Chapter 15 - 2nd Day Of Hiking Camping

10 0 0
                                    

Chapter 15 - 2nd Day Of Hiking Camping

Madaling lumipas ang oras at madaling araw na, maaga talaga kameng pinagising ni Miss Jean keyso daw Malayo ang next venue namen.

Tapos na akong maligo at magbihis bale nag susuklay nalang ako naka short at Sando ako ulit naka-tak in yung Sando ko sa may short paglabas ko naabutan ko si Ethan na nakaupo sa may sofa nagulat naman ako ng bigla nyang ibato sa mukha ko yung jacket na hawak-hawak nya.

"Sabi na nga mag gaganyan ka nanaman eh! Kahapon mo pa gustong isuot yan eh." Pagkasabi nya non ay iniwan na nya ako dito sa may loob sinuot ko naman yung jacket na binato nya saken at sumunod na ako sakanya nagulat naman ako ng makita kong dalawa lang sila Shaun at JC na nandun sa may labas.

"Oh Nasan yung iba." Kunot-noong Tanong ko

"Nauna na sila hindi na daw kasi tayo kakasya sa may bus kasi may pumunta kasi ditong ibang Lecturer galing sa kabilang camp kaya ang sabi ni Miss Jean dyan nalang daw tayo sumakay."

Agad naman akong tumango at nauna na kame ni JC na pumasok sa loob, katabi ko syempre si Ethan habang nasa harapan naman namen sila JC at Shaun humiga naman si JC sa balikat ni Shaun at hinawakan naman ni Shaun yung kamay ni JC napangiti naman ako.

"Inggit ka noh." Sabi ng asungot na katabi ko

"Baka ikaw, ipapasa pa saken eh." Sabi ko sabay Taray

"Bakit naman ako maiinggit eh sooner or later magagawa ko na yan sa babaeng gusto ko." Napantig naman yung tenga ko sa may sinabi nya hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkairita.

Agad ko namang hinubad yung Jacket na binigay nya saken at sa bintana nalang ako tumingin pilit naman nyang nilalagay yung Jacket sa may balikat ko pero pilit ko din yong tinatanggal. "Ano ba! Suotin mo nga toh kita mong anlamig-lamig dito oh."

"Eh ikaw pala nilalamig eh edi ikaw ang magsuot hindi ako nilalamig." Mariin kong singhal sakanya

"Talaga lang ah! Suotin mona toh isa."

"Ano ba! Ayaw ko nga! Kung si Renzo yung nandito hindi nya ipipilit kong anong gusto nya." Bigla naman syang natigilan sa sinabi ko miski ako hindi ako alam kung anong pumasok sa may kokote ko at sinabi ko ang bagay na yon.

"Edi wag kang mag jacket! Hindi ka naman pala nilalamig eh! Oh Shaun ipasuot mo nalang yan kay JC." Pagkasabi nya non ay binato nya kay Shaun yung Jacket nya at sinandal nya yung ulo nya sa may bintana at pumikit.

Napatingin naman ako sakanila nakatingin din sila saken agad ko namang iniwas yung tingin ko at tumingin nalang ako sa may labas.

Halos mga 8 na ng makarating kame sa may Second Venue namen, nauna ng bumaba si Ethan sunod naman sila Shaun at JC at ako hindi ko alam kung bababa ako ng Kotse na toh huminga naman ako ng malalim bago lumabas nakita ko naman na naglalakad na ng sabay sila JC at Ethan nakita ko naman na tumatawa si Ethan habang nakatingin kay JC agad ko namang iniwas yung paningin ko agad namang lumapit saken si Shaun at inabot saken yung jacket.

"Mamaya paglabas nya okay na din sya kaya suotin mo na toh, magiging okay pa sya pag labas nya pag nakita nyang suot mo yan."

Kahit naguguluhan ako ay kinuha ko yung Jacket kay Shaun at sinuot ko na yon kahit ba may araw dito ay ang lamig paren hindi ko alam mas malamig pa toh kaysa sa Rafflesia Scene eh.

Magkatabi lang kame ni Shaun habang nakatingin kameng pareho sa may Monitor sya kay JC ako naman kay Ethan tumingin naman sya sa may taas.

Mag-iingat ka Ethan......

------------------------------------------------------------------------------------------------------

| ETHAN |

Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story ) Where stories live. Discover now