Chapter 13 - 1st Day of Hiking Camping

6 0 0
                                    

Chapter 13 - 1st Day Of Hiking Camping

Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog saken, niyakap ko naman yung Isang unan sa tabi ko at hindi ko pinansin yung yumuyugyog saken.

"Ali gumising kana, ilang oras nalang mag sisimula na ang Hiking Camping." Dinig kong sigaw ni JC

"Mamaya na JC inaantok pa ako." Tulog pa ang diwang sabi ko

"Sige na JC pumunta kana kay Shaun ako ng bahala gumising sa tulog mantika na toh."

Teka ang boses na yon, agad naman akong bumangon sa pag-kakahiga at nakita ko si Ethan na nakasandal sa may Pintuan habang naka cross arm at diretsong Nakatingin saken. "Akala ko hindi kapa Gigising eh, tumayo kana dyan at maligo kung ayaw mong ako ang magpaligo sayo."

Agad ko namang binato sakanya yung yakap-yakap ko na Unan at ang loko tinawanan lang ako inis naman akong tumayo at naglakad Papuntang Banyo.

Panay ang Bilang nya sa labas ng Banyo habang naliligo ako kaya ito ako para akong hindi naligo sa ginawa ko minadali ko lang kasi ultimo pag sasabon at pagsashampoo ko agad ko namang sinuntok ang dibdib nya ng makalabas ako ng banyo.

"Bumaba kana nga duon, nakakasira ka ng umaga." Sigaw ko sakanya pero ang loko tinaasan lang ako ng kilay aba't syempre hindi ako magpapatalo tinaasan ko din sya ng kilay. "Kailangan daw pag bumaba sa may lobby magkasama na yung magka-partner kaya bilisan Mona dyan."

Tinarayan ko naman sya bago ako pumunta sa may bag ko at nangalkal ng maisusuot ko yung Crop top at short nalang sana ang susuotin ko ng bigla nyang ibalik yon sa loob ng bag ko at yung Jogger at Crop top na medyo mahaba ang inabot nya saken.

"Ano ba! Ikaw ba ang magsusuot ah." Singhal ko sakanya

"Bakit Magsu-swimming kaba at ayon ang isusuot mo ah? Challenges ang pupuntahan naten Lexus at hindi beach kaya isuot Mona yan dahil napupuno na ako sayo." Natawa naman ako sa sinabi nya ang tigas din naman pala ng bungo ng Isang toh eh noh. "Ang kapal din ng pag-mu-mukha mo noh, mas napupuno ako sayo ikaw kaya ang madaliin habang naliligo ah."

"Bakit sinabi ko bang madaliin mo ang pag ligo mo ah?"

"Ah talaga lang ah kung hindi kalang nagbilang kanina edi sana maay—

Nagulat naman ako ng bigla nyang takpan yung bibig ko gamit yung kamay nya at tinulak nya ako papasok sa loob ng banyo! Kahit kailan talaga ang lalakeng yon ansarap ilublob ng mukha sa may bowl.

Masama paren ang loob ko ng lumabas ako ng banyo magsasalita sana sya ng ibato ko sakanya yung suot kong rub kanina at nauna na akong lumabas ng room, nakakasira sya ng mood!!!

Naabutan ko naman silang lahat sa may lobby mukhang kame nalang ang hinihintay sila Shaun at JC naman umaarte na parang walang sila kung umarte sila ngayon parang wala lang ganon.

Inirapan ko naman yung katabi ko ng dumating sya magsasalita sana sya ulit ng nauna na akong maglakad narinig ko naman na tinawag pa nya ako pero hindi ako lumingon sakanya, bahala sya dyan.

Agad kameng pumili syempre magkatapat kame ni Ethan lumilingon sya saken pero hindi ko sya nililingon, may Dalawang malaking karwahe ang dumating sabi ni Miss Jean na maghihiwalay muna kameng magpapartner bale sa venue nalang daw makikita-kita.

Magkatabi kame ni JC sa upuan habang sila Shaun at Ethan naman ang magkatabi sa may kabilang Karwahe nauna na kameng umandar at kasunod naman namen sila Nakatingin ako sa may labas ng biglang niyakap ni JC yung kamay nya sa may braso ko.

"Magkaaway ba kayo ni Ethan." Napalingon naman ako sakanya at nangunot naman yung noo ko sa sinabi nya. "Ano namang pinagsasasabi mo dyan."

"Wala lang Alam mo bagay kayong dalawa ni Ethan." Agad naman akong napaubo ng marinig ko yung sinabi agad naman nyang hinagod yung likod ko.

Let's Forget To Who We Are : ( The Magical Love Story ) Where stories live. Discover now