Chapter 15

1K 46 5
                                    

Cake Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Kahit pa sabihing may kortina ito walang epekto. Bumangon naman ako at napansin ko na wala pala ako sa bahay. Hinanap ng mata ko si Zy ewan ko ba ang aga-aga sya agad ang hinahanap ko.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at may napansin akong paa sa isang mahabang sofa kaya sinilip ko ito. Pagkasilip ko si Zyrich. Ang gwapo nya parang anghel galing sa langit na ibinaba sa lupa para guluhin ako. Chaarrrootttt!!!!!!!!

So ayon na nga tinignan ko lang sya wala eh ang gwapings haha. Napansin kong wala pala syang kumot kaya kinuha ko yung kumot na ginamit at ikinumot yon sa kanya. Nakaramdam din ako ng kaunting hiya kasi nakikitulog lang ako tapos ako pa yung nasa kama. Napailing nalang ako sa naisip ko.

Pumunta na ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Diba ang kapal ng muka ko nakitulog na, naki-toothbrush pa, syempre di mawawala ang makiki-cr ako haha. Nang matapos ako sa loob ng banyo dumeretso ako sa kusina at binuksan ang refrigirator na kulay dilaw at spongebob ang design. Nakakita ako ng itlog at tocino tapos may ham. Naisip ko na mag-sinangag kaya kinapalan ko nanaman ang muka kong kunin ang mga ito.

Babayaran ko nalang to hihihi!

Pero pag-nagkapera na ako.

Ngsimula na ako magluto. Batikan to haha kahit hindi.

Zyrich Pov

Nagising ako dahil narinig kong may nagluluto sa kusina ko. Sinilip ko naman sa kama kung naandon pa si Cake pero wala na kaya dumeretso na ako sa banyo. Nakita ko namang ginamit nya yung isang spongebob natootbrush, toothbrush yun na naka-reserve kasi every one month nagpapalit ako ng toothbrush.

Naglinis na ako ng muka ko at nang matapos ako lumabas na agad ako. Naka-panjama ako tapos t-shirt alam ko kasing may babae dito kaya hindi ako nakahubad. Pumunta ako sa kusina, nakita ko si Cake na naghahain na ng pagkain.

"Good morning!" bati nya sa akin ng nakangiti.

Wow Heaven hahaa

"Morning!" balik na bati ko sa kanya at ngumiti din ng napakatamis. Asukalin kayo kung gusto nyo.

"Kain na, pasensya na pinake-alaman ko yong mga gamit mo wala naman kasi akong gamit dito. Babayaran ko nalang pagnagka-pera ako promise!" sabi nya at itinaas pa ang kamay nya na animo'y tunay na nangangako.

Napangiti naman ako sa ginawa nya. Sana sya na ang mapangasawa ko.

I wish this girl in front of me will be my wife!

Bulong ko sa isip ko grabe na yata ang pagka-baliw ko kay Cake ah.

"Hahaha your so cute baby. You dont have to pay that 'cause from now on this room will be your room too, this house will be yours too." natatawang sabi ko pero seryoso ako. Handa kong ibigay sa kanya yung buong kayamanan na meron ako.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi kaya napangisi nanaman ako. Bakit ang ganda ng babaeng mahal ko???

Mahal nga ba??

Akala ko crush ko lang sya. Pero crush pa bang maituturing yung halos pumatay ako pag may iba syang kasama? crush paba yung pag-sinaktan sya gusto kong pumatay?

Parang hindi na eh. Mahal ko na si Cake at kahit anong gawin ko mas minamahal ko siya sa araw-araw na nakikita ko yung muka nya.

"Baby ang cute mo pag nagba-blush! " sabi ko at mahinang tumawa.

"Di nga kasi ako baby!" sabi nya at tumalikod sya para takpan ang tenga at muka nya.

"Hhaha okey baby!" tatawa-tawang sabi ko at umupo sa isang upuan na may muka ni spongebob.."Let me taste this sinangag of my baby!" sabi ko at tumikim ng konti.

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon