Before Our Tale Ends
Written by RIPChapter 15: Day 12
~~~~
Jason POV
Pinag mamasdan ko ang pag patak ng tubig ng ulan sa labas ng restaurant kung saan makikipag kita ako kay Mama.
Pina reserve ko ang buong restaurant para sa mama ko.
Huminga ako ng malalim. Nanatiling nasa labas ang paningin ko, Hinihintay ang mama ko na dumating.
"Jason anak." Tumingin ako sa tumawag sakin. Nanlabo ang paningin ko kaya ngumiti lang ako.
"Ma."yan lang ang nasabi ko. Dahan dahang nag balik ang paningin ko sa dati at nakita si mama na naka upo na sa harap ko. Ngumiti ako.
"Kanina ka pa ba dito anak?"tanong niya.
"No ma."sagot ko.
"Anong meron bakit ako ang pinapunta mo?"tanong niya. Ngumiti ako.
"Cause gusto kong makasama ang unang babaeng minahal namin ni Jared."sabi ko kaya napa ngiti siya.
"Lets eat?"tanong niya kaya naman tumango tango ako.
Kumain kaming dalawa habang nag kwekwentuhan.
I remember the days na kasama pa namin si papa, hindi sila mag kamayaw dalawa sa pag lagay ng pagkain sa plato ng isa't isa."Ma try this one."sabi ko at nilagyan ng tempura ang plato niya.
"Thank you anak."sabi niya at kinain yun.
Tumingin sya sakin saka ngumiti.
"Ang bilis ng panahon, parang dati nag aagawan pa kayo ni Jared kung sinong uupo sa tabi ko."natatawa niyang sabi kaya natawa ako.
"Ngayun may pamilya ka na at pangulo ng Pilipinas."sabi niya.
"Si Jared naman ayun, busing busy sa mga Lamborghini niya at halos gawin na niyang bahay ng mga Lamborghini ang bahay niya. Nakita mo ba yung bahay niya pati taas at baba ng bahay niya may Lamborghini."sabi niya habang natatawa.
"Adik nga yun sa Lamborghini ma."natatawa kong sabi.
"Unti nalang bilhin na niya ang buong kompanya ng Lamborghini."dagdag ni mama kaya natawa ako.
"Kumusta ang apo ko? Si Jaya?"tanong niya.
"Ayus naman sila ma, sabi ni Jaya ngayung week daw siya manganganak."kwento ko.
"Talaga? Dapat nandon ka sa tabi niya pag nanganak siya."sabi niya kaya natigilan ako at tumingin kay mama na naka ngiti habang naka tingin sa pagkain.
"Ma."tawag ko at lumunok, tumingin siya sakin.
"I love you."sabi ko at ngumiti. Natigilan pa siya nong una pero ngumiti din sya.
"Thank you Ma, thank you sa lahat. Thank you sa pag aalaga samin ni Jared. Thank you sa pag aaruga niyo sa amin ma, thank you sa lahat ng sakripisyo. Thank you."sabi ko at ngumiti.
Nakita kong parang naiiyak si mama kaya tumayo ako at lumapit sa kanya saka siya niyakap.
"Thank you kasi nong panahong may problema ako kayo ang naging sandalan ko.
Thank you kasi lagi po kayong nanjan para sa akin at para kay Jared.
Happy mothers day mom i love you."sabi ko at hinalikan sya sa pisngi niya.Agad na tumulo ang luha niya at niyakap Ako.
"Makapag salita ka naman anak parang namama alam ka na."umiiyak na sabi ni mama. Natahimik ako.
"Basta wag mong iiwan si Jaya okay? mahal na mahal ka non."sabi niya kaya napa ngiti ako.
"Mom, can you do me a favor?"tanong ko.
Tumingin ako kay mama at nanlaki ang mga mata niya.
"Jason your nose is bleeding."
Hinawakan ko ang kamay ni mama at ngumiti.
"Bantayan niyo po ang mag ina ko Mama. Wag niyo po silang papabayaan."with that. tuluyan ng nandilim ang paningin ko.
"Jason!" Yan lang ang huli kong narinig bago ko isara ang mga mata ko.
10) Date my Mom for the last time. Check.
All done.~~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaperEpilogue next :'( till the end mga bibeh's!
BINABASA MO ANG
Before our Tale ends
Humor|Complete| Book 1: Secretly Married To Mr President Book 2: officially married to Mr president. Book 3: Before our tale ends I love you till my last breathe. Date Started: May 4 2019 Date Finished: May 9 2019