Chapter 11 - Punishment
Alivia's Point Of View
Naalimpungatan Ako ng may marinig akong nagpiprito ng bawang tyaka naamoy ko din yon agad naman akong nakaramdam ng gutom.
Dahan-dahan naman akong tumayo aruy ang sakit ng katawan ko, masyado kasing malakas yung nakalaban ko kagabi eh dahan-dahan naman akong naglakad palabas.
Teka hindi ko kwarto toh ah! Tinignan ko yung kabinet duon sa may Gilid, sabi na eh kay Ethan toh eh, lumabas na Ako at naabutan ko syang nagsasangag ng kanin.
Umupo naman akong ng tahimik sa may lamesa hindi nya napansin yung pagdating ko kaya pinagmasdan ko nalang sya habang nagsasangag.
Sinalin na nya yon sa may Plato at parang hindi naman sya nagulat nung makita nya Ako umupo sya sa may harapan ko kukuha na sana Ako ng ulam ng makita kong isang hotdog at isang Itlog yung saken.
"Nasan yung saken." Umangat naman yung tingin nya saken.
"Mag-luto ka ng Sarili mo." Agad naman akong napansinghal kaya tinaasan nya Ako ng kilay. "Hindi mo ba nakikita ah? Nanghihina pa Ako tapos Ako yung paglulutuin mo baliw kana ba."
"And so? Kasalanan mo yan! Sino bang nag sabi sayong pumunta ka sa gubat na yon! And let me remind you I'm just your partner in This activity not boyfriend kaya wag mokong mautos-utusan."
Napanguso naman akong bago dahan-dahang tumayo, huhu ansaket talaga ng katawan ko tapos itong lalakeng toh wala manlang pakeelam saken Patuloy paren sa pagkain, mabulunan ka sana....
Pumunta naman ako sa may Lutuan at nag bati ako ng Itlog.
Natatakot akong ilagay yung Itlog sa may pan ang totoo kasi nyan hindi talaga ako marunong mag-luto kaya nga Pansin nyo hindi ako masyadong nakilos sa palasyo namen tapos ito pa huhu.
Ng nilagay ko na yung Itlog sa pan ay agad akong napasigaw ng natilasikan ako huhu, agad namang tumayo si Ethan at nilayo ako sa may pan.
"Maupo kana nga lang duon ako na magluluto." Inis na Sabi nya nakanguso naman ako habang hawak-hawak ko paren yung braso ko huhu ansaket.
Nakayuko lang ako habang hinihintay ko syang matapos mag-luto.
Ano bang problema ng isang toh at ganyan ang trato saken? Dahil ba yon sa pagtakas ko sakanya kahapon? O may iba pang dahilan? Pabalibag naman nyang nilagay sa mesa yung Itlog na ulam ko at pinagpatuloy na nya yung pagkain.
Hindi sya kumikibo parang nung una nameng encounter sa may Girls Rest Room, tahimik nalang din akong kumain ng matatapos na syang kumain ay tyaka ako nagkaroon ng lakas ng loob ng kausapin sya.
"Ano bang problema mo ah? Kanina kapa cold makitungo saken? Dahil ba yon sa pag takas ko kagabi ah? Yung nangyare saken sa gubat ah? Ano?"
Nagulat naman ako ng tumayo sya at hindi manlang sinagot yung mga tanong ko, nilagay na nya yung mga pinag-kainan nya sa lababo at bago sya tuluyang lumabas ng Kusina ay may sinabi syang ikinanganga ko.
"pagkatapos mong kumain ay hugasan mo lahat ng Plato at pagkatapos ay linisin mo ang buong bahay, that's your punishment."
pagkasabi nya non ay iniwan na nya akong nakanganga dito sa may Kusina, seryoso ba sya sa sinasabi nya? Huhugasan ko yung lahat ng platong yon? Lilinisin ko yung buong bahay? Yung totoo sabog ba yung lalakeng yon?!
Nasapo ko naman yung noo ko parang wala na akong ganang kumain agad ko namang binalik ko sa may platito yung Itlog na hindi ko pa nagagalaw at ang sinangag na hindi ko padin nagagalaw.
YOU ARE READING
Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story )
ФэнтезиA Story of a Man who fall inlove on a woman that he will not get from the first place. They are both stuck in the middle of the war of there both family. Are they love in each other will broke the war in there both family? Or their both will be b...