Chapter 21

897 31 0
                                    

Itong chapter na ito ay para sa babaeng nagsasabi na jowa nya daw si Zyrich....

ZellesQueen

Sana magustuhan mo!

Cake Pov

Back to normal na ulit ako at nabalitaan ko na nasa hospital pa daw hanggang ngayon si Abby. Ano ba kasing punishment ni Zy?. Nakikinig lang naman ako ngayon sa paboritong subject ko hihihi. Ang science at itong katabi ko na si Stacey naka-focus talaga sya.

KKRIINNGG

"Okey class dissmiss!" yun sana.

Mabilis kong niligpit lahat ng gamit ko at saka lumabas ng room. Habang naglalakad kami pababa ng fourth floor nakarinig kami ng boses mula sa mike.

"EVERYONE MAY I GET YOUR ATTENTION?!" sabi nito at sana naman hindi ako nagkakamali ng dinig na si baby Zy yun.

wow baby daw oh!

Wag ka ng kontrabida utak kong mahal. Kainis.

"Ano nanaman kayang kalokohan ang gagawin ng mahal kong pinsan" naiiling na sabi ni Stacey

"KUNG SINO MANG MAKAKITA SA BABY LOVE CAKE KO DALIN NYO SYA SAKIN KUNG AYAW NYONG GIBAIN KO TONG SCHOOL NA TO!" ano daw??.

Nagulat naman ako ng hilain ako ng tatlong babae at ilayo kay Stacey. Di naman ako makapalag at hindi rin sila mukang galit mas muka panga silang kinikilig eh. Napansin ko nalang paakyat na ako sa hagdan na parang stage.

"Sabi ko dalin hindi itulak!" mahinang sabi ni Zy na hindi gumamit ng mic.

Tuluyan na akong nakalapit sa kanya yung halos 10 inch nalang layo namin. Binigyan ko naman sya ng ano-toh-look.

"Just please let me do this baby!" bulong na sabi nya sa akin.

Narinig ko naman ang pag-play ng kantang PASENSYA NA. Pero mas nanlaki ang mata ko nang bigla syang kumanta.

Mga mata mo'y nakakaakit
Nang di sinasadya
Ngiti mo'y nagbibigay sigla
Nang di mo alam
Maamo mong mukha pagnakikita
Ako ay natutulala
Di ko alam anong gagawin

Puta lumapit pa sya lalo sa akin mga 6 inch nalang layo nya sakin. Ang ganda pa ng boses nya.

Kaya pasensya na
Kung may pagtingin n ako sa iyo
Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigas ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako

Sabay nginitian nya ako ng napakalawak na ngiti. Kinikilig ako at halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko.

Galaw mo'y aking sinusundan
Wag ka sanang mawala
Nang ikaw ay lumapit
Pinagpapawisan sa sobrang kaba

Parang gusto ko yatang matawa sa line na yan. Kasi hindi naman sya kinakabahan nung akbayan nya ako.

Pilit kang mahakan
Pero di ko kaya
Sa iyo'y nahihiya
Di ko alam anong sasabihin

At ngayon naman gusto kong humagalpak kasi naman nahalikan na nya ako tapos nahihiya pa sya sa lagay nayon. Bigla akong napatigil sa pag-iisip ng lumapit sya sakin ng halos 2 inch nalang ang layo at nginitian ako ng pamatay na ngiti.

"Seeing that smile make me complete!" sabi nya at hindi na pala sya kumakanta.

Hinayaan na nya yung minus-1 na tumugtog. Tumigil naman ang mundo ko feeling ko kaming dalawa lang ang nasa lugar na ito. Hindi ko narin napansin yung mga hiyawan dahil naka-focus na ako sa kanya.

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon