BOTE 3

1.4K 34 5
                                    

Before Our Tale Ends
Written by RIP

Chapter 3: Result

~~~

Jason POV

"Happy birthday Jared!" Sabay naming sigaw ni Jaya ng pumasok si Jared sa bahay namin.

"Mommy birthday po ni tito Jared?"tanong ni Niah.

"Yes baby."sagot ni Jaya.

"Oh nasan ang gift mo sakin Niah?"tanong ni Jared.

"Wala po, akala ko po kasi di nag be-birthday mga kagaya niyo eh."pang aasar ni Niah kaya natawa kami ni Jaya.

"Kuya nasa labas ang Lamborghini ko ihahampas ko yan sa kanya."inis na sabi ni Jared at inirapan si Niah.

"Talaga po tito Jared? Nasa labas ang Lamborghini mo? Patingin nga po."sabi ni Niah at tumakbo palabas ng bahay.

"Hoy! Wag mong gasgasan ah!"sigaw ni Jared saka lumingon sa amin.

"Kuya, punta kayo mamaya sa hotel may paparty ako."sabi niya. Tumingin ako kay Jaya.

"Pwede?"tanong ko kay Jaya.

"Oo naman."sagot ni Jaya.

"Oh di kami pwede."sabi ko dahilan para magulat si Jared at Jaya.

"Sabi ni Jaya kuya pwede daw."sabi ni Jared.

"Hindi Pwede, aalagaan ko si Jaya dito tignan mo tyan niya."sabi ko sabay turo sa tyan ni Jaya na malaki na.

Ilang buwan na nga ulit to? 8 months.

"ang daya."malungkot na sabi ni Jared.

"Papadalhan nalang kita ng limang Lamborghini."sabi ko.

"Talaga? Sige wag na kayong pumunta, kuya alam mo naman ang address ko diba?"Sabi ni Jared kaya natawa ako

Pag Lamborghini talaga ang bilis niya.

Natigilan kaming tatlo ng may tumunog mula sa labas.

"Mukhang Lamborghini mo ata yun."sabi ni Jaya kaya nanlaki ang mga mata ni Jared at tumakbo palabas, sinundan namin siya ni Jaya at nakita naming naka upo si Jared sa sahig at pasipa sipa na parang bata. Tumingin kami sa Lamborghini niya at nakitang may gasgas yun.

"Anong nangyare?"tanong ko tumingin ako kay Niah.

"May nag ba-bike pong babae kanina tapos napatid siya don sa may bato tapos saktong natumba siya dito."kwento ni Niah kaya tumingin kami sa dereksyon ng tinuro ni Niah at nakita yung babae na nag babike nga.

"Sinong babae yun?!"sigaw ni Jared.

"Ayun oh habulin mo."sabi ni Jaya. Agad namang pumasok sa loob ng Lamborghini nya si Jared at pinaharurot ito papunta don sa babae.

Napa iling nalang kaming tatlo saka pumasok sa loob ng bahay.

"Baby bantayan mo muna si mommy ah. Pupunta lang ako sa malacañiang."sabi ko kay Niah kaya tumango tango ito.

Tumingin ako kay Jaya.

"Sunshine, pupunta lang ako sa malacañiang."sabi ko at hinalikan siya.

"Oh okay ingat ka."sabi niya at hinalikan ako. Nag punta ako sa parking lot at kumuha ng kotse saka nag drive papunta sa hospital.

Nag sinungaling nanaman ako.
Huminga ako ng malalim. Hindi alam ni Jaya na nag pupunta ako sa Hospital para magpa check up.

Hindi din alam ni Jaya na... Bumalik na ang sakit ko.

Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng hospital saka nag punta sa doctor ko.

"Mr president."naka ngiting bati sa akin ng guard.

"Hi po Good morning."bati ko at nag derederetso papasok sa loob saka nag punta sa office nong doctor ko.

"Mr president." sabi niya at ngumiti.

"Ughm... May result na ba?"tanong ko.

"Yes Mr President " sagot niya kaya kinabahan ako bigla. Umupo ako sa upuan sa harap niya. Kinuha niya ang isang envelope saka huminga ng malalim.

"This is the result."sabi niya at binigay sa akin. agad ko naman iyong binuksan at tinignan.

Napa tigil ako sa mga nakita ko at nanumuo ang luha.

"I'm sorry Mr President..... But lumala na ang cancer cell na nasa utak mo... hindi na din sya madadala ng therapy, we can't do anymore." Sabi ng doctor kaya napa tingin ako sa kanya.

"Gagaling pa ba ako?"tanong ko.

Huminga siya ng malalim at umiling iling.

"You only have 2 weeks." napa tulala ako sa sinabi niya.

"Lumala ang cancer cell mo at hindi na din tatalab ang mga gamot na ibinigay namin sayo." sabi niya kaya nag bagsakan ang mga luha ko.

"niwarningan na kita noon na kailangan mong mag undergo sa chemotherapy but tinanggihan mo. And now... Ito ang nangyare. I'm sorry Mr President." Ngumiti ako.

"Thank you doc."sabi ko at tumayo.

"Wag na sanang makarating sa iba o kumalat sa iba ang tungkol dito.... Please."sabi ko. Tumango tango ang Doctor. Naka ngiti akong lumabas sa office niya at pagka labas ko saka ako napa upo sa sahig dahil sa nanghihina ako sa mga nalaman ko.

Pano si Jaya? Pano si Niah? Pano ang magiging anak namin? Pano si Jared? Pano ang buong Pilipinas?

Buong lakas akong tumayo para maka alis sa hospital.

bakit..... Bakit ako pa?
Ng makarating ako sa loob ng kotse ko ay nilabas ko ang wallet ko na may picture ni Jaya at Niah. hinalikan ko yun at niyakap.

"I'm sorry..... I'm sorry Baby.... I'm sorry Sunshine."

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Before our Tale endsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon