CHAPTER 1: ANG SIMULA

43 2 0
                                    


Vhivienne's P.O.V



Hindi ako makapaniwala na hindi nanaman nila tinanggap yung yung alok ko kila mama at papa na sabay sabay kaming mag brebreakfast ngayon.



Dahil maaga daw sila ngayon kasi marami raw silang gagawin sa company.Sino ba talaga ang anak nila ako o yung company.Nakakainis naman sila palagi nalang silang ganyan saakin.





Nakakatampo na ah.Mas mahalaga ba yung company kaysa saakin?Bakit kase nag anak pa sila kung hindi rin naman nila ako bibigyan ng atensyon all this years si Yaya Dhalia nalang ang kasa kasama ko.




Ano pa ba kasing ginagawa nila sa company....Minsan talaga iniisip ko na mas mahalaga sa kanila ang magkaroon ng madaming pera at yun nalang ang anak nila at iniisip ko rin minsan na pupunta ako dun at magdadala ng gas at posporo para sunugin na lahat ng mga gamit doon pati narin building para wala na akong kaagaw pa sa atensyon nila



Araw araw ko nalang ginugugol ang sarili ko sa pagsusulat ng mga kwento tulad ng Fantasy,  Mystery, Romance at kung ano ano pa minsan nga nagsa suggest pa yung mga readers ko ng Romance na may mahabang t**t yung lalaki napaka grabi talaga ang mga pag iisip nila gagawin ba naman akong p*rn writer.



Nabaling naman ang atensyon ko sa libro ko ngayon na dito ko mismo sinusulat yung gusto kong kwento ng buhay ko hindi pa kase kompleto masyado kase akong nagfocus ngayon sa isa pang libro dahil utos ito ng producer sa isang gagawing pilikula kaya isinantabi ko muna itong kwento ko siguro dadag dagan ko nalang pag may oras ako nakarami narin naman ako mga sampung pages




I love writing...hobby ko na ito simula pagkabata gusto ko kaseng maipakita sa mga magulang ko ang husay ko sa pagsusulat pero sad to say hindi nila yun nakikita o napapansin manlang




Nagsusulat rin ako hindi lang dahil para maipakita ko ang kakayahan ko.Nagsusulat ako para kumita ng sarili kong pera.Para hindi naman ako aasa sa pera nila mama at papa




Natapos narin naman ako sa pag aaral maaga kase akong nagsimulang mag aral kaya maaga rin akong natapos




Anak kakain na”





Opo nay” pag sang ayon ko naman kay Yaya Dahlia Nanay na kase ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko na natatawag na mama si mama kase nga naman wala na syang time saakin ni hindi ko na ata memorise pagmumuka nya pati narin si papa pero hahayaan mo nalang sila doon sila masaya eh hahadlangan kopa ba baka kase pag ginawa ko yun baka tuluyan na nila akong kalimutan




Nagsusulat kananaman ba ng kwento ng buhay mo?Tanong naman saakin ni nanay umiling naman ako bilang sagot




Hindi kopa po muna itutuloy dahil ako po kase yung napili na writer para magsulat sa gagawing pilikula” paliwanag ko naman kay nanay




Naku magandang balita yan gusto mo bang sabihin ko yan sa mga magulang mo?” Napayuko naman ako dahil alam ko namang wala nanaman silang time sa akin



Wag nalang po muna..Nay sige po itutuloy konapo ang sinusulat ko” paalam ko naman kay nanay kaya tumango nalang sya.Tapos narin naman ako kumain kaya itutuloy ko nalang itong ainusulat ko baka bawiin pa ng producer ang sinabi nyang ako magsusulat sayang naman

———**———

Ilang oras rin ay malapit ko ng matapos ang kwento nato mahirap sya kase may action scenes ang ginawa ko.Siguro bukas ko nalang itutuloy ito marami pa namang araw para maipasa ko itong ginawa ko kaya sana i approve ni Direk



Magpapahinga nalang muna ako hanggang dalawin na ako ng antok


Yaya Dhalia's P.O.V

Hay naku tong batang to palagi nalang nakatutok sa computer at sa printer hindi na nya naaalagaan ang katawan nya mabuti nalamang at napipilit ko pa syang kumain



Hayaan mo anak darating din ang araw na makakakuha karin ng atensyon at lahat ng hiling mo ay matutupad” bulong ko naman habang nakatangin sa kanya



Goodnight anak” paalam ko naman sa kanya sabay labas ng kanyang kwarto



Pagdating ko sa sala ay nakita kong makalat kaya nilinis ko nalang yung mga dumi at hindi pinakailaman ang kanyang mga gamit kase pag isang beses mong pinakailaman ang kanyang mga gamit ay magagalit yan dahil nakalimutan na nya daw kung saan nya nilagay yung iba pa

*bzzzt*bzzztt*

Napalingon naman ako sa tabi ng sofa dahil naroon ang telepono.Dali dali ko namang sinagot ang tawag at ang mga magulang pala ni Vienne ang tumatawag



Hello ma'am” pagsagot ko naman sa tawag



Yaya pasensya na at hindi muna kami makaka uwi ikaw munang bahala dyan okay....byeepagkatapos nyang sabihin yan ay pinatay nya kaagad



Naaawa ako kay Vienne dahil hindi manlang sya kinamusta ng kanyang magulang napaka walang kwenta nilang magulang siguro magsisisi rin ang mga ito kapag mismong anak na nila ang makakalimot sa kanila.....hay mga tao nga naman nagbabago dahil sa pera at kayamanan..May pera nga sila hindi naman masaya ang pamilya nila anong kwenta ng pera mo kung mismong pamilya mo naman ay napakawalang kwenta hayy naku makatulog na ngalang at mamamalengke pa ako bukas



Nakaka awang bata...

——**——

Vhivienne: Pronounce it as Viv-yen

Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon