Pero walang halong biro.
May naaamoy talaga akong kakaiba. At alam kong may darating na kapahamakan. Dahil alam kong hindi nila nararamdaman 'yun kundi ako lang.
Sa planeta ng Mars.. kung saan kami nakatira. Iilan lang ang may mga kakayanang gumamit ng kapangyarihan tulad ko. Ngunit lahat naman kami ay may kani-kaniyang talent. Hindi basta-bastang talent na marunong kumanta o sumayaw.
Halimbawa na lang sa lahi ng pamilya namin. Kami ay lahi ng mga palaka. Ang talent namin ay marami tulad din ng sa iba.
Kaya naming tumalon ng sobrang taas ngunit limitado nga lang. Ang edad ko ay hanggang pangalawang palapag ng building lang ang taas na kayang kayang talunin.
Once a month lang din kaming nakakaramdam ng uhaw.
Kaya naming mag-stay sa ilalim ng tubig ng limang minuto.
Kaya din naming tawagin ang kauri naming mga palaka sa malayong lugar kahit na malayo kami sa isa't-isa. Pero sobra ang kinukuhang energy sa amin ng pagtawag na iyon kaya naman pang emergency lang namin iyon ginagawa.
Ngayon naman ay bumalik na ulit tayo sa amin..
"Oo nga pala. Ano ng nangyari 'dun sa multo kahapon?" Tanong ko kay Panda. Habang si Mishka ay busy sa biskwit na kinakain niya.
"Ahh. Pansin mo wala si Thord ngayon?"
"Yeah.. bakit nga pala hindi niyo siya kasama?"
"Pinapasama niya yung multo sa bahay nila kahapon e. Kaso hindi sumasama sa kaniya."
"Anong nangyari?"
"Ayun susundan daw niya kung saan na pupunta yung multo. Nac-curious daw siya kasi first time lang din daw niyang makakita 'non sa tanan ng buhay niya." Dugtong pa ni Panda.
"Loko-loko talaga yung lalaki na 'yon! Mamaya mapahamak pa siya sa ginagawa niya."
"Hayaan mo na Adda. Marunong naman siyang tumakas, remember?" Sabi ni Pinat. Si Thord nga pala ay may lahing unggoy at ang talent nila ay 'escaping' o kakayanang tumakas sa kahit anong sitwasyon.
"Sabagay.." pero nag-aalala pa din ako. Dahil madami pa din ang kumakalat sa paligid na mga abaliens.
"Hmm?" Patuloy pa rin sa pag-nguya si Mishka.
Oo. Dito sa planeta namin, hindi mo masasabing safe ka.
Simula noong lumabas ang mga bagong generation na mga aliens (kabilang na kami) naglabasan na din ang mga tinatawag na 'abaliens' na ang ibig sabihin ay abnormal aliens.
Sila ang mga uri ng aliens na may kapangyarihang taglay ngunit hindi nila nac-control ang sarili nila sa paggamit nito. Nakakatakot para sa mga normal na aliens.. pero sakin ay.. hindi.
"Adda! Diba sabi mo may ipapakita ka samin ngayon?" Sabi ni Mishka. Buti naman tumigil na siya sa pagnguya nung biskwit niya.
"Ahh oo.."
"Matagal na daw niyang nagagawa yun pero ngayon pa lang daw niya sasabihin satin, tsk." Inis na sabi ni Panda.
"Hoyyyy Panda! Mali ka ng pagkakaintindi! Ayusin mo baka magalit sila sakin huhu!"
"May tinatago pa pala sa atin si Adda. Hayy. Akala ko pa naman ay tunay na magkakaibigan na tayo. Walang taguan ng secrets diba.." malungkot na sabi ni Pinat.
"Hindeeeee! Ganito 'yun okay. Lemme eggzplain!!--
--sa panaginip ko kasi lagi akong nakakalipad. Kinukwento ko palagi 'yun kay Panda. Pero hindi ko siya nagagawa like, in real life!"
BINABASA MO ANG
Adda from Mars
FantasyAko si Adda Cstr. Isang alien na nakatira sa Planetang Mars. Ang lahi ko ay palaka. Mayroon akong 14-anyos na gulang. . at mayroon akong kapangyarihang taglay. Malakas ako. Wala akong kinakatakutan na kahit ano. Except.. sa multo. Samahan mo ako sa...