Chapter 4

25 1 5
                                    

Agad akong umatras at kinilabutan. Dumagdag pa ang nagdurugo kong kamay. Hindi ko nalang pinansin dahil baka mahimatay lang ako. Takot ako.. sa dugo..

Biglang tumayo ang malaking lalaki sa kinauupuan niya at binato ng malakas ang spaceship nila Adda.

Agad akong umiwas.

Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Good thing sa balikat ko lang dumaplis.. pero OMG! Nagdudugo na din siya. At ang sakit! Huhuhu help me! Someone!

"WRALAH AKONGR RHPAKERH SHRAYOHR!!" Sigaw nito.

Napakalakas ng boses niya. Para siyang nakalunok ng malalaking speakers.

Nanlaki ang mga mata ko sa itsura niya dahil mas nakakatakot pa siya sa itsura ng multo kahapon.

Napakalaki niya at kulay pula ang buong katawan nito simula ulo pati kamay at nahahati ang kulay nito sa bewang niya. Asul naman ang kulay ng buo niyang hita hanggang paa.

Visible ang lahat ng organs nito sa loob.

Nakikita ko sa kaniyang dibdib ang pagtibok ng puso niya. Nakikita ko rin ang paghinga ng lungs niya.

Nakakadiri siyang tignan dahil sa sobrang slimy ng buo niyang katawan.

"Oh my go.." Bumigay na ang mga paa ko sa sobrang takot. Nanghina ako ng sobra at napaupo na lamang ako. Hindi ko na rin namalayan na unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko..

Adda.. nasan ka na..




Adda's POV
"Pinat, Panda, diyan lang kayo. Sigawan niyo ko kaagad kapag may alien, okay?"

"Yessir!" Sabay nilang sabi.

Pumasok na ako sa loob ng spaceship para imbestigahan ang loob nito at baka may alien sa loob na na-stuck.

By the way, tabi ng dagat ang bahay namin at wala kaming kapit-bahay. Kaya isa lang ang ibig sabihin 'nun. Wala kaming mahihingian ng tulong.

Hindi na rin bago sa akin 'to. Dahil may bumagsak na rin dating spaceship malapit sa bahay namin at mabait ang mga alien na nakasakay doon.

Tinulungan namin silang lahat.

Good thing is nakasurvive silang pare-pareho.

Nakakagulat lang na ang isa sa kanila ay isang bigtime na nakatira sa Tigga, Windsor. Ang kanang kamay ni King Dylan Spynx, si Joshu Wooton.

Si Joshu Wooton, ay may lahing tiger. Isa siya sa pinakamabilis tumakbo maliban sa lahi nila Mishka, na isang aso--

*SKRLABOOOM*

Ano yun..?

Agad akong tumakbo palabas para i-check kung saan nanggaling ang ingay.

Nanlaki ang mata ko at napanganga na lamang ako ng makita ko ang spaceship ng tatay ko na nasa harap na ng bahay namin at wasak-wasak na ito.

Basag ang bawat gilid ng salamin.

Ang lahat ng parts nito ay durog-durog at nagkalat kung saan-saan.

Nanginginig ang buo kong katawan at pilit kong kina-kalma ang sarili ko.

"Adda!!" Sigaw ni Panda.

Natauhan ako na nandito nga pala sa labas sila Pinat at Panda.

"Okay lang ba kayong dalawa?" Lumapit ako papunta sa kanila.

Adda from MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon