Chapter 19 - Sorry
Hindi ako masyadong nakihalobilo sa mga sports na pinagawa ng Lecturer namen parehas lang kameng nakaupo ni Ethan pero hindi ako lumilingon sa gawi nya tanging nasa baba lang ang tingin ko.
Agad namang pumito yung lecturer namen hudyat na tapos na ang laro namen agad naman akong tumayo at inayos ko na yung mga gamit ko, pawis na pawis naman na pumunta saken si JC inabot ko naman sakanya yung towel nya at umupo muna ako.
"Susunduin ka ni Shaun?"
"Yup, ikaw susunduin ka ni Renzo?"
Tumango naman ako at tumayo nagsimula na kameng maglakad at hindi sinasadyang napalingon ako sa may gawi ni Ethan sadyang mapapalingon ka talaga duon dahil madadaanan mo talaga sya.
Nakayuko lang sya habang magkadikit yung dalawang palad, agad ko namang binawi yung tingin ko at lumabas na kame ni JC.
"Alivia, nauna na pala si Renzo pinauwi kasi sya ng mga magulang nya eh, pinapasabi nya yan, sige una na ako bye."
Napahinto naman ako ng sabihin yon ng isang lalake agad naman akong napalingon kay JC at kasabay non ay ang pagbukas ng pinto ng Gym at lumabas duon si Ethan agad naman akong tumalikod.
"Nasan na si Shaun." Rinig kong Tanong nya
"Ahm papunta na daw sya, ah alivia pano ka uuwi nyan? Wala na pala si Shaun." Tanong ni JC lumingon naman ako sakanya at ngumiti ako ng tipid sakanya.
"Kaya ko naman umuwi mag-isa eh.""Sumabay kana samen."
Napatigil naman ako ng marinig ko yung boses nya sa may likod ko, dahan-dahan naman akong humarap at nakita kong sobrang lapit namen sa isa't-isa kaya naman umatras ako.
"Ahh hindi na kaya ko naman ng umuwi malapit lang naman yung palasyo naten kaya lalakarin ko nalang." Sabi ko ng hindi lumilingon kay Ethan at na kay JC lang ang tingin ko. "Nasisiraan kana ba ng ulo ah? Sobrang lamig ng klima naten ngayon oh! Tignan mo ni walang ka-araw araw tapos sasabihin mo lalakarin mo nalang, kakaiba ka."
Tuluyan ko na syang hinarap at tinaasan ko sya ng kilay at nag cross arm ako sa harapan nya. "Ano namang pake mo ah? Hindi naman ikaw yung magkakasakit ah, diba ako kaya pwede ba wag kang pakeelemero."
"Hindi ako pakeelemero sadyang sinasabihan lang kita, kung ayaw mo namang makinig edi wag hindi ko naman sinabing makinig ka eh." Walang emosyong Sabi nya
"Ali sumabay kana samen, parehas lang nanan ang bababaan naten eh." pamimilit ni JC agad naman akong umiling. "Dadaan pa ako kila Renzo kaya mauna na kayo."
Nagulat naman ako ng hawakan ni Ethan yung wrist ko at hinila ako. "Tara na JC tayo na ang pupunta kay Shaun at masyado syang matagal Tss."
"Hoy ano ba! Bitawan mo nga akong mokong ka!"
Pero parang wala syang pake dahil tuloy-tuloy paren sya sa paghila saken hanggang sa makarating kame sa may labas ng room ni Shaun agad ko namang binawi yung wrist ko at sinamaan ko naman sya ng tingin, tinaasan lang nya ako ng kilay at sumandal na sa may tabi ko, agad naman akong umusog at hinaplos ko yung wrist ko na namumula na ngayon kaasar talaga..
"Sorry." dahan-dahan ko naman syang nilingon pero agad ko ding binawi yung tingin ko ng lumingon din sya saken. "Masakit pa ba?"
"A-Alangan ang diin mo kayang humawak sa wrist ko kanina Tss."
"Hindi yan ang ibig ko sabihin, yung sugat mo sa may braso nagdudugo kasi eh masakit pa ba? Gusto mo bang linisan ko muna yan."
Agad naman akong napatingin sa may braso ko at nakita kong puno na ng dugo yung gaza na ginamit ko, lumingon naman ako kay Ethan at nagulat ako ng hilahin nya ako papunta sa may hagdanan.
YOU ARE READING
Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story )
FantasyA Story of a Man who fall inlove on a woman that he will not get from the first place. They are both stuck in the middle of the war of there both family. Are they love in each other will broke the war in there both family? Or their both will be b...