Chapter 29

709 40 4
                                    

Zyrich Pov

Hindi talaga ako nakatulog nakakainis naman at seryoso ako kahit anong pilit kong pikit sa mata ko hindi parin ako makatulog. At ang masakit pa sya lang ang nakikita ko kahit saang sulok ng bahay na ito. Hinahanap-hanap ko ang ngiti nya, ang tawa nya, yung pangungurot nya, yung amoy ng luto nya, yung muka nya, yung pangungulit nya, yung halik nya, yung kalokohan nya.

Napailing nalang ako sa mga nasa utak ko. Pumasok nalang ako ng banyo at naligo. Nang matapos na ako nagbihis ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa living room at doon ko nakita si mom na kausap si dad.

"Zytel ano bang prolema?" kalmadong sabi ni mom.

Nakaupo si dad sa mahabang sofa habang si mom sa single na sofa. Medyo nagtago ako hihi chismoso baga.

"Wala ano nga ba?" walang buhay na sabi ni dad. Aba nahawa kay mom.

"Bakit mo ba ginugulo yung bata?. Diba may usapan na tayo na wag mo na siyang guguluhin." Meron ba?.

"Wala akong maalala!" ay diputa na buhay yan ang bobo ng tatay ko.

"Zytel you know---- ayaw ko talaga sabihin sayo to eh pero bakit ba napaka makasarili mong tao?" umiiyak ba si mom?.

"Tch..." yan lang ang sagot ng mahal kong tatay.

"Zytel ayaw mo ba talagang ayusin tong pamilya na ito?" halata sa boses ni mom na nagpipigil sya ng iyak.

"Inaayos ko na kaso tarantado yang anak mo ayaw makisama. Para naman sa kanya yung ginagawa ko." pasigaw na sabi ni dad.

Gusto ko siyang suntukin. Nasan yung para sa akin doon?. Hindi ko mahal si Abby at kung para talaga sa akin yung inaalala nya papayagan nya ako kay Cake. Sya ang mahal ko at hindi yang babaeng yan

"Asan yung para sa anak mo doon Zytel ha? asan? napaka makasarili mo talaga hindi mo iniisip kung sino yung mga nasasaktan mo!" inis na sabi ni mom. Hindi ko lang talaga makita yung expression nila. Nakatago ako eh.

"Sino ba  sa atin ang makasarili ha Rhichy diba ikaw?. Sinarili mo lahat ng pera mo!" sumbat ni dad

"Hindi ko sinarili Zytel. Inalisan kita ng pera sa lahat mg account mo para turuan ka ng leksyon. Nilulustay mo lahat ng pera ko para sa mga babae mo. Nilulustay mo ang pera ko sa pagsusugal. Wala ka ng oras sa amin ni Zy wala ka ng oras sa akin. At isa pa ha! mahal mo ba talaga ako Zytel?. Oo, matanda na ako para itanong sayo to pero mahal mo ba talaga ako?. Huh?." Umiiyak na tanong mom.

Ngayon ko lang narinig na umiyak si mom ng ganyan. Hindi pa siya umiiyak sa harap ni dad.

"H-hindi ko alam!" yan lang ang naging sagot ni dad.

"Alam mo hindi naman na tayo bata para sa ganitong eksena eh. Pero putangina ka Zytel hayop ka mahal parin kita hanggang ngayon. Kahit na ang haba ng taon na naghiwalay tayo mahal pari kita. Hindi kita nagawang ipagpalit sa iba. Oo, sinabi ko sayo na may iba na ako pero wala. Palabas ko lang yun para isipin  mo na naka-move on na ako sayo. Who know's makalimutan kita sa paraan ko na iyon pero mukang hindi eh." naalala ko sa kanya si Stacey.

Bahagya akng napangiti ng maalala ko yung sandaling iyon. Ang epic kasi.

"Im sorry!" yan lang nasabi ni dad saka lumabas ng bahay.

Lumapit ako kay mom saka inakap ko siya. Parang ginagawa ko lang kay Cake. Ayan nanaman Cake nanaman. Haaayyytssss.

"Okey lang yan mom sabi nga diba love is like a virus!" san ko ba nakuha na love is like a virus.

Ayyyy ewan Zy wala ka nanaman sa katinuan mo.

"Baby Zy!" tawag sakin ni mom. Pucha naalala ko nanaman si Cake sa baby na yan.

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon