Ako si Adda, isang palaka. Nakatira ako sa Planetang Mars. Malakas ako at wala akong kinakatakutan. Yeah, as in wala. Except.. sa multo. Sigh.Kaharap ko ngayon ang nakakatakot na si The Rock! Nasa bahay namin siya ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya.
Naalala ko bigla ang bilin sa akin ni Mama. "Adda, tandaan mo ito palagi. Hindi ordinaryo ang lakas mo. Gagamitin mo lang dapat 'yan sa nararapat bigyan ng leksiyon. Dahil dito sa Mars maraming masasamang abaliens, tama? Leksiyon lang Adda, wag mong dudumihan ang kamay mo."
Noong una, hindi ko pa maintindihan si Mama. Pero ngayong malaki na ko, alam ko na. Well.
Ako nga pala ulit si Adda, nakatira sa Mars. Mayroong 14-anyos na gulang.
At ngayon bumalik na tayo kay The Rock..
Tumakbo ako ng mabilis sabay tumalon papunta sa kaniya, hawak ang ulo niya. Hinampas ko sa pader ng kwarto at nawasak ang pader ni Ate.
Nalaglag kaming pareho sa baba.
Tumalon agad ako palayo sa kaniya dahil nandidiri talaga akong hawakan siya sa sobrang slimy ng buong katawan nito. Ewwy!
Maya-maya ay nilabas nito ang mahaba niyang dila kasama ang patuloy na pagpatak ng laway niya sa lupa.
Bawat pagpatak nito ay may kasamang usok na para bang kumukulo ito sa init.
Naaamoy ko ang laway niya. Sabi na.. may lason. Tsk.
"ADDA!" Narinig kong may sumigaw sa malayo.
Pinat!?
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko silang lahat malapit sa spaceship ni The Rock. Si Pinat.. si Panda.. Si Mishka at Ate. Buti safe silang lahat. Phew.
"BRLAAAARGHHHHH!" Sigaw ni The Rock.
Tumalon siya sa akin at mukang susubukan niyang ipulupot ang mahaba at nakakalason niyang dila sa buo kong katawan.
Sa liit kong ito. Pwede na niya akong lamunin anytime sa sobrang laki niya. Pero sorry The Rock, hindi ako papayag.
Mabilis akong umilag at tumalon papunta sa likod niya. Umupo ako at nagkunwaring hinihingal.
"RAHAHAHA! PRHAGOHD KRHA NHA ARGAHD BHATA?" (Pagod ka na agad bata?)
"Tama na po. Umalis na kayo parang awa niyo na."
"RAHAHAHA! MRHANAHIMIK KRHAA!" (Manahimik ka!)
"Masyado na po kayong matanda. Hindi na kakayanin ng katawan niyo kapag pinagpatuloy niyo pa po yan, tay.." Mahina kong sabi. Baka sakaling matauhan siya sa ginagawa niya.
"URGHH..? Urgh.."
Napatulala siya at huminto. Kaya kumalma din ako. Baka natauhan siya sa sinabi ko at itigil na ang--
Mabilis siyang nawala sa paningin ko ng hindi ko napapansin.
Pagkurap ko na lamang ng mga mata ko ay nasa harap ko na siya.
Nanlaki ang mata ko dahil hindi na ako makakadepensa pa sa kaniya sa sobrang bilis ng pangyayari.
Hinawakan niya agad ako sa braso ng sobrang higpit at saka niya ako pinaikot-ikot ng sobrang bilis sabay pinatalsik niya ako sa taas na halos umabot na ako sa pangalawang palapag ng aming bahay.
SKRABAAHGM!
Nakidikit lang ako sa pader namin ng walang malay kung saan niya ako binato.
Sa sobrang lakas ng bato niya sa akin ay halos bumakat na ang itsura ko sa pader ng bahay namin.
At dahan-dahan akong nalaglag sa lupa.
"ADDAAAAA!" Narinig kong sigaw sa malayo ng mga kaibigan ko.
Urghh.. sh*t..
Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang sobrang tirik na araw.
Pagod na ko..
nakakapagod magpahaba ng pasensiya.
Kaso kailangan kong sundin si Mama. Kung pwede ko lang gawin ang gusto ko? Kanina ko pa siya pinawala sa paningin ko ng wala pang isang segundo.
"RGYAAAARHGHGGG!! "
Mas malakas ang sigaw niya ngayon kumpara kanina.
Ang muka niya ngayon ay tila nanggagalaiti sa galit. Ang buo niyang ulo ay puno ng malalaking ugat at namumula na ng sobra ang kaniyang mga mata pati na ang buo niyang muka hanggang leeg.
Muli nanaman siyang nawala sa paningin ko.
Pagod na 'kong makipaglaro.. alam ko na kung saan ka susulpot.
Sa isang kurap ko lamang ng mga mata ko ay nasa tabi ko na siya at handa na niya akong sakmalin.
Pero nakatayo na akong agad ng mabilis at tumalon ng mataas bago pa niya iyon magawa.
"URGHH..? NHARSAHN KHAA!!?" (Nasan ka?) sigaw nito habang paikot ikot siya sa paligid kakahanap sa akin.
"Hoy tanda dito!" Sigaw ko sa kanya habang nakalipad ako sa taas.
Sabay lingon niya sa akin at lalo pang nanggalit ang muka nito na tila gusto na niya akong lamunin ng buhay.
Maya-maya ay huminto siya at dahan-dahang napaupo.
"RGYAAARGHHH!! GYAAARGHHRG!" Patuloy siya sa pagsigaw ng malakas at ang sigaw niya ngayon ay iba kumpara sa kanina.
Huh..? Umiiyak si The Rock!?
Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nakita kong lahat sila ay nakatakip ng tenga. Habang si Ate at Mishka naman ay walang malay na nakahiga.
Bumaba na ako sa pagkakalipad at nilapitan ko ang mga kaibigan kong nakatakip ng mga tenga.
Kahit ako ay nabibingi din. Pero kailangan ko pa din maging alisto dahil na baka uma-akting lang ang alien na ito.
Nandito sina Ate at ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila hahayaang mapahamak sa mga walang kwentang hayop na pagala-gala sa paligid.
Ang mga abaliens.. hinding-hindi mawawala ang galit ko sa inyo.
"Adda, tignan mo siya!" Sigaw ni Panda sabay turo sa matandang alien.
Nakahilata na ito sa sahig at wala ng malay.
Kaya naman naglakad na ako papunta sa kaniya para tignan kung wala na nga talaga siyang malay..
The Rock's POV
Nawalang bigla lahat ang aking lakas at tuluyan akong nawalan ng malay.
Nasan ako..
"TAAAY!! TULONG!!" Malakas na sigaw ng anak ko habang humahagulgol sa iyak.
Nakita ng dalawa kong mga mata na ginagahasa ng hindi maintindihang nilalang ang aking anak--
HAYOP KA! LUMAYO KA SA ANAK KO!
--habang ako ay busy sa aking trabaho sa malayo.
Malayo ako sa aking anak..
Wala akong kwenta..
Ako lang ang tanging makakaligtas sa kaniya..
Pero wala ako..
Wala..
Patawarin mo ako.. patawarin mo 'ko anak..
Nararamdaman 'ko ang mabilis na pag-agos ng luha ko sa aking mga mata.
"HGYAARGH!" Malakas na sigaw ng hindi maintindihan na nilalang sabay saksak ng matulis na buntot nito sa dibdib ng aking anak.
BINABASA MO ANG
Adda from Mars
FantasyAko si Adda Cstr. Isang alien na nakatira sa Planetang Mars. Ang lahi ko ay palaka. Mayroon akong 14-anyos na gulang. . at mayroon akong kapangyarihang taglay. Malakas ako. Wala akong kinakatakutan na kahit ano. Except.. sa multo. Samahan mo ako sa...