gen at Kassy.

Hindi man gustong putulin ni Mace ang sandali iyo na magkasama ang dalawa ngunit kailangan niyang gawin dahil ilang saglit na lamang ay magsisimula nang muli ang pagso-shoot ng naturang pelikulang pinagtatrabahuan.

"Sir Gen, Ma'am Kassy standby na po" ani ni Mace sa dalawa.

Agad din naman tumungo pabalik sa site ng scene ngunit ang kanilang pag-uusap ay di na natigil. Malapit na ang kanilang loob sa isa't isa na hindi nila napapansin ang mga iwasan nila na nooy pilit na pag-iwas ngunit sa nagyon ay tila ba ay nawala na.

"Okay ready na ba, lights" ani ni Direk Bong at pagtaas naman ng hinlalaking daliri sa kamay ng light director.

"Camera" ani ni Direk Bong.

"Cue" sagot ng DP o Director of Photography

Bilang director at writer ng pelikulang kasalukuyang ginagawa ay labis na natutuwa si Gen sa magiging kahihinatnan ng pilikula, lalo na't si Kassy ang gumanap bilang leading actress sa kaniyang pelikula.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon