Chapter 18 - Luha

20 0 0
                                    

Chapter 18 - Luha

Para akong zombie ngayong naglalakad papunta sa may banyo ko, wala akong tulog totoo yan, hanggang ngayon kasi iniisip ko kung may mali ba akong nagawa sakanya kaya ginaganyan nya ako ngayon.

As far as I know wala naman akong ginawa sakanyang masama ang huling nangyare samen is yung laban nga after non wala na akong maalala.

Dapat hindi pa ako papasok ngayon dahil nararamdaman kong nananakit yung kaliwang braso ko pero papasok paren ako para makausap ko yung lalakeng yon.

Ayaw ko sa lahat yung ganon eh nakakainis iiwasan ako dahil daw sa nandito na kame sa may kaharian hindi naman ata tama yon ah, tyaka ano daw maskara lang daw nya yon at hindi daw sya ang totoong yon? As if naman na maniniwala ako Tss.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na yung uniform ko at hindi ko talaga maiwasan makaramdam ng sakit habang sinusuot ko yunh uniform ko kahit ba nilagyan ko na ito ng band aid masakit paren yung sugat ko buti nga at hindi sya nagdudugo eh kumikirot lang.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako, sinuot ko na yung coat ko para hindi na mapansin nila mama yung braso ko at baka hindi nila ako papasukin pag nakita nilang bigla nalang dumugo yon.

"Oh anak, papasok kana? Magaling kana ba? Wala na bang masakit sa katawan mo ah? Pwede ka namang umabsent muna ulit alam naman ng mga Lecturer mo na hindi ka pa magaling eh." agad naman akong lumapit kay mama at umupo ako sa may upuan. "Okay na ako ma wag kang mag-alala uuwi nalang po ako pag may sumasakit sa mga sugat ko." Liar

Tumango naman si Mama at hinatid na ako sa may karwahe wala si papa ngayon may pinuntahan sya kaya ako lang mag-isa ang papasok.

Tahimik lang ako buong byahe sinadya ko talagang hindi buksan yung bintana para hindi ko makita yung sapa kasi naaalala ko lang yung mokong na yon duon eh.

Siguraduhin nya lang talaga na maayos yung totoong dahilan nya kung bakit nya ako iniiwasan dahil kung hindi aba'y malilintikan talaga sya saken I swear.





Wala pang masyadong tao ng makarating ako sa may School, sinadya ko talagang pumasok ngayon ng maaga para makausap ko sya baka kasi pag late na ako pumasok may makakita samen at makita kame ni Renzo baka makarating kila Mama ayaw ko namang mangyare yon na mapahamak sya.

Dumiretso ako sa may likod pero wala sya duon sunod ko namang pinuntahan ay yung Gym at may naririnig akong nagdi-dribble duon, dahan-dahan ko namang binuksan yung pinto at nakita ko syang nakatalikod habang nakapupunas ng pawis sa mukha nya.

Naka topless sya ngayon, agad naman syang napalingon sa may gawi at ngumiti ako ng tipid sakanya pero wala akong natanggap na isang ngiting tipid manlang galing sakanya, walang emosyong makikita sa mukha nya kaya naman napanguso ako.

"What are you doing here?"

Dahan-dahan naman akong lumapit sakanya at umupo sya sa may bench habang pinupunasan yung pawis nya sa may likod agad ko namang inabot yung kamay ko sakanya kaya naman inangat nya yung tingin nya saken at nangunot yung noo nya.

"Ako na magpupunas sa may likod mo."

Pero parang wala syang narinig inirapan nya lang ako at sya na ang nagpunas ng likod nya napanguso naman ako ng todo at umupo ako sa may tabi nya agad naman syang umusog kaya naman napalingon ako sakanya.

"Ano ba talagang problema mo ah? Nung Hiking Camping lang naman okay pa tayo tapos ngayon ito, kung makaiwas ka kala mo naman may malubha akong sakit na nakakahawa." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan sya, okay lang naman konti lang naman yung estudyanteng napapadaan dito kaya kahit magsisisigaw ako ay walang makakarinig.

Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story ) Where stories live. Discover now