That was two years ago...
Ano? Iinom ka pa? natatawang tanong ni Jace kay Jericho na naka-confine sa ospital.
Bro naman, huwag ka nang mangantiyaw! Pumutok na ngang ulo ko dahil sa pagkakabangga ng kotse ko.
Kasi naman, sobra kang makainom. Parang gusto mo nang ubusin ang lahat ng alak sa mundo. Tapos, nagpilit ka pang mag-drive. Buti na lang at putok lang sa ulo ang napala mo. Kung nagkataong hindi ka naiwasan ng truck driver na iyon, malamang ay sa sementeryo ka pinulot. Buti na lang at sa poste ka nabangga. Anyway, alam na ba ni Susie ang nangyaring aksidente sa iyo.
Hindi pa, ayokong ipaalam. Baka akala nya ay nagpapaawa ako para bumalik sya sa bahay.
Bro, paiiralin mo na naman ang pride mo? Goodness! Kaya ka nga naglasing dahil na-realized mo na hindi mo talaga kayang mabuhay ng wala sya, tapos ay ayaw mong ipaalam sa kanya. If I were you, samantalahin mo na ang pagkakataon na may matindi kang dahilan para magkabalikan kayo.
Napaisip si Jericho.
Sa palagay mo, babalikan nya ako kapag nalaman nya na dahil sa kanya kaya ako naaksidente?
Malamang! Mahal na mahal ka naman ng live-in partner mo! And, matagal na ang pinagsamahan ninyo. Four year relationship, sasayangin mo ba iyon because of your foolish pride?
Kasi naman, nakakasawa na ang pagiging nagger and selosa nya.
Kasi nga insecure sya sa relasyon nyo! Four years na kayo, and yet, you don't do anything to give her an assurance that you love her, that she's the one you really love. If you'll just propose to marry her, at least somehow she know where she stands in your life.
Kung magsalita ka, para bang ikaw iyong tipo ng lalaki na kaya talagang magbigay ng lifetime commitment sa isang babae, ha?
Bahagyang natigilan si Jace, bigla ang pagbalik ng alaala sa kanyang diwa.
No! I can't live without her! Bakit ba pumayag akong mag-break kami? Dapat ay hindi! Oh, God! After one month, why is it just now that I accept that I love her and I'm willing to give commitment on her!
Agad na syang bumaba ng kanyang kotse eksaktong nakahinto sa tapat ng townhouse unit ni Griff. Para lang magulat nang mabasa ang nakalagay na karatula sa labas ng gate.
For sale? Bakit may for sale? Griff! Griff! kasabay nang pagkalabog ni Jace sa gate ay ang pagbu-buzzer.
Ah, excuse me ho, wala na hong nakatira ryan!
Ha? napalingon sya sa may edad na babae na nasa kabilang unit. Ano hong wala nang nakatira?
May two weeks nang nakakaalis iyong dalagang nakatira dyan. Balita ko ay nagpunta na sa US. Broker na lang ang may hawak sa pag-aasikaso sa pagbebenta ng unit na iyan. Teka, balak mo bang bilhin?
Ah. Umalis na ho sya?
Oo. Marami na ring buyer ang tumingin sa unit na yan. Talagang hindi na babalik ang dating nakatira dyan.
Tila bumagsak ang langit at lupa kay Jace sa mga sandaling iyon.
Hoy!
Ha? napakurap pa si Jace nang marinig ang boses ni Jericho. Ano kamo?
Damn! What's your problem at tulala ka? It's me who's problematic dahil sa magulo naming relasyon ni Susie, sasabay ka pa?
Ah, sorry! Anyway, I think I have to go. Babalik na lang ako bukas, ha!
Ha? O, sige! Ingat ka sa pagda-drive.
Ako pang sinabihan mo nyan, ikaw nga itong nabangga. Sige na, alis na ako! Call Susie para dalawin ka at ng may magbantay sa'yo! I'm sure, kapag nalaman nya na naaksidente ka, magmamadali iyon sa pagdalaw sa'yo!
Talaga? Sa tingin mo, gagawin nya iyon?
Oo naman! O, sige na, alis na ako!
Okay!
Hay, kung bakit kasi ayaw pang pakasalan si Susie, hindi naman pala nya kayang wala ang babaeng iyon sa kanyang buhay. I hope he won't continue the same mistake na nagawa ko at-
Natigilan si Jace sa pag-iisip ng may mahagip ng tingin sa dulo ng pasilyo kung saan naroon ang ER.
Griff? Napatigil sya sa paglalakad at minukhaan ang babaeng nagtatakbo sa hallway papunta sa pharmacy na nasa harap ng ER. Griff! Oh God! It's really her!
Kabadong binilisan nya ang paglakad nya para makalapit agad dito.
Griff!
Ha? Jace!
Hi! Bakit narito ka sa ospital? Are you sick? You look so upset! He holds her hand. At nanlalamig ka!
BINABASA MO ANG
Getting Over You
RomanceNo commitments, no strings attached, ganoon ang set-up nila nang hayaang manaig ang malakas na attractiong nadarama para sa isa't isa. And everything seems all right. Dama nila ang compatibility sa isa't isa. Nagsimula lang silang maalerto ng makara...