Chapter 8 - Hiking Camping

12 0 0
                                    

Chapter 8 - Hiking Camping

Kanina pa ako gising bago pa mag liwanag or let's say mga 5 hours lang ako nakatulog nakatagilid lang ako habang naka harap sa may bintana ko.

Tumihaya naman ako at tumingin ako sa may picture ko na malaki sa may harapan ko naka pang princess gown ako non at talagang pictorial nameng lahat na mga princess and prince yung day na yon.

Pagkatapos kong mag muni-muni ng napaka habang oras ay tumayo na ako at nagpunta na ako ng CR upang maligo.

Pinuno ko muna ng tubig yung bathtub ko at nilagyan ko yon ng bubble soap at pagkatapos ay pinisikan ko sila ng kapangyarihan ko at unti-unti namang may nagsilutangan na bulaklak.

Agad ko namang hinubad lahat ng saplot ko at humiga ako duon sa may bathtub, kumuha ako ng isang bulaklak at tinignan ko yon.

"Kakausapin kaya ako ng Lalakeng Asul Yung mata na yon, mukhang hindi e mukhang na-offend ko  talaga sya kahapon."

Pagkatapos kong nagbabad at tumayo na ako nagbanlaw na ako at nagpunta na ako sa may kabinet ko kinuha kona yung isang uniform ko at sinuot ko na yon wala akong balak na mag-ayos ng mukha ko ganon na parang may Malungkot sa side ko, kinuha ko na yung mga gamit ko at bumaba na ako lalabas na sa ako ng bigla akong tawagin ni Papa.

"Oh Alivia kumain kana muna."

"Hindi na po pa marami pa po akong gagawin eh."

"Ah ganon ba, oh sige ingat ka sa pagpasok."

Sumakay na ako ng karwahe at pinaandar na yon hindi ko binuksan yung kurtina ko dahil wala talaga ako sa mood, buti nalang ay nakarating agad ako sa may school agad akong bumaba at agad na naglakad ako sa buong school para hanapin yung Lalakeng Asul Yung mata.

"Saan kaya sya ngayon nakatambay."

Tinignan ko sa Cafeteria, sa Gym, sa may Field pero wala, duon kaya sa may likod habang naglalakad ako duon ay pinapractice kona yung mga sasabihin ko duon sa Lalakeng Asul Yung mata.

"Ahm Lalakeng Asul Yung mata." Bakit ba eh sa hindi ko alam yung Pangalan nya.

"Sorry sa sinabi ko kahapon ah natakot lang kasi ako eh tyaka syempre kayo ang pinaka malakas na pamilya—

Hindi ko Natapos yung sinasabi ko ng bigla akong may marinig na nag-uusap sa may likod dahan-dahan naman akong lumapit duon at pinakinggan ko yung mga pinag-uusapan nilang dalawa kilala ko kung sino ang may Ari ng boses na yon.

"Ethan."

"What Daisy can you stay away from me."

"Ethan why don't you try to be nice on me baka nga tayo pa ang ipagkasundo nila Tita Lea eh."

"That will not would be happen, so stop imagining some fairytale that will not become true."

Yung boses na yon duon sa Lalakeng Asul Yung mata parang nanghina naman ako sa sinabi nya agad naman syang napatingin saken at nanlaki yung mata nya ng makita nya ako, tumalikod naman ako at nagsimula na akong maglakad.

Hindi ko alam pero kusa akong nanghina sa narinig ko, didiretso na sana ako ng bigla nalang may humawak sa braso ko at Dalhin ako sa isang lugar na mapuno.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako masakit." Agad naman nya akong binitawan

"Anong narinig mo." Seryosong Tanong nya

"Wala." Sabi ko "ano sabing narinig mo."

"Ethan." Ginaya ko pa yung boses nung babae kanina

"What Daisy can you stay away from me." Pang-gagaya ko naman sa boses nya

Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story ) Where stories live. Discover now