Chapter 9

7 1 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa isla na kami ng mga sirena. Ang Baiji Island, kung saan narito ang lahat ng alien na may iba't-ibang lahi ng isda.

Kumikinang ang buong paligid at hindi ko mapigilan na hindi humanga. Nasa ilalim kami ng karagatan.. NASA ILALIM KAMI!

"Panda.. nasa ilalim tayo ng dagat.." Tapik ko sa balikat ni Panda.

"Papagalitan ako ng nanay ko nito.." Sabay tawa naming dalawa ng mahina.

"Tara Adda, Panda, sa bahay tayo ng lola ko. Ipapakilala ko kayo." Anyaya sa amin ni Wakjo.

Sumunod kami kay Wakjo habang ang ulo naming pareho ni Panda ay hindi matigil sa pag-ikot kakatingin sa kung saan-saan.

May mga lumilipad na bubbles sa paligid..?

Puro makikinis at kumikinang na gawa sa shell ang mga bahay, bakery, grocery store, mga upuan sa labas.

Kapag tumingin ka naman sa itaas ay may natatanging malaking hugis na isda sa pinakatuktok ng bubble na nagp-protekta sa buong isla o tinatawag nilang 'coat' at iyon ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid.

Ang mga puno sa bawat gilid ay may iba't-ibang kulay. Ganoon din ang mga bahay at upuan sa labas. Kakaiba ang lugar nila Wakjo kumpara sa amin sa taas. Napakaganda..

"Adda, Panda, nandito na tayo samin." Sabi ni Wakjo.

"Ang ganda.." sabay na sabi namin ni Panda. Sa paligid kami nakatingin hindi sa bahay ng lola ni Wakjo.

Maya-maya ay biglang dumilim ang buong paligid at may napakaingay na tumunog sa buong paligid.

*Eeeeenk eeeeenk*
*Eeeeenkk*

Sh*t ansakit sa tenga!!

Inabutan kami ni Wakjo ng earpods na may kakaibang hugis na kulay ginto. Saka namin isinaksak sa tenga namin ni Panda.

Biglang huminto ang tunog at hindi na muling umilaw pa ang malaking isda na nasa pinakatuktok ng 'coat'.

"Wakjo, anong nangyayari?" Pangangambang tanong ni Panda.

"Hintayin mo lang.." sagot ni Wakjo.

Maya-maya lang ay lumiwanag ng makulimlim ang buong paligid sa pamamagitan ng ilaw sa mga puno.. ilaw sa bawat bubong at bintana ng mga bahay, pati mga halaman ay umiilaw na din.

Ang inaapakan namin ngayon ay umiilaw na din kumpara kanina na bato lamang ito. Parang mga kulisap ang nasa baba nito at ito ang nagpapailaw ng dinadaanan namin ngayon.

May mga lumilipad din sa paligid na..

Jellyfish..!?

Kulay purple ang iba at ang iba naman ay may light pink at light blue na kulay. Napakarami nito sa buong paligid at umiilaw ng sobra ang mga ito.

Para akong nasa loob ng panaginip ngayon. Tila ba ayoko ng lumabas..

"Dito nalang ako maninirahan sa inyo, Wakjo. Ayoko na sa taas." Seryoso kong sabi.

"Hahaha sira ka, Adda!" Mahinhin na tawa ni Wakjo.

May lumabas na matandang babae sa loob mula sa umiilaw na bahay sa harap namin.

"Wakjo.. napabalik ka ata.." Tanong nito kay Wakjo.

"Lala! Si Adda to tsaka si Panda. Mga kaibigan ko." Sabay turo sa amin ni Wakjo.

"Aba.. o, sya halikayo at tumuloy sa loob.. at gabi na.." Sabay ngiti nito sa amin.

Adda from MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon