Chapter 12

18 2 2
                                    


Isa-isa na ring nagpaalam sina Wakjo, Pinat at Panda sa akin at umuwi na sa kani-kanilang bahay.

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso ng kusina para uminom ng tubig. Nauhaw ako sa napakatagal na byahe namin kanina sa ilalim ng dagat.

"Adda!" Hiyaw ni Mama sa akin mula sa likod ng bahay.

"Po?"

"Tulungan mo sila ate mo mag-ayos ng mga tent at kalat sa labas."

Nilapag ko ang baso sa lababo at saka ako lumabas ng bahay.

"Bwahaha!" Halakhak ni papa ng malakas na tila akala mo wala ng bukas.

Natatanaw ko si Papa at ate sa pinaka-dulo ng tent na may kasama pang iba. Lumapit ako para malaman kung sino ito.

Huh? The Rock!?

"Uhh.."

"Adda! Hindi matutumbasan ng pasasalamat ko ang katapangang ginawa mo. Pero lubos akong nagpapasalamat sa iyo at sa kabutihan ng loob mo. Maraming salamat!!" Galak na galak na sabi sa akin ni The Rock habang ang mga kamay niya ay naka-posisyon na tila nagdadasal. Sabay luhod nito sa harap ko ng nakayuko ang ulo.

"Tumayo po kayo." Hinawakan ko ang mga kamay niya at inalalayan ko siyang tumayo.

Umiiyak na siya ngayon habang nakangiti ang muka niya.

"Sobrang nagagalak ako at nakilala ko ang tulad mo. Napaka-suwerte ng mga magulang mo at napakabuti mong anak, iha."

Hindi po yan totoo..

Yumuko lamang ako. "Masaya na po ako at okay na kayo, sir." sabay ngiti ko sa kaniya.

"Bwahaha! Yan ang anak ko. Manang-mana talaga sa akin to." Sabay gulo ni papa sa buhok ko.

"Ako nga pala si Jhon Carl, Jc na lang. Laking pasasalamat ko at dito ako napadpad sa inyo at hindi sa iba." Pagpapakilala ni The Rock.

Mabuti na lang talaga..

"Bwahaha!" Hagakhak ni Papa ng malakas sabay tapik ng malakas sa likod ni The Rock.

Nang matapos na kaming mag-ayos ng mga kalat at tent sa labas ay agad na kaming pumasok sa bahay.

"Kapatid, dito ka muna matulog at gabi na din." Sabi ni Papa kay The Rock.

Tumungo lamang si The Rock at nakikita ko ang sobrang kagalakan sa kaniyang muka.

"Umakyat na kayong magkapatid at matulog na. Anong oras na o." Sabi ni Mama sa amin ni Ate.

"Opo." Sabay naming sabi.

"Adda, ihatid mo muna si Jc sa guestroom bago ka dumeretso sa kwarto mo." Utos sa akin ni Papa.

Tumungo lamang ako at inanyayahan ko na si The Rock na sumunod sa akin kasama si Ate.


Nang nasa guestroom na kami..

"Sana po ay maging komportable ang pagtulog niyo sa bahay namin, sir." Ngumiti lamang ako at saka yumuko. 

Nang isasara ko na ang pintuan..

"Saglit, anak.."

Napahinto ako at muling binuksan ang pinto habang si Ate ay nasa likuran ko na may halong pagtataka na tinignan ako sa muka.

"Pakinggan muna natin siya." Sabay pasok ko sa loob ng guestroom. Sumunod lang sa likod ko si Ate Samm.

Umupo ako sa sofa at ganoon din si Ate. Habang si The Rock naman ay nakaupo sa higaan niya.

"Wala ba kayong tanong sa akin?" Basag ni The Rock sa katahimikan sa loob ng kwarto.

"Hm."

"Hindi kasi ako tinatanong ng mga magulang niyo sa kahit na ano. Sila na ata ang pinaka-masayahing nilalang na nakilala ko." Dugtong pa nito.

Habang si ate ay tahimik na nakikinig lang sa tabi ko.

"Ano pong nangyari sa inyo?" Curious na tanong ko sa kaniya.

Huminto siya ng saglit at saka huminga ng malalim at saka napatulala sa sahig habang nakayuko.

"Labing-apat na taon ang nakalipas nang mamatay ang batang anak ko na babae.." Naging seryoso ang muka ko habang si ate ay may hindi maitagong kilabot sa muka. "Nagt-trabaho ako bilang spy sa isang mayamang pamilya. Dito lang din sa True Toad nakatira ang pamilya na pinagt-trabahuhan ko at dito lang din ako at ang pamilya ko na nakatira--"

(Ang True Toad ay ang aming city kung saan kami ngayon nakatira.)

Maya-maya ay naging seryoso ang muka ni Sir Jc. 

"--Pero dahil nga sa trabaho ko bilang spy, ay kailangan kong pumunta ng malalayong lugar at mapalayo ng sobra sa aking pamilya." dugtong pa nito.

"Matanong ko lang po kung anong trabaho ang ginagawa niyo bilang isang spy?" Seryosong sabi ko.

"Inuutusan lamang akong sumilip sa mga kompanyang kaaway ng kompanya ng aking amo."

"Hm."

"Kahit kailan ay hindi ko dinumihan ang mga kamay ko sa pag-patay. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero mabait ang amo ko. Ang mga pinapasilip niya sa aking kompaya ay hindi mga ordinaryong nilalang, kundi masasama."

"Ano po ang nakita niyo?" Curious na tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo na dapat malaman pa at masyado ka pang bata. Alam mo, minsan naiisip ko kung mali ba ang lahat ng mga ginagawa ko para buhayin ang pamilya ko. Kung kapalit ba ang pagkamatay ng anak ko dahil sa trabaho ko.."

"Nakikita ko pa sa inyo na isa kayong mabuting tao, sir." Sabay ngiti ko sa kaniya.

"Sa pagkawala ng aking anak nagsimula ang lahat.." Sabay hawak niya sa ulo niya at yumuko. "Habang nasa trabaho ako at malayo sa aking pamilya. Narinig ko ang anak ko na gumamit ng call sa akin at nanghihingi ng tulong. Sa mga oras na iyon ay nasa loob ako ng factory na inii-spyan ko. Nasa loob ako sa taas ng kisame sa loob ng pasingawan ng aircon o sa ceiling air vent."

"..." Halos hindi ako makahinga sa kin-kuwento niya at pakiramdam ko ay nasa sitwasyon niya ako ngayon sa sobrang seryoso ng pagkaka-salaysalay niya sa bawat pangyayari sa nakaraan niya. 

"Nangilabot ako sa sigaw ng anak ko dahil ramdam ko ang takot sa pagtawag niya sa akin gamit ang call. Sa galit ko at pagmamadaling gusto ng makauwi ay binasag ko ang kisame at nalaglag ako mula sa air vent. Nakita ako ng mga nagta-trabaho at nanlaki ang mga mata nila. Nagsigawan ang iba at tumunog ang napakalakas na alarm hanggang sa nagpula na ang mga ilaw. Tumakbo sa akin ang napakaraming gwardiya sa loob pero napakadali ko silang pinatulog sa suntok ko at agad akong nakatakas." Dugtong pa niya.

"Ano pong nangyari pagkatapos.."

"Nakatakas ako."

"Phew." Napabuntong hininga ako ng malakas.

"Pero kahit na nakatakas ako sa mga gwardiya sa loob at miski galos ay hindi nila ko nabigyan, lahat ng putok ng baril nila ay hindi ako tinamaan.. may isa pa ring tao sa pinakatuktok ng building na ramdam kong nakatingin sa akin."

Huh..?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adda from MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon