Pinagmasdan kong mabuti ang maliliit na isda saka ko tinignan ang hawak kong net na napakaliit din.First Attack!
*Pwoosh*
"Ah.." Nakawala tae.
"PWAHAHAHA!" Nagtinginan bigla ang mga alien sa amin sa sobrang lakas ng halakhak ni Panda sa likod ko.
"Nagp-practice pa lang ako." Seryoso kong sabi.
"Sige nga. Malakas yan si Adda eh. Walang hindi kaya yan. Woot!" Dagdag pa niya sa pang-aasar.
Hmp! Watch and learn..
Second Attack!
*Pwoosh*
"Ah.." Muli nanamang nakawala ang isda sa maliit kong net.
"Kamusta Adda?" Pang-aasar ni Panda.
"Game. Manahimik ka eto last na talaga to!" Seryoso kong ulit na sabi.
Focus Adda.. game!
Third Attack!
*Pwoosh*
UGHHH! BWISET!
Fourth Attack!
*Pwoosh*
"Shett! Bat ganon ang hirap huhu!" Malungkot na binalik ko ang net sa lalaking nagbabantay ng stall.
"PWAHAHA!" Patuloy pa rin ang paghalakhak ni Panda.
"Tch. Wala naman atang nakakagawa niyan e." Sa lahat ng nakalaban kong alien wala pang ni-isa na nakatalo sa akin. Malakas ako at wala akong hindi kaya. Heh.
"Adda tignan mo to!" Sigaw ni Wakjo
Nakita namin ang maliit na blackboard sa gilid ng stall at nakasulat doon ang list ng mga pangalan ng mga players na nakahuli ng isda.
"May reward yan, kapag napunta ang pangalan niyo sa listahan na yan!" Sabay bulaga sa amin ng sirenong tindero.
"Talaga po? Ano?" Curious na tinanong ni Panda ang tindero.
"Dipende. Lima lang ang pwedeng makapasok na pangalan sa listahan na to. Ang pang top 2 hanggang 5 ay makakakuha ng stuff toy!"
"Sayang.. may uwi sana tayo kay Mishka." Malungkot kong sabi.
"Hahaha! Kaso ni-isa satin walang nakahuli ng isda." Mahinhin na tawa ni Wakjo.
"Kapag napunta ka naman sa top 1.. potion ang matatanggap mo." Singit pa ng tindero.
"Potion!?" Sabay naming sigaw ni Panda.
"Ano pong klaseng potion?" Bulong ni Panda sa tindero.
"Love Potion." Bulong sa amin ng tindero.
Huh? Love potion..!?
Agad kong hinanap sa listahan ang alien na nakakuha ng love potion.
Top 5 - Joseph (10 na isda)
Top 4 - Jules (14 na isda)
Top 3 - Christian (19 na isda)
Top 2 - Dexter (22 na isda)
Wow! 22!? Ni-isa nga wala akong makuha!
"Halimaw tong mga to ah.." Bulong ni Panda.
"Hahaha! Ang galing nila!" Singit pa ni Wakjo.
At ang top 1..
BINABASA MO ANG
Adda from Mars
FantasyAko si Adda Cstr. Isang alien na nakatira sa Planetang Mars. Ang lahi ko ay palaka. Mayroon akong 14-anyos na gulang. . at mayroon akong kapangyarihang taglay. Malakas ako. Wala akong kinakatakutan na kahit ano. Except.. sa multo. Samahan mo ako sa...