Chapter 2 - Rafflesia Scene Tower
Alivia's Point Of View
Papunta na kame ni Renzo sa Last Subject namen ang totoo nyan hindi kame magka-klase sa last Subject nalulungkot nga ako e pero yaan nyo na ganon naman talaga eh kailangan minsan maghiwalay din kayo naks gumaganon hahaha.
"Oh pano Ali pag may kailangan ka tawagin mo lang ako ah pupuntahan kita agad." Napangiti naman ako sa Sobrang pag-aalaga at pagpo-protekta saken ni Renzo. "Opo Sir Renzo tatawagin po kita agad makakaasa ka."
"Aasahan ko yan ah! Sige na pumasok kana."
Kumaway naman ako sakanya at nagsimula na akong maglakad papasok. Pagkapasok ko agad naman akong nilapitan ng mga kaklase ko at kinulit akong magpaulan ulit ng mga bulaklak gagawin ko na sana ng bigla silang natigilan at nagsibalikan sa mga upuan nila.
Agad naman akong lumingon sa likod ko at nanlaki yung mata ko ng makita ko yung Lalakeng Asul yung mata na nakatayo sa may likod ko at diretsong nakatingin saken napalunok naman ako ng maraming Beses.
Bakit nandito tong Lalakeng Asul Yung mata na toh?! >_<"Oh Miss Lexus and Mister Blixtoure bakit nakatayo pa kayo diyan umupo na kayong dalawa." Agad naman akong nag bow sa Lecturer namen at dumiretso ako sa pinaka dulong upuan sya naman ay sa upuan na nasa unahan ko.
Tahimik lang ako buong Klase buti nalang at hindi ako ginulo ng Lalakeng Asul Yung mata na toh kaya naintindihan ko naman yung Lesson namen today.
Ng tumunog yung bell agad naman akong tumayo at inayos na yung mga gamit ko nagpaalam na saken yung ibang kaklase ko friendly kasi ako eh kaya ayun lahat siguro ng kaklase ko kaibigan ko hehe.
Agad naman akong lumabas at naabutan ko dun si Renzo nakasandal sya sa may pader habang nakasuksok yung dalawang kamay sa bulsa nya ng makita nya ako ngumiti sya saken tapos inakbayan ako, aalis na sana kame ng mapalingon ako sa loob ng room nakita kong nakatingin samen yung lalakeng Asul yung Mata hindi paren sya umaalis sa kinauupuan nya niyaya na ako ni Renzo kaya umuwi na kame.
"Oh Mama, Papa saan kayo pupunta." Nakita ko silang nag-aayos sa may sala kaya nacurious ako kaya tinanong ko hehehe.
"Sa Tower magbihis kana at hihintayin ka namen sa labas Siguraduhin mong maayos kang tignan sa susuotin mo ah."
Agad naman akong tumango at umakyat na ako sa may kwarto ko agad naman akong Naghanap ng damit na pwedeng maisuot, agad ko naman na yong sinuot at bumaba na ako.
Inalalayan kame ni Papa sumakay ng karwahe at pinaandar na yon ng bodyguard namen papunta sa may Tower habang nasa byahe hindi ko mapigilan hindi mamangha sa Buong Kapaligiran ng Rafflesia Scene sa part namen dahil punong-puno ito ng mga puno, halaman, bulaklak at mga water falls inikot ko naman yung daliri ko sa may palad ko at agad ko yong tinutok sa may tubig kaya bigla nalang may nagtalunan na mga isda napangiti naman ako nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko paglingon ko si Mama lang pala ngumiti sya saken sabay lingon sa Water Falls.
Pagkarating namen sa may Tower napangiti naman ako ng biglang nagsilabasan yung mga ibon galing sa loob ng kastilyo agad ko naman silang sinalubong at agad namang tumunog yung turotot na malaki sa may taas kay napalingon ako duon.
Nanlaki naman yung mata ko ng makita ko yung picture nameng tatlo ako yung nasa Gitna pagkatapos non ay biglang may nag siliparan na paro-paro galing sa loob ng kastilyo.
"Let's Welcome the First Family in Rafflesia Scene the Nature Manipulation The Lexus Family."
Agad namang nagsipalakpakan yung mga taong nandun at inalalayan na nila kameng pumasok sa loob ng kastilyo.
YOU ARE READING
Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story )
FantasyA Story of a Man who fall inlove on a woman that he will not get from the first place. They are both stuck in the middle of the war of there both family. Are they love in each other will broke the war in there both family? Or their both will be b...