Chapter 31

713 27 0
                                    

Abby Pov

*6 months past*

Tangina naman anim na buwan na akong nagtitiis sa bahay na ito. Hindi ko na kaya ang pagpapahirap ng dalawa sakin. Nakakainis na, muka na akong lola, pumayat narin ako ng sobra. Wala narin si tito bumalik na sa ibang bansa.

Naka-upo ako ngayon sa single sofa. Pagod na pagod kainis. Nakita kong umupo si tita sa mahabang sofa kaya napaayos ako ng upo.

"Ano napapagod kana?" ayyy hindi halata.

"M-medyo po!" tangina sinungaling na talaga ako.

"Nakita mo si Zy?" tanong nya.

"Ahhh opo nasa labas, tita ayaw ko na po napapagod na ako, sumusuko na ako kay Zy" hindi ko na talaga pipiliting pakasalan ako ni Zy.

"May parusa lang naman ang umaatras sa laban iha!" mataray na sabi ni tita.

"Kahit ano pong parusa tatanggapin ko basta ayaw ko na po" suko na ako. Alam kong kahit kailan hindi ako nanalo kay Cake.

Nakakainis dahil hindi ako nanalo pero natuto ako. Hindi naman pala lahat ng bagay dapat mong ipilit kasi ikaw rin naman ang masasaktan sa huli. Nakakatuwa lang na kahit na anong pangaakit ang ginawa ko kay Zy ni hindi manlang natinag ang pagmamahal nya kay Cake.

Hindi ko alam kung sino ang swerte sa kanilang dalawa ang alam ko lang pareho silang swerte sa isat-isa. Wala naman na akong magagawa kundi sumuko dahil malakas talaga si Cake kay Zy.

"Bweno magpahinga kana at paguusapan natin ang parusa mo!" sabi nito at umalis na.



ANO KAYANG PARUSA YUN????????????????????





Cake Pov

Anim na buwan na pala kaming hindi nagkikita ni Zy. Nami-miss ko siya sobra pero ayaw ko ng magpakita sa kanya. Kasalukuyan akong nakatira sa isang paupahan at nagtatrabaho sa isang cafeteria as a waiter. Hindi ko na naipagpatuloy ang pagaaral ko dahil sa kakulangan nga sa pera.

Mas tahimik na ang buhay ko ngayon hindi na katulad ng dati na ginulo ng isang Zy. Nagbalik na kasi ako ngayon sa pagiging tahimik. Masaya na siguro ngayon si Zy. Napabuntong hininga nalang ako, malamang masaya na sya dahil nga sa naikasal na siya kay Abby. Alam ko namang mapapalambot ni Abby si Zy.

Napabalik ako sa sarili kong kaluluwa ng may kumalabit sa akin.

"Uy!" sabi ni at ng lingunin ko si Jake.

Anak sya ng may-ari ng cafeteria. Wag na kayong umasa na manliligaw ko yan dahil di kami talo. Kalahati yan, hindi na-develop  ang kabuuan ng pagkalalaki nya. Nanghihinayang nga ako kasi ang gwapo.

"Oh bakla kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya.

"Oo bakla kaninang kanina pa. Maswaswakeyt na nga ang mga paa ko sa kakahintay sayong bakla ka nagmumuni-muni ka lang pala!" maarteng sabi nito.

Sabay kasi kami lagi umuwi. Ewan ko ba kung bakit gusto nya kong kasabay eh halos hindi na nga ako nagsasalita.

"Sorry naman bakla!" iniisip ko lang naman ang kalagayan ngayon ni Zy.

"Naku iniisip nanaman nya ang papa na si Zy. Naku girl palit kana bago mamaya natuloy na yung kasal nun ikaw kawawa!" kung ganon ko lang sya kasimple palitan.

"Haayyy bakla sana nga ganon kadali yun para sa akin. Ehh naku ayaw ko na ngang pag-usapan yan at nai-stress lang ako!" lagi nya nalang sinasabi sa akin na i-let go ko na si Zy pero hindi ko pa magawa.

Hanggang ngayon si Zy parin ang laman ng puso ko. Hanggang ngayon si Zy parin amg naiisip ko. Si Zy parin ang kinakamusta ko, sya parin ang mahal ko. Hindi ko magawang palitan sya dahil nangako ako sa sarili ko na  "si Zy lang walang iba!".

"Ayyy naku umiwas ka nanamang bakla ka!" pairap na sabi nya.

"Ehh bakla bakit ako iiwas wala ka namang binato sa akin?" pamimilosopa ko.

"Ayan dyan ka magaling ang mang-asar ng sobra!" kapag ganyan sya ibig sabihin napipikon na sya.

"Ayyy napikon ang bakla! hahaha" tatawa tawang sabi ko.

Tumatawa ako pero hindi naakatulad ng dati na ramdam ko. Tatawa ako pero pakiramdam ko peke. Hindi ko na kayang gawin yung tawa ko noon kapag kasama ko si Zy.

"Ayy oo nga pala bakla may pumunta dito na nurse lalaki!" si Aiko?. Pano nya nalaman na dito na ako nakatago?.

"Oh?" kinakabahan ako ah.

"Tinatanong nya kung may nagtatrabaho daw ba dito na Cake ang sabi ko wala Strawberry lang hahaha." Sya lang natawa.

"Bakit mo sinabi?" tanong ko.

"Ehh gwapo eh. Nurse nga sya muka namang badboy!" parang kinikilig na sabi nya.

Malaki na nga nag pinagbago ni Aiko. Ang gwapo na nya kumpara noon. Yung puti nya ngayon, halos kasing puti na sya ni Zy. May hikaw sya sa tenga pero kapag nasa hospital daw sya tinatanggal nya. Nakakagulat nga yung biglaang pagbabago ng baliw na yun hindi ko inaasahang ganon kalaki na ang pagbabago nya. OGT palang naman sya eh.

"Te hindi pa certified nurse. Nago-ogt palang sya!" pambabara ko nanaman sa kanya.

"Hem bakla ka wag mo na agawin sakin yun. Kahit yun nalang regalo mo sakin! malapit na birthfay ko day!" bakit ko naman aagawin eh pinsan ko yung saka ang alam ko si Stacey parin sya.

"Bakla pinsan ko yun!" natatawang sabi ko.

"Ayyy kaya pala bakla may pagkakahawig kayo" tanga naman nitong bakla na toh.

"Tara na nga pasabugin ko bungo mo eh. Saka bakla wag ka ng umasa sa kanya may hinihintay na yun!" sabi ko.

"Ayut sayang naman!" maarteng sabi nya.

KAMUSTA KANA KAYA BABY ZY??????????




Zyrich Pov

Nasa bahay ako ngayon at oo nakakatawa dahil naandito si mom. Nakakatawa yata yung sasabihin nya eh malay ko. Wag nyo kong pansinin wala ako sa katinuan ko.

"Anak baby....." pauna ni mom. Dapat na ba akong kabahan?.

"Bakit mom?" tanong ko na halos walang emosyon.

"Next week ikakasal kana kay Abby" seryosong sabi nya.

"What the fuck?!" ayaw ko!

"Sorry nak. Hindi ko kinayang paki-usapan ang papa ni Abby. Kapag hindi mo daw pinakasalan si Abby malilintikan ang buhay ni Cake!" putang ina.

"Tangina wala ba talaga silang magawa kundi pagbantaan ang buhay ng mahal ko? lagi nalang sya nadadamay sa  gulo ko!" naiinis na sabi ko.

OO, kahinaan ko naman talaga si Cake eh at walang nakakaalam nun bukod kay Abby, mom, Aiko, Stacey. Wala naman na akong magagawa para mabantayn sya ngayon. Ni hindi ko nga alam kung nasaan sya ngayon. Wala na akong balita sa kanya, kahit si Aiko na-busy na kaya hindi na ako nakakausap. Hindi ako nagseselos kay Aiko ha!.

"Anak please pumayag kana. Para rin naman sa kaligtasan ni Cake. Hindi natin alam kung gaano kalakas ang mafia nila at kung ano ang kayang gawin nito kay Cake." nakikiusap na sabi ni mom.

"Ano panga bang magagawa ko wala na bukod sa mapilitang pakasalan sya.!" inis na sabi ko.

"Sorry anak hindi kinaya ni mommy!" paumanhin nya.

"Wala yun mom!" walang emosyon na sabi ko.

"No, alam ko namang big deal yun!" sobrang big deal.

"That's fine. For her safety papakasalan ko na si Abby." Sabi ko bago umakyat sa taas papasok sa kwarto ko.

PASENSYA NA MAHAL KONG CAKE MANIWALA KA PINAGLABAN KITA?.

IPAGPAPATULOY KO ANG PAGGANTI.














______________________

Ayan tapos na!

Di ah biro lang yun. Pero so sad narin kasi pinabilis ko na yung kwento.

Sorri kung hindi ko naibigay sa inyo yung haba ng conflict na gusto nyo.

😔😔😔😔😔😔

MY BADBOY LOVE [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon