Chapter 20 - Confession

23 0 1
                                    

Chapter 20 - Confession


Kakagising ko lang ngayon kagabi kasi pagkatapos kameng makita nila JC at Shaun na naghahalikan ay nahiya na talaga ako buti nalang au umalis na din sa may kwarto si Ethan kaya natulog nalang ako.

Pababa na ako ngayon, umaga na at hindi na kagaya kahapon ay may araw ng naka silip sa kalangitan, paniguradong nag-aalala na sila mama at papa kasi hindi ako nakauwi kagabi.

Pagkababa ko naabutan ko naman sila Ethan, JC at Shaun na nag-aalmusal agad naman akong umupo sa may tabi ni Shaun kaya naman napatingin saken si Ethan at sa upuan sa tabi nya.

Dalawa nalang kasi ang bakanteng upuan isa sa tabi ni Ethan isa sa tabi ni Shaun at syempre hindi pa ako nakaka move on sa kahihiyan ko kagabi kaya dito nalang ako sa tabi ni Shaun umupo.

"Good morning Alivia, kain kana para makauwi na tayo paniguradong alalang-alala na sayo sila Tita Grace at Tito Anjo."
Sabi ni JC habang sinasandukan ako ng pagkain ko.

"Sure na talagang nag-aalala yon, malamang sa malamang pinuntahan na ako non sa may School." Bigla naman akong napatingin sa guard nila Shaun na nakatayo sa may labas at bumaling ako kay Shaun. "Shaun, yan bang guard nyo hindi sinasabi kahit kanino yung relasyon nyo ni JC?"

Lumingon din si Shaun sa may guard nila at bumalik sa yung tingin saken. "Hindi may tiwala ako dyan ako lang kasi ang mabait sakanya sa palasyo mabait din naman sila mama pero kasi si Ate hindi sya mabait dyan sa guard namen na yan kaya pag may ginagawang mali si Ate ay sinusumbong ng guard namen kila mama kaya ayun napapagalitan si Ate."

Napatango-tango naman ako at bumaling kay Ethan naka kunot ang noo nya habang nakatingin saken kaya tinaasan ko sya ng kilay inalis naman nya yung tingin nya saken at pinagpatuloy na ang pagkain nya.


Kakatapos lang namen kumain at kame nalang dalawa ni JC ang nandito sa karwahe papasok pa kame mamaya pero hapon na, nauna ng bumaba si JC kasi sa pinaka tuktok pa kame.

Pagkadating na pagkadating ko palang sa may labas ng palasyo namen ay agad na lumabas sila mama at sinalubong ako niyakap naman ako ni mama samantalang kinausap ni papa yung guard nila Shaun buti nalang at hindi alam ni papa na Advanced Electrokinesis yung guard na yon kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Saan ka ba galing bata ka? Bat hindi ka umuwi kagabi?" Nag-aalalang Tanong ni Mama habang hawak-hawak yung ulo ko.
"Malakas kasi yung ulan kagabi ma kaya sumilong muna kame nila I mean ni JC sa may isang kubo duon."

Napatango naman si Mama kaya naman nakahinga na ako ng maluwag, pag sinabi ko kasing kasama ko si JC okay lang kila mama kasi may tiwala sya kay JC.

Agad naman akong humiga sa may kama ko ng makarating ako sa may kwarto ko hinawakan ko naman yung labi ko at bigla nalang pumasok sa may isip ko si Ethan.

Agad naman akong umiling at tumayo upang maligo na, diba sabi ko nga papasok kame kahit na half day lang.

Pagkatapos kong maligo ay nag civilian nalang ako halfday lang naman tyaka dadalhin ko na talaga yung karwahe namen mahirap na mamaya umulan nanaman at ma stuck nanaman kame nila Ethan duon.

Bumaba na ako at sumakay na sa karwahe hindi na ako nagpaalam ganon din naman.


Pagkarating ko sa School andaming students na nasa quadrangle sabagay lunch break na kaya ganon naglakad naman na ako papunta sa may room ko ng nakita ko si Ethan na kausap nanaman yung Daisy agad naman na akong umalis duon ng yakapin sya nung Daisy.

Agad ko namang hinawakan yung dibdib ko at parang may masakit duon agad naman akong umiling at pumasok na ako sa may room ko, agad ko naman naabutan si Renzo na nilalaro yung ballpen nya habang nakanguso napangisi naman ako at dumaan ako sa may likod nya balak ko syang gulatin HAHAHAHA.

Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story ) Where stories live. Discover now