Chapter XV

689 11 2
                                    

Ah, litong napatingin si Griff sa ER. My baby nasa loob.

Ha? May anak ka na?

Oo, may lagnat sya at nasa loob ng ER! Dadalhin ko nga itong dextrose na ilalagay sa kanya. Excuse me, ha!

Sandali-

But Griff already entered the ER.

Griff, walang nagawa si Jace kundi sundan ito ng tingin.

May anak na sya, may asawa na sya? tila may sumapak sa kanya sa isiping iyon. And I thought na ayaw nyang makipagrelasyon ng permanente. She hates commitments, like me. But why she get married?

Ganunman, hindi naman magawang umalis ni Jace sa harap ng pinto ng ER. He want to wait for Griff. He want to ask an explanation from her.

But what is his right to ask for her explanation?

He glanced on the glass made door of the ER.

Isang bata na nasa 2 years old ang nakahiga sa hospital bed, sinusuri ng mga doctor at nurses ang kalagayan nito, habang si Griff na nakatayo sa tabi ng higaan ay teary eye at tense na tense ang itsura.

Magulo ang buhok ng dalaga, bahagyang hapis ang mukha, but in his eyes, she's beautiful as ever.

Kawawa naman sya! Nasaan kaya ang kanyang asawa? Sino kayang kasama nya?

Wala sa loob na pumunta sya papasok ng ER.

Ah, Sir, may patient po ba kayo rito? Bawal ho kasi ang-

Kasama ko sya! turo nya kay Griff.

Ah, okay ho! umalis na sa daraanan nya ang nurse. Itinuloy nya ang paglapit kay Griff.

Griff, are you all right?

Jace!

Sshh, it's okay, ha! Again he reached for her hand to hold and look at the kid lying on the hospital bed, crying while the dextrose is on his hand.

Jace, ang baby ko! May dengue raw!

Ha! Okay, ginagamot na naman sya ng ma doctor o, tahan na!

Napahikbi si Griff.

Kasi, delikado ang sakit na iyon, hindi ba?

Kapag naagapan naman ay hindi. Let's pray for him na lang, ha?

Your husband was right, Misis, the doctor said.

Ho?

Don't worry, wala pa naman talaga sa critical condition ang baby ninyo. Ngayong nalagyan na sya ng dextrose at nga gamot, he will be all right, okay!

Talaga ho, Doc? She said.

Yeah, so, relax, ha!

Did you hear that, ha? Calm down, okay! He said to Griff.

Ah, salamat.

Naiwan sya sa US, sabi ni Griff na bahagyang naging mailap ang mga mata. Umuwi lang naman kami ng anak ko para ayusin ang ilang properties ko na naiwan.

Kahit na. Dapat sinamahan ka rito ng asawa mo. Maliit pa ang baby nyo. Look, ikaw lang pala mag-isa ang kasama nya sa bahay, nataranta ka tuloy ng tumirik sa lagnat ang mga mata ng bata. Bakit kasi hindi ka kumuha ng yaya?

Sandali nga lang kami rito. Isa pa, mabait naman si Michael, hindi iyakin at hindi malikot.

Nagkataon nga lang na nakagat ng lamok kaya nagkasakit.

Jace sighed and took a glance on the boy sleeping on the hospital bed.

Your baby is cute, and adorable. He looks kind. Especially when his sleeping like that, Jace said, while he felt a soft spot (a/n: lukso ng dugo) upon looking on the kid.

Ah, oo, mabait sya, hindi makulit. By the way, why are you here in the hospital?

Oo nga pala, do you remember Jericho, iyong live-in partner ng bestfriend mong si Susie?

Oo naman. Bakit?

He's here. He met an accident last night while driving drunk.

Talaga? Nariyan ba si Susie? I mean, sila pa ba? Wala na rin akong balita sa kanya since I left.

Oo, sila pa sana, kaso nagkaroon ng maliit na tampuhan kaya naghiwalay. But I think maaayos din iyon. I'm not sure kung darating sya kapag nalamang naaksidente ang boyfriend nya.

Ganun ba? Kapag okay na si Michael, dadalawin ko si Jericho para makapagtanong ako tungkol kay Susie. Anyway, thank you, ha! Kahit paano nabawasan ang nerbyos ko kanina habang nasa ER tayo.

Wala iyon, okay lang.

Thank you pa rin. Anyway, you can leave now! Okay na kami rito ng anak ko. Mahimbing na ang tulog nya at kahit paano ay umiipekto na ang mga gamot na nakalagay sa dextrose nya. Kahit paano ay mapapahinga ako at-

No, I want to stay for a while.

Ha? Pero-

Hindi pa sinasabi ng doctor na fully stable na sya, so, I'll stay. Baby pa ang anak mo, malikot. Baka kapag may ipinabiling gamot sa iyo ang nurse ay magising sya at mahulog sa kama.

Pero-

Ang mabuti pa, mahiga ka na muna dyan sa spare bed, ako na muna ang magbabantay sa bata.

Getting Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon