Sa isang madilim na lugar..
May isang batang lalaki na nakaupo sa malaking trono. Nakasuot ito ng kulay pulang mahabang damit na may hood.
"Eechan.." Mahinang sabi nito.
"Master Soy. Nakabalik na akong muli." Nakayukong sabi nito habang nakaluhod ang isa niyang paa sa sahig.
"Nakuha mo na ba ang potion sa Baiji?"
Sabay abot ni Eechan ng potion sa misteryosong batang lalaki.
"Sa wakas! Mwahaha! Bantayan mo siyang palagi." Tumungo lamang si Eechan at muling nawala sa harapan ng bata.
Adda's POV
Sa wakas.. nandito na kami.
"Ughwa!" Agad kaming inahon ni Wakjo sa dagat.
Pag-tanggal namin ni Panda ng Udara sa bibig namin ay sabay kaming napatingin sa bahay namin na puno ng ilaw at malalaking tent sa labas na tila may malaking handaan.
Huh..!?
"Anong meron.."
"Mauna na kayo. Magbibihis lang ako." Sabay tago ni Wakjo sa malaking bato sa gilid.
Nagkatinginan kami ni Panda at sabay na naglakad papunta ng bahay.
"Adda!" Sabay yakap sa akin ni Ate Samm. "Yuck! Ba't basa ka?" Biglang bitaw niya sa akin.
"Naglaro kami sa dagat e. Kanina ka pa gising?"
"Oo. Tara! Kanina pa nila kayo iniintay." Sabay hila niya sakin.
Buti okay ka na si ate.. hihi!
Nakahinga na ako ng maluwag ng makita kong masigla na ulit ang kapatid ko. Okay na din si Mishka. Weepee!
Mayroong apat na malalaking tent sa tapat ng bahay namin at puno ng mga pagkain ang bawat loob nito.
Napakarami ring sundalo na may iba't-ibang lahi ang natatanaw ko.. wag mo sabihing nandito na si King Dylan!?
Natatanaw na namin si Mishka sa malayo sa kaduluhan ng tent.
"Iwan ko muna kayo. May aasikasuhin lang ako saglit." Nakangiting sabi sa amin ni ate sam.
"Adda!!" Sabay takbo sa amin ni Mishka at niyakap ako.
"Nyuahh!" Hikab ni Pinat sabay unat ng katawan nito.
"Uy buti gising ka na."
"Hmp! Hindi niyo ko sinama.." pagtatampong sabi nito.
"Eeh..? Ansarap kaya ng tulog mo kanina, diba?" Sabay tapik ko ng braso kay Panda.
"Oo tulo pa nga laway mo e." Sabay halakhak ni Panda.
"Di bale next time isasama ka na namin sa isla namin." Singit ni Wakjo na biglang sumulpot sa likod namin.
"Hali pala kayo ipapakilala ko kayo kay Daddy!"
Sumunod kami kay Mishka sa pinakadulo ng tent at natanaw namin si King Dylan at ang tatay ko..? na magkausap na nagtatawanan!?
Para silang magkakilala dati pa..
"Daddy!" Hiyaw ni Mishka sa nakatalikod na si King Dylan.
"Mishka. Sila ba ang mga kaibigan mo?" Tinignan niya kami isa-isa.
"Ito pala ang anak ko, si Adda. Mana sakin to. Malakas din to. Bwahaha!" Sabay akbay sa akin ni papa.
BINABASA MO ANG
Adda from Mars
FantasyAko si Adda Cstr. Isang alien na nakatira sa Planetang Mars. Ang lahi ko ay palaka. Mayroon akong 14-anyos na gulang. . at mayroon akong kapangyarihang taglay. Malakas ako. Wala akong kinakatakutan na kahit ano. Except.. sa multo. Samahan mo ako sa...