CHAPTER11: FIRST NUMBER IN DIAL LIST

21 7 0
                                    


Nabigong makita ni Mace si Gen upang makahiram sana ng pera na maaaring ipambabayad niya sa bill ng kanyang ama sa ospital. Nagbakasali na siyang hanapin si Gen sa opisina, sa pamamahay nito at nauwi ang kaniyang paghahanap sa panlulumo na napunta sa pagpatak ng alak sa baso nito sa bar na kung saan siya naroroon.

Hindi magandang imahe ang makikitaan sa mukha ni Mace sa mga orsa na iyon na lugmok sa panlulumo, bagsak ang balikat at gayong lungkot ng mga mata nito habang marahang tinutungga ang isang baso ng alak. Hindi na rin naman niya nagawang tawagan pa o i-text si Gen para lamang sabihin at idadahilan ang paghihiram ng pera ng dahil sa hiya, hinayaan na lamang niya itong makapasaya ang boss nito si Gen sa kaorasan ng pagbibisita sa pamilya nitong nasa probinsya.

"Isa pa po" ani pang muli ni Mace sa bartender na nasa harapan niya kasunod ng paglapat ng bagong hawak-hawak niya sa lamesa.

"Ma'am Mace" tawag ng babaeng nasa pangalawang upuan mula sa kaliwa niya.

Lumingon si Mace sa kinaroroonan ng tumawag.

"Oh" banggit nito sabay titig niyang maigi sa babae.

"Kassy, sinong kasama mo?" Nakangiting tanong ni Mace.

"Wala po ma'am" sagot ni Kassy kay Mace. Tumayo si Kassy mula sa kinauupuan at lumipat sa upuang bakante sa tabi ni Mace sa bandang kanan.

"Mabuti pa lumipat na lang tayo ng pwesto. Dun tayo sa table dun sa gilid" pagsusuyo ni Kassy na sinang-ayunan naman ni Mace.

"Mabuti pa nga." Sagot ni Mace kay Kassy.

Magkasabay na tumayo ang dalawa habang pinagmamasdan sila ng bartender sa tapat nila.

"Oops" ani ni Mace at pagbalikwas ng katwan nito.

"Mister" ani ni Mace kasabay ng pagtaas ng hintuturo nito nakaturo sa itaas.

Mabilis na binuhusan ng bartender ang baso ni Mace.

"Sir isang bote din ng ganyan ha, pakidala nalang po doon sa table" ani ni Kassy nang itinuturo niya ang table na kanilang pupuntahan.

Magkasabay na naglakad ang dalawa sa itinuturo nilang pwesto.

"Bakit ka ba nandito Kassy, may problema ka ba?" ani ni Mace sa babae.

"Wala po ma'am, happy happy lang kahit mag-isa" natatawang sagot ni Kassy.

 "Kayo po ba?" tanung ni kassy.

"Wala, nagbakasakali lang sana ako na baka nandito si sir Gen, manghihiram sana ako ng pera" nadulas nitong pag-amin at napatungo na lamang siya ng ulo na halos isubsob niya sa mesa ng bigla niyang masabi ang dahilan ng kaniyang pagbabasakali.

"Pera, bakit mo po kailangan?" sagot naman agad ni Kassy.

Hindi na maka-iwas sa pagsabi ng totoo si Mace kung kaya't inamin na lamang niya at sinabing ang perang nais niyang hiramin ay ipambabayad niya iyon para sa bill ng ama nitong nasa ospital ng dahil sa isang aksidente.

"Ako na bahala diyan Ma'am Mace, don't worry na po" ani ni Kassy.

"Don't you worry na po ma'am ha" masayang banggit ni Kassy kay Mace.

"Kasi, kasi po ay may ikukwento ako sa inyo Ma"am tungkol sa pamamasyal ko kahapon" dagdag pa ni Kassy.

"Sir dito," malakas na tawag Kassy nang makita niya ang service crew na may dala-dalang isang bote ng alak na para sa kanila.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon