Chapter 17 - Iwas

21 0 0
                                    

Chapter 17 - Iwas


Nagising ako ng may maramdaman akong masakit sa bandang ulo ko agad naman akong may narinig na mg yabag na papunta saken kaya agad kong minulat yung dalawa kong mata.

"Anak finally gising kana din."

Napalingon naman ako kay Mama matapos nyang sabihin yon agad namang hinaplos ni Papa yung buhok ko.

Naguguluhan naman ako sa nangyayare ang alam ko ay nasa isang gubat ako at nakikipag laban hanggang sa makita ko si Ethan.....

Pero teka lang, anong ginagawa ko dito sa palasyo? Nasa gubat ako tama hindi ako pwedeng magkamali!!!!!

"Nasa gubat ako, pano akong napunta dito?" agad namang hinawakan ni Papa yung balikat ko kasi nag papanic na talaga ako ngayon.

"Anak kumalma ka, 2 days kang walang malay at ngayon kalang nagkamalay."

Automatic naman akong napahinto ng marinig ko yung sinabi ni Mama, Ibig sabihin 2 days past nung huli kameng makipaglaban ni Ethan? Pero pano, anong nangyare sakanya?

"Inuwi kana ni Miss Jean kasi ikaw lang ang nawalan ng malay sa Last day nyo ng Hiking camping, dinala ka namen agad sa Highest Majesty para magamot ka at ngayon kalang talaga nag kamalay."

Hindi pwede...... "Ethan."

"Sinong Ethan?" agad naman akong napalingon kay Papa matapos nyang itanong yon, shickssss hindi nila pwedeng malaman yon. "Ah wala pa, nagugutom po ako may makakain po ba?"

"Ahh oo wait lang."

Agad namang bumaba si mama at sumunod sakanya si papa agad naman akong tumayo kahit na masakit pa ang mga ibang parte ng katawan ko.

Sumilip ako sa may bintana at nakita kong sobrang dilim ng langit pero walang badya ng ulan, maya-maya lang ay may nakita na akong mga patak ng ulan agad ko namang sinahod yung palad ko at sinalo ko ang iilang butil ng ulan.

"Ethan."

Bumalik na ako sa may kama ko ng bumalik na sila Mama agad ko namang inipitan yung buhok ko susubo na sana ako ng biglang mag tanong si Mama na ikinatigil ko.

"Yung kapareha mo pala Hiking Camping ay ang tagapag-mana ng Advanced Electrokinesis." agad naman akong tumingin kay Mama. "Pano nyo po nalaman Ma?"

"Sinabi saken ni Miss Jean, hindi kaba nya sinaktan?"

Hindi naman ako sumagot, Hindi.... Hindi nya ako sinaktan bagkus sya lagi ang nag liligtas saken twing napapahamak ako mula nung dumating kame sa Venue ng Hiking Camping hanggang sa matapos wala syang ibang ginawa kundi tulungan at isakripisyo ang sarili nya para lang saken.......

Yan ang gusto kong sabihin kay Mama pero parang may pumipigil saken na sabihin yon kaya uminom nalang ako ng tubig at lumunok muna ako ulit bago bumaling kay Mama.

"Hindi ma, hindi naman nya ako ginalaw."

"Mabuti naman, umiwas ka sa lalakeng yon anak kasi pwede kang mapahamak pag kasama mo yunh lalakeng yon napaka delikado ng pamilya nila lalo na ang mga magulang nya kaya lumayo ka sa lalakeng yon iwasan mo sya hangga't maari."

Parang may gusto ng parte ng katawan ko na kwestyunin ang sinabi ni Mama at sabihing hindi totoo yon pero natatakot ako... Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako, hindi para saken kundi para kay Ethan........

"Kilala ko si Alivia, iiwasan nya ang lalakeng yon, dahil alam nyang sya ang tagapag-mana ng Nature Manipulation at sya lang ang inaasahan ng buong palasyo naten." Sabi ni Papa habang nakatingin saken

Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story ) Where stories live. Discover now