LAST CHAPTER

1.2K 36 5
                                    

Cake Pov

"Baby Zil dahan dahan lang baka madapa ka!" saway ko sa anak ko na takbo ng takbo.

Zil ang tawag namin sa kanya. 3 Years old na sya at magpo-four na sya. Nasa may park kami ngayon kasama si Zy. Naalala nyo ba yung park na pinupuntahan namin ni Zy. Naandito kami ulit pero this time hindi kaming dalawa lang ni Zy. Kasama na namin si baby Zil. Naka-upo ako sa tabi ni Zy habang nakasandal ang ulo at nakatingin sa anak kong natakbo.

"Baby Zil" naman talaga ang pasaway ng anak ko at hindi na ako magtataka kung kanino nagmana.

"Hayaan mo na siya baby!" sabi ni Zy.

"Ehh baka kasi madapa sya!" nagaalala lang naman ako.

"Kasama sa paglaki yan baby!" sabi nya.

"Ehhh..." Hindi ko talaga hinahayaan na masugatan o masaktan yang anak ko.

"Hahaha wag ka masyadong protective baby!" natatawang sabi nya kaya napabuntong hininga nalang ako.

Kung sabagay baka mamaya sa sobrang pagka-protective ko da anak ko mas lalo pa syang mapahamak. Kelangan ko rin naman syang bigyan ng luwag sa buhay nya. Hindi pwedeng nakatali lang sya sakin at kay Zy. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naalagaan sa loob ng tatlong taon. Tinutulungan ako nila mom pero hindi naman sila nagtatagal sa bahay.

Napaisip naman ako kung kamusta na sila Aiko. Si Stacey kasi hanggang ngayon nakatali kay Brith. Hindi ko alam kung mahal nya talaga si Brith kasi mahal nya parin hanggang ngayon di Aiko. At si Aiko maniwala kayo sa hindi nauuwi sa pagiging doctor ang trabaho nya. Si Abby walang maniniwala kung sasabihin ko sa inyong nakatuluyan nya si bakla. Hindi ko alam kung paano nya napagbago ang bakla na iyon basta nung nakaraang taon ikinasal na sila. Sila mommy at daddy nagpakasal na ulit. Si mama at papa binilan ni Zy ng bahay na malapit sa amin.

Marami ng pagbabago ang nangyari sa buaay namin. Hindi ko parin lubos maisip kung paano namin nalampasan lahat ng pagsubok naaibinigay sa amin. Unang-una ang pagtatangkang panggagahasa ng papa ko. Hindi ko nga alam kong paano ko siay napatawad. Basta lumambot ang puso ko ng makita ko ang kalagyan ni papa. Pangalawa ang mga pambubully ni Abby. Yun na ang pinaka-memorable na bagay na naranasan ko sa loob ng Athena high. Hindi ko pa naranasan ang ma-bully sa ibang school pero nung nasa Athena ako naging sunod-sunod. Pangatlo yung ilang beses din na muntik na akong mamatay, yun yung unang beses na nakilala ko si Zy. Yun yung unang beses na mapagtangkaan ang buhay ko. Pang-apat yung dramables nila Aiko at Stacey. Sa haba kasi ng panahon na kasama ko si Stacey nong birthday ko lang nalaman na may hidden love pala sya kay Aiko. Panglima naman ang pinaka-memorable sa akin. Yung kung paano kami sinubok ng tadhana, tinangka nya kaming paghiwalayin pero malakas kami kaya lumaban kami.

Marami na palang nangyari sa buhay ko na hindi ko aakalaing magkakatotoo. Nababasa ko lang ang mga ganyang pangyayari at hindi ko naman alam na mangyayari yan sa akin. Nakakatuwa lang talaga. Ngayon naman ang susubaybayan namin ay nag magiging future ng mahal naming anak. Sya naman ngayon.










_______________

Sabi sa inyo ehhh babye!

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon