Chapter 21

791 34 0
                                    

kadugtong lang po!!!!!

Aiko Pov

Nagulat  ako sa tanong nya muntik ko na ngang mabitawan yung basong hawak ko. Ito lang naman yung baso na inagaw ko mula sa kanya. Ano nga ulit yung tanong nya?. Anong meron si Jessa na wala sya? bakit sa dami ng tanong ayun pa ang naisip nya?.

"A-anong ibig m-mong s-sabihin?" tangina bakit nga ba ako nauutal.

Feeling ko di ko dapat marinig yung sasabihin nya. Pero sabi nang utak ko pakinggan ko para maging malinaw kung ano man ang sasabihin nya. Pero kinakabahan ako sa maririnig ko at kung ano man ito hindi ko alam kung may maidudulot to na maganda sa akin.

"Tangina naman hanggang dito ba naman slow ka?!" sabi nya at napahilamos pa sa muka nya. Di ko talaga ma-gets.

Nilingon ko naman si Zy at Cake pero sabay lang silang nag-kibit balikat sa akin. At nagawa pang mag-duet.

"Ho! putang ina patawarin sana pero putang ina!" tila nagpipigil na sabi ni Stacey saka tumayo at pinunasan ang luha sa pisngi nya..."Kahit minsan ba Aiko hindi mo ko nagustuhan?!" walang emosyong sabi nya

Nagustuhan ko nga ba sya?. Ahhh hindi dahil wala akong time na kilalanin sya that time. I was met her and Jessa on Athena high. Pero na kay Jessa agad ang atensyon ko non dahil nga ang ganda nya. Maganda sya dahil nerd pa noon si Stacey. Wala akong time na alamin kung sino yung tunay na Stacey sa likod ng nerd attire nya.

Kinaibigan ko sya para mapalapit narin ako kay Jessa. Pero ngayon ko lang naman nalaman na mag-pinsan pala sila ni Zy. Ngayon ko lang rin nakita yung totoong Stacey. Pero hanggang ngayon nerd parin ang tingin ko sa kanya. At never ko syang nagustuhan.

Umiling nalang ako bilang sagot sa tanong nya. Narinig ko ang malakas na buntong hininga nya saka umagos nanaman ang luha nya.

"Ahh oo nga pala! bakit ko nga ba tinanong kahit alam ko naman ang sagot?. Ang bobo mo Stacey!" sabi nya habang sinasabunutan ang sarili nya.

"Bakit ba?!" lakas loob na tanong ko.

"Bakit?! talaga bang tanga ka o manhid?! tangina Aiko kelangan paba sa bibig ko manggaling?!" naiinis na sabi nya habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha nya...."TANGINA AIKO MAHAL KITA! MASAYA KANA?!" sigaw nya na ikinagulat ko.

Mahal nya ako?!. Puta seryoso?.

"Bakit ba kasi ikaw pa ha?! bakit ikaw na baliw na baliw sa BABAENG NABUNTIS NA?!. Bakit ikaw pa na wala namang kayang ibalik kahit katiting na pagmamahal sakin?!. Putang ina bakit puro bakit nalang?." halos hindi ako makagalaw dahil sa mga narinig ko.

Mistulang naging pipi ang mga bibig ko. Nag-iba ang mundo ko na parang kaming dalawa lang kaming tao sa bahay na ito. Parang may kung anong parte ng utak ko ang bumukas para pumasok sa isip ko ang mga sinasabi nya. Parang may kung anong ugat sa puso ko ang nakaramdam sa sinasabi nya. At para akong istatwa na walang magawa kung hindi titigan ang umaagos na luha nya, nagmamakaawang mata nya, nanenermon na labi nya. Tanging boses nalang nya ang naririnig ko, boses na pilit ipinapaunawa sa akin kung anong pakiramdam nya.

"Aiko bakit nga ba ha?! Alam kong hindi ako perpekto pero kahit kelan ba talaga di mo nagustuhan?!" ayan nanaman ang tanong nya. Hindi ko naman magawang sumagot dahil feeling ko na-paralyze ako...." Naman Aiko eh! gusto ko lang sabihin sayo lahat na...na.... Nasasaktan ako lalo na kapag sa harapan ko binabanggit mo yung pangalan nya na parang kinikilig ka." tangina Aiko.

"Nasasaktan ako kapag sinasabi mong masaya ka dahil naka-usap mo nanaman sya, nasasaktan ako kapag sinasabi mo na makita mo lang ang ngiti nya buo na ang araw ko. Aiko ganun din ako, kahit masakit na nakikita ko yung ngiti mo na hindi naman ako ang dahilan masaya na ako. Pero hindi mo kasi nararamdaman yung nararamdaman ko eh." gusto ko syang yakapin para mag-sorry pero hindi ko kaya dahil ayaw gumalaw ng katawan ko......."Kung alam mo lang kung gano kasakit yung makita kong mag-kasama kayo habang masayang nagtatawanan, kung alam mo lang ang sakit na nararamdaman ko habang nag-uusap tayo at sya ang pinag-uusapan natin. Puta Aiko ang sakit, sakit, sakit, sakit!" pagpuputol nya sa sasabihin nya.

"Pero tinitiis ko yun dahil nga MAHAL KITA AIKO! at hindi lang basta mahal kundi MAHAL NA MAHAL handa akong masaktan para lang sayo!. Kahit ang sakit sakit na hinalikan mo ko pero hindi naman ako yung nasa isip mo nung hinalikan mo ko sige okey lang...." hinalikan ko talaga sya?!..."Wala naman akong  magagawa kundi tanggapin yung katotohanan na were just friend at hanggang don lang yun. But dont wory Aiko di naman na kasi ako magtatagal sa school na yun. One week nalang ako dun kaya di mo na poproblemahin kung pano mo ko haharapin kasi ngayon palang sinasabi ko na sayo................." pagputol nya at tumingin na deretso sa akin.

"Minahal kita pero hindi mo lang nakita at nadama!. I just want to say thank you at medyo nahihiya na ako dahil sa harap ako ng birthday girl nanumbat. I love you Aiko, sobrang minahal kita kaso mukang wala ka namang naramdaman mula sa akin kaya...... Aiko........Ako nalang ang lalayo!" sabi nya saka tumakbo paakyat ng hagdanan.

Zyrich Pov

Atlast natapos din ang talumpati ng pinsan ko. Talagang hinayaan ko sya para naman umamin na sya kay Aiko. Haggang ngayon tulala parin si Aiko. Ang baby ko naman sinundan si Stacey.

"To much love will kill you" ewan ko ba kung bakit ko nasabi yan.

"B-bakit ngayon nya lang sinabi?" hayy naku Aiko.

"Ang mga babae kasi kapag nagkagusto sa isang lalaki tahimik lang. Okey na sa kanila yung makasilay sa taong gusto nila. Hindi sila katulad nating mga lalaki na napaka-agressive!" sa totoo lang guys sya rin ang nagsabi sakin nyan dati.

"Gano na ba katagal y-yung n-nararamdaman nya?" tanong nya ulit.

Gano na nga ba?. Since grade 9 pa yun eh kaya 3 years na.

"Tatlong taon na" walang emosyon na sabi ko.

Ayaw ko talaga ng tatanungin ako tapos kelangan ko pa paganahin ang utak ko.

"Puta!" yan lang nasabi nya sabay tinungga yung isang beer.

"Baka malasing ka!" saway ko sa kanya.

"Tch... Uuwi na ako!" paalam nya kaya tumango naman ako.

Nang masigurado kong naka-uwi na si Aiko pinaligpit ko na yung kalat at saka umakyat sa kwarto. Andun na ang baby ko nag-iisip.

"Baby tulala ka!" sabi ko sa kanya at umupo sa tabi nya.

Kasalukuyan kaming naka-upo sa sofa. Wala lang trip lang namin.

"Kaya pala ganon si Stacey no?!" tanong nya na tinanguan ko lang.

"Kawawa naman sya!" sabi nya ulit.

"Baby bakit mo ba pinoproblema yun?!" tanong ko.

"wala" wow haba ng sagot..."Nagulat lang ako" sabi nya.

"Tchh.. Matulog ka na nga!" utos ko.

"Okey!" aba masunurin.

Hinintay ko muna sya makatulog bago ako natulog sa sofa.




________________

Ayan complete na ang chapter 21!

Salamat sa mga nagbabasa pa.

😋😛😋

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon