Chapter 1

52 4 0
                                    

Sa school ng 11:00 am.

Lahat ng upuan namin ay ipanapalibot namin sa twing lunch break. 10 lang kaming magka-kaklase sa loob ng room.

Alam nilang lahat (ng mga kaklase ko)  na may kapangyarihan akong taglay.

Pero bago ang lahat. Ipapakilala ko muna ang sarili ko sa kung sino mang curious na nilalang ang nagbabasa nito ngayon.

Ako si Adda, mayroong-14 anyos na gulang. Malakas ako at wala akong kinakatakutan. Nakatira ako sa Planet Mars.

May iba't-ibang uri ng lahi ang bawat pamilya na nakatira sa aming planeta at ang lahi ng aking pamilya ay palaka.

Yun lang muna sa ngayon ang impormasyong maibibigay ko sayo.

Paalala ko lang din saiyo na hindi ito isang 'komedi' o kung ano, dahil nababase dito sa mga sulat na mababasa mo ang totoo kong buhay. Walang halong biro.

At dahil nasimulan mo na din naman na.

Pinapayagan na kitang pumasok sa mundo ko. Kokak!

"Adda may kwento kami sayo.."

Hindi ako pusa pero mabilis lang talaga akong macurious kaya naman agad akong lumapit sa kanila.

"Ano yun?"

"Meron kaming napansin sa banyo."

"Na?"

"Pumunta kasi kami kanina sa banyo ni Pinat para maghugas ng kamay bago kumain. Pero bigla na lang may kumalabog. Sinilip namin ang bawat toilet cubicle, pero walang tao."

Naging seryoso bigla ang muka ko. Hindi ko tine-take na biro ang mga gantong bagay.

Lalo na't mahina ang mga kaklase ko.

Wala silang kapangyarihan tulad ng kung ano ang mayroon ako.

Kaya para sa akin ay obligasyon kong protektahan sila kahit na anong mangyari.

"Ano pa?"

"Anong ano pa?"

"Kung wala na ba kayong nakita sa loob ng banyo na iba pang tao maliban sa inyo?"

"Wala. Kami lang talaga ni Pinat ang pumasok doon at wala ng iba pa."

Tinitigan ko si Thord at inaantay ko siyang tumawa dahil baka biro lang ang mga kwento niya.

Madalas kasi nila akong binibiro sa mga ganitong bagay dahil sineseryoso ko agad.

"Hmm.."

Pero hindi siya kumurap.. at kita ko sa muka niya na sobra ang pagkatakot niya at ganun na din si Pinat. Habang ang iba naming kaklase ay seryosong nakikinig sa kwentuhan namin habang sila ay kumakain.

Alam kong inaantay nila 'kong pumunta ng cr. At nararamdaman ko talagang isa nanaman to sa mga prank nila. Hayy. Pero kahit na 'ganun ay dumeretso pa din ako sa banyo namin at chineck kung ano ang meron.

"Adda i-check mo isa-isa yung toilet cubicle pleaaaaase!" Sigaw ni Pinat na nakasunod pala sakin kanina pa.

Mayroon lamang tatlong toilet cubicle ang banyo namin at sa dulo nito ay lababo na.

Minsan lamang akong pumunta ng banyo namin.

Ang lahi naming mga palaka ay minsan lang umihi dahil hindi naman namin kailangan uminom palagi ng tubig.

Once a month lang ang paginom namin ng tubig.

Yeah, tumatagal na iyon ng isang buwan na hindi kami mauuhaw. Astig diba--

Adda from MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon