Chapter 22

809 29 0
                                    

Aiko Pov

Kanina pa ako tulala at hindi makausap ng maayos. Ewan ko ba kung bakit?. At isa  pang totoo gabing-gabi na ako nakatulog kagabi dahil sa mga pinagsasabi ni Stacey. Halos lahat ng iyon nakatatak parin sa isip ko.

Hanggang ngayon nasa isip ko parin yung muka nya na umiiyak at boses nya na parang nangungusap na sana kahit konti manlang binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon para makita at maramdaman yung pagmamahal nya. Kaso ano bang magagawa ko?. Wala naman, nangyari na kaya ang dapat ko nalang intindihin eh kung pano ko sya haharapin at pano ko ulit maibabalik yung dati naming closure.

KKRRIINNNGG

Dahil sa gagong bagay nayan napabalik ako sa sarili kong katawan. Ewan kasi feeling ko naglalakbay yung kaluluwa ko. Wala akong oras iligpit yung module kaya mawala sya kung gusto nya. Agad akong lumabas ng room, habang naglalakad ako pababa ng second floor nakita ko si Jessa. Nag-iisa lang sya habang nakatingin sa akin.

Di ako nag-aassume totoo lang na nakatingin sya sakin at nakangiti pa. Parang wala namang epekto sakin to ngayon ah. Kakaiba, tuluyan na akong nakalapit sa kanya at sinalubong nya naman ako ng ngiti nya.

"Kamusta na?" bungad nya.

"Ayos lang naman. Bakit?" ngayon nya lang ako tinanong sa kalagayan ko.

"Wala naman, nalaman ko lang yung nangyari kagabi. Naikwento sa akin ni Stacey kanina. Nabalitaan ko rin na aalis na sya MAMAYA!" napapailing na sabi nya.

Mamaya?????

Akala ko ba next week pa?. Bakit napa-aga naman yata?. Ehh ano ba sakin?.

"Hindi ko nga alam kung pano ko siya makakausap kahit isang minuto lang!" nakakamot ulong sabi ko. Pero wala akong kuto mga tukmol.

"Alam mo ba yung case na akala mo mahal mo yung isang tao pero hindi pala!" hanu daw?. Mahal pero hindi?.

Ano yun joke?. Bilang sagot umiling naman ako.

"Kasi baka ganun yung sayo Aiko. Baka hindi naman talaga pagmamahal yung naramdaman mo para sakin kundi paghanga lang. Baka kasi ang mahal mo talaga eh si Stacey hindi mo lang talaga maramdaman dahil ang buong paghanga mo ay nakatuon sakin!" parang lalong hindi ko na maintindihan ah.

Ehhh sya nga ang mahal ko. Hindi si Stacey.

"Tchh ano bang sinasabi mo?" nalilitong sabi ko.

"Look Aiko, when it comes to love everything will be complicated. May mga bagay na hindi mo talaga maintindihan sa una dahil hindi mo talaga iniintindi. I have something to ask you...... Naranasan mo ba sa akin yung saya na araw-araw mo hinahanap-hanap?." puta ang gulo naman ni Jessa.

"What do you mean?!" naguguluhang tanong ko.

Bakit ganun kahit naguguluhan ako gusto ko makinig sa kanya? Para may gusto riing ikompirma yung sarili kong utak at katawan.

"I mean yun bang saya na kapag hindi mo naramadaman sa loob ng isang araw eh halos manibago kana sa taong iyon? naramdaman mo ba yun sakin?" naramadaman ko nga ba?.

Parang hindi, kasi sanay na ako na madalas lang kaming magtawanan. Sanay na ako na minsan wala kaming pansinan madalas. Kaya hindi ko hinahanap-hanap yung madalas naming tawanan.

"Hindi!" mabilis na sagot ko kahit napaisip pa ako ng kaunti.

"Ehh kay Stacey ba naranasan mo yun?!" bigla namang kumabog yung puso ko na parang may kung ano.

Parang oo, dahil hindi ako sanay na hindi sya nakikipag tawanan sa amin sa maghapon. Hindi ako sanay na hindi ko naririnig sa kanya yung tawag nya sa akin na aikomonggoliod. Hindi nabubuo ang araw ko ng hindi ko siya naasar at nakakatawanan. Kaya oo.

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon