BOTE 11

1K 31 5
                                    

Before Our Tale Ends
Written by RIP

Chapter 11: Day 8

~~~~~

Jason POV

Habang palapit ng palapit ang mga araw at paubos ng paubos ang araw na nasa loob ng dalawang lingo ay palala ng palala ang karamdaman ko.

Minsan naiisip kong sumuko at mag pahinga na pero bigla bigla ring pumapasok sa isip ko ang mga naka lista sa Before our Tale ends.

"Kuya Can we talk?" Napalingon ako kay Jared na seryosong naka tingin sa akin.

Lumingon ako kay Jaya at kay Niah saka tumayo.

Lumabas si Jared kaya sinundan ko sya, napadpad kami sa court ng village namin kaya nag taka ako dahil nandito din ang Lamborghini niya.

"Anong meron?"tanong ko. Bigla siyang humarap at umambang susuntukin ako ng tumigil sa ere ang kamao niya. Kumunot ang nuo ko.

Namumula sya sa galit. Galit na galit siya. Ano bang nangyayare?

"What the hell is happening to you?"tanong ko.

"Kuya bakit?" Agad na tumulo ang luha niya.

"Bakit kuya sagutun mo ako BAKIT!"sigaw niya kaya kumunot ang nuo ko. Agad nawala ang pagka kunot ng nuo ko ng may pumasok na idea sa utak ko.

"Jared--"

"Kuya bakit? Bakit mo tinago samin n may sakit ka ha? Ang sabi mo hindi malala ang sakit mo ang sabi mo wala lang yun? Kuya! Pamilya mo ako pamilya mo kami bakit ka nag tatago samin?!"sigaw niya habang umiiyak.

Iniwas ko ang paningin ko saka nanatiling tahimik.

"Ano bang pumasok na katangahan jan sa utak mo kuya ha? Ano?! Ni hindi mo sinabi samin na may ganyan kang sakit! Kung sinabi mo sana nagamot pa yan! Sana mabubuhay ka pa ng matagal!"sigaw niya.

"Pano mo nalaman?"tanong ko.

"Hindi ma mahalaga yun kuya! I need your explanation now!" Napakagat labi ako.

"Buntis si Jaya." Sabi ko.

"At anong kinalaman niya don?"tanong niya.

"Ayokong ma stress siya pag nalaman  nya ang tungkol dito. Ayokong problemahin niya pa ako."

"Then kuya dapat sinabi mo sakin! Dapat sinabi mo sa akin na kapatid mo ang tungkol jan."sabi niya.

Kitang kita ko kung pano tumulo ang mga luha niya.

"Kuya nangako ka sakin nong mga bata tayo na walang lihiman, we're friends and brother pero bakit kuya?"Sabi niya at lumayo sakin.

"Jared--"

"Kaya ba ginagawa mo lahat yun ha? Kaya ba nag getaway tayo?"tanong niya.

"Jared listen." Sabi ko at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Kasalanan ko din naman ito eh, nong araw ng kasal namin ni Jaya nakaramdam na ako ng sintomas ng sakit ko."sabi ko

"Then after our wedding, kumunsulta ako sa doktor ko and she said bumalik na ang sakit ko so i need to undergo in chemotherapy." Dagdag ko. Agad na namang tumulo ang mga luha niya.

"Ni reject ko yun kasi gusto kong matuloy ang honeymoon namin ni Jaya. And i don't want na problemahin pa ako ulit ni Jaya." Umiling iling siya.

"Then after 1 year matapos ang celebration ng birthday ni Niah nag punta ako sa doktor ko." Binitawan ko ang balikat niya at yumuko.

"Then the result says..... Wala ng treatment sa sakit ko. Lumala na ang mga cancer cells at pag nag undergo pa ako sa chemotherapy baka di na kayanin ng utak ko at bumigay na ako, hindi na din kaya ng mga gamot na iniinom ko ang cancer cells. and i only have....."natigil ako sa pag sasalita at tumigin sa kanya.

"I only have 2 weeks para mabuhay."dagdag ko. Umiling iling siya. Tumalikod siya sakin at pinag sisisipa ang Lamborghini niya. Napa yuko ako saka tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko pang pinag susuntok nya ang Lamborghini niya kaya naman inawat ko na siya.

"Jared stop." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Niyakap niya ako dahilan para lalo akong maiyak.

"Kuya naman eh! You're joking right? Tangina ang Corny ng jokes mo."umiiyak niyang sabi habang naka yakap sakin.

"Stop crying brother."sabi ko.

"Bawiin mo ang sinabi mo Kuya, di mo naman susundan si papa diba? Ikaw lang ang kuya ko at ang best friend ko tapos iiwan mo ako?" Umiiyak niyang sabi.

"I'm sorry."

"No kuya basta bawiin mo lang ang sinabi mo. You live longer right? Pano ang last dance ni Niah? Pano mo siya madadala at mahahatid sa altar? Pano ka dadalo sa kasal ko? Pano mo makikita at makikilala ang babae ko? Pano si Jaya? How about mommy? Pano ang baby  boy niyo kuya ang dami mong iiwan tangina ka." Umiiyak niyang sabi. Kumalas ako sa yakap saka hinawakan ang isang balikat niya.

"I'm not leaving.... Yes mawawala ako pero babantayan ko panaman kayo eh."

"Ano ka si San Pedro? Tangina ka."sabi niya kaya medyo natawa ako..

"Jared bro, I'm begging you. Wag mong sabihin kay Jaya o kay mama ang nalaman mo."

"Tangina ano? Mamamatay ka na lahat lahat di ko parin ipapaalam?"

"Ipapaalam ko din naman eh."

"Kelan pag patay ka na?"inis niyang tanong

"Pag natapos ko ng gawin ang mga nasa listahan ko. I have 10 list before i die and i want na magawa yun before its over. And may lima pang natitira so please bro, please help me na magawa yun para masabi ko na sa kanila." Sabi ko.

Umiling iling siya.

"Baliw ka na, inuubos mo ang oras."

"No bro, mas lalong mauubos ang oras ko if nasa hospital lang ako at di ko ginagawa ang mga masa list ko."Sabi ko at huminga ng malalim.

"Tuturuan kong mag drive si Niah ng kotse. Mag lalakad kami sa Aisle sa pekeng kasalan para maranasan niya ang makasama akong mag lakad sa aisle at mahatid ko siya bago ako mawala."agad na  tumulo ang luha ko.

"Isasayaw ko sya bilang last dance sa pekeng 18th birthday niya para naman maranasan niyang maisayaw ko siya bilang last dance niya at makasayaw siya." Lalong tumulo ang luha ko sa sinabi ko.

"at sa huling pagkakataon, mag dadate kami ni Mommy para mag pasalamat sa kanya sa lahat lahat."

"Bro help me, i need your cooperation. I need your help so please don't tell to everyone kung ano ang nalaman mo."

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Before our Tale endsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon