Chapter 35

853 25 0
                                    

This chapter is dedicated to:
HerNameIsNami

Cake Pov

*2 months later*

Hindi pumasok si Zy ngayon dahil sasamahan nya ako sa clinic. Suka kasi ako ng suka wala namang lumalabas na kahit ano sa bibig ko. Nakakaramdam din ako ng parang hindi ko maintimdihan sa tiyan ko.

Minsan kasi nakakaramdam ako ng biglaang pagkagutom, napapalagi narin ang pagiging tanghaliin ko. Mainit din ang ulo ko kapag nakakaamoy ako ng hindi kanais-nais na pagkain lalo na ang sinigang na isda. Ewan ko pero paborito ko yun eh. Tapos madalas narin ako maghanap ng maasim o di naman kaya kahit na anong bulaklak basta kulay puti. Nahihilig narin ako sa mga pink kahit ayaw ko naman talaga ng pink. Hinahanap-hanap ko rin yung peras na prutas kahit na alam kong ayaw ni Zy doon.

Diba ang wierd?. Nakakainis ilang linggo na akong ganito.

"Baby ko tapos kana dyan sa cr?" rinig kong tawag at tanong sa akin mula sa labas.

"Handali lang po!" sagot ko. Nagiging sobrang sweet ko rin kay Zy.

Halos ayaw ko na nga syang paalisin ng bahay kung hindi lang kailangan kasi nagaaral sya. Madalas ko naring pagselosan ang pagalis nya ng bahay na dati naman hindi ko ginagawa. Nagiging masungit din ako sa kanya kapag hindi nya naibibigay sa akin ang gusto ko.

Lumabas na ako sa cr ng nakabihis. Kahit sabihin naman na may nangyari sa amin hindi ko magagawa na lumabas sa cr ng walang saplot. Nakakababa ng tingin sa pagiging babae ko yun no.

"Lets go?" tanong ni Zy.

"Ehhh Zy gusto ko mag-gatas muna!" parang bata na paglalambing ko sa kanya.

"Mamaya na!" ayan nanaman sya.

"No. Gusto ko ngayon! I want it now! bahala ka diyan!" sabi ko ng padabog tapos humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Urgh fine!" pikon na sabi nya at umalis na.

Inalis ko naman ang kumot na nakatabon sa akin. Makakapag-gatas na ako yehey. Habang nakaupo ako sa kama, nagiisip na ako ng gusto kong gawin sa maghapon pero wala akong maisip eh. Nakaamoy ako ng mabango na papalapit sa akin. Gatas!!!!! diba ang wierd nababanguhan ako sa gatas na timpla ni Zy. Di naman talaga ako mahilig sa gatas ewan ko ba kung bakit naging ganon nalang bigla. Mabilis kong inubos ang gatas saka kami umalis.

*************

Nasa isang clinic na kami ni Zy. Clinic to ni Dr. Ashier babae po sya. Tita sya ni Zy.

"Iha, Zy napadalaw kayo!" nakangiting bungad sa amin ni tita.

"Tita!" masiglang bati ko.

"Papa-check up ko lang po si Cake-----" hindi nya naituloy ang sinasabi nya dahil kinurot ko siya sa tagiliran.

"Bakit walang baby?" inis na sabi ko.

"Awww baby naman lagi ka nalang ganyan. Sorry na po baby!" malambing na sabi nya kaya napangiti ako.

"Teka nga lang iho hihiramin ko lang itong asawa mo ha!" sabi ni tita at bigla akong hinila papasok sa loob ng isang kwarto.

Zyrich Pov

Kanina pa ako dito sa labas hinihintay si Cake. Napaka-wierd ng babaeng iyon ilang linggo na. Nakakaawa na nga ang tagiliran ko sa kurot nya ang sakit. Tapos kahit hating gabi basta maisip nya maggatas magpapatimpla. Minsan nga nasa bahay ako ng kaklase ko nagti-thesis kami bigla nya akong pinapauwi. Pag-uwi ko magpapatimpla lang pala ng gatas. Nababaliw na ata sya eh.

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon