Before Our Tale Ends
Written by RIPChapter 10: Day 7
~~~~
Jason POV
"Sunshine sa court lang kami ni Niah ah, tuturuan ko lang siya mag bike." Paalam ko kay Jaya saka hinalikan ang labi niya.
"Sure moonshine, inatan mo si Niah okay?"
"Yes Sunshine."sabi ko at sumaludo pa.
Lumabas na kami ni Niah dala ang bike na binili ko sa kanya.
Today is the day na tuturuan ko si Niah mag Bike.
"Daddy mahirap po ba mag bike?"tanong niya.
"No baby, kailangan mo lang mag balance at dapat focus ka sa dinadaanan mo."sabi ko kaya tumango tango siya.
Nakarating kami sa court, pinasuot ko sa kanya ang helmet niya saka tumingin sa kanya.
"Inalis na ni daddy ang Balancer kasi alam kong brave ang baby ko."naka ngiti kong sabi.
"All you need to do is mag pedal habang hawak ko ang bike mo tapos unti unting bibitawan ni Daddy saka dapat mo ng ibalance ang katawan mo at ang bike mo understand?"tanong ko.
"Yes daddy."naka ngiti niyang sabi. Ngumiti ako, sumakay siya sa bike niya at gaya ng sabi ko ay hinawakan ko muna ang bike niya bilang alalay kung sakaling tutumba siya.
"Okay baby now bibitawan ko na ang bike mo, don't look back just focus sa daan mo and balance your body and the bike."sabi ko at dahan dahang binitawan ang bike ni Niah.
Sa unang subok ay natumba ang bike niya kaya agad akong lumapit sa kanya para i check kong may sugat ka.
"Are you okay?"tanong ko at sinuri ang katawan niya.
"I'm okay dad, I'm brave and kasama yun sa unang subok. I know i can do this."sabi ni Niah kaya napa ngiti ako.
"Okay lets repeat?"tanong ko kaya tumango tango siya.
Sa una ay hinawakan ko ang bike niya hanggang sa unti unti kong binitawan ang bike niya. Pa gewang gewang ang bike niya kaya nag alala ako.
"Balance baby."sabi ko.
Napa lunok ako ng muntik ng matumba ang bike niya, buti nalang ay nagawa niyang i alalay ang isang paa niya."I'll try again dad, i know the technique."sabi niya at lumingon sakin saka ngumiti.
"Okay I'll watching you."sabi ko.
Huminga siya ng malalim saka sinimulan ulit mag pedal, nong una ay pagewang gewang pa ang bike niya pero nong tumagal ay nadederetso niya na iyon at nakakapag pedal ng maayus.
Napa ngiti ako ng makita kong napapaikot niya na din ang bike niya.
"Very good Niah."sabi ko at napa pikit ng manlabo ang paningin ko. Nakaramdam ako ng pananakit sa ulo ko at parang tinutusok ang utak ko.
"Daddy are you okay?" Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa harap ko. Nandon si Niah at naka tingin sa akin.
Ngumiti ako ng pilit.
"Yes baby I'm okay."sabi ko at umupo sa harap niya.
"You're so good, Niah. You do it completely, congrats baby."sabi ko.
"I think i need some practice daddy but let's go na muna kasi maiinit na."sabi niya at umalis sa bike niya.
"Okay, you want ice cream?"tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya saka tumango tango.
Nag punta kami sa ice cream store saka bumili ng ice cream. Nag punta kami sa club house saka don tumambay.
Umupo kami sa sahig saka sabay na kinain ang Ice cream.
"Dad, why are you doing this?"tanong niya kaya napa tingin ako sa kanya.
"doing what?"tanong ko.
"This, i notice something is wrong last few days. Are you leaving us?"tanong niya kaya ngumiti ako at uling.
"No baby, I'm not leaving."sabi ko.
"Then why are you doing this?"tanong niya.
Ngumiti ako.
"Promise me that you'll never ever say this to mommy okay?" Tanong ko.
"Promise daddy, this is our secret."sabi niya at ngumiti.
"Daddy is sick." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
"I'll pray to God na pagalingin ka na nya Dad."naka ngiting sabi nya kaya ngumiti ako.
"Baby, you love me right?"tanong ko.
"Super daddy." Sagot niya.
"Promise me na aalagaan mo ang baby brother mo pag labas niya ha."sabi ko.
"Promise daddy." Naka ngiting sabi niya kaya ngumiti ako at tinap ang ulo niya.
"That's my girl."
"Daddy, i want to be a doctor someday."sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Really? Then mag aaral ka ng maigi para maging doctor ka."sabi ko.
"Yes, daddy ill do that. I will study hard para maging doctor ako."naka ngiti niyang sabi.
"Bakit gusto mong maging doctor?"tanong ko.
"Para ako na ang gagamot sa sakit mo." Agad na dumaloy ang lungkot sa aking buong katawan ng marinig ang sinabi ni Niah.
Gusto kong umiyak sa sinabi niya but mas pinili kong ngumiti sa harap niya.
"Really baby? Thats good."sabi ko.
"Hindi na ako magkaka problema sa pag kuha ng doctor para sa mommy mo pag tumanda siya."sabi ko.
"Hmm ako po at ang baby brother ko po ang mag aalaga sa inyo pag matanda na po kayo."sabi nya.
"How about tito Jared?"tanong ko.
"Don't mind him Dad he was just an extra in this story." Natawa ako sa sinabi niya.
"Come to daddy Niah."sabi ko kaya naman lumapit siya sakin. Agad ko siyang niyakap at sabay sa pag yakap ko sa kanya ang pag tulo ng luha ko.
"No matter what Happened, daddy loves you Niah. I love you."
"i love you too dad."
5) teach Niah how to Bike. Done.
4 more.~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Before our Tale ends
Humor|Complete| Book 1: Secretly Married To Mr President Book 2: officially married to Mr president. Book 3: Before our tale ends I love you till my last breathe. Date Started: May 4 2019 Date Finished: May 9 2019