CHAPTER 12: WAR NUMBER 2

11 2 0
                                    

As usual maaga ulit akong nagising dahil may nambulabog ulit saakin.Nag aaya kase yung pinsan kong pumunta ng mall.Tatanggihan ko sana dahil sa araw araw nalang akong nagpupunta dun pero dahil sa mapilit si Sean ay pumayag nalang ako

Habang ako'y nag aayos naisip kong tawagan si kate para sumama rin saamin.At sigurado ako kapag magkasama ulit sila ay gaganda ang araw ko dahil magbabangayan ulit sila ni Sean.Napatawa nalang ako ng kaunti dahil sa aking mga naiisip


Pagkatapos kong mag ayos ay dinial ko ang number ni kate na agad nya namang sinagot ang sinabi ko sa kanya ay pupunta kami ng mall dahil may bibilhin ako at hintayin nalang nya ako sa entrance ng mall na kaagad nya namang sinagot ng oo


Pagkatapos kong patayin ang tawag ay bumaba na ako.Naabutan ko naman dun si Sean na nagseselpon maybpangiti ngiti pa siguro may girlfriend nato at hindi nya lang sinasabi.Sayang naman yung chemistry nila ni kate


“Hoyy tara na...Ikaw pinsan ah may pangiti ngiti kapa dyan ah siguro may girlfriend kana no?”pang aasar ko naman sa kanya


“Anong girlfriend..Wala akong girlfriend kaya ako ngumingiti dahil nagbabasa ako ng memes okay”pagdadahilan nya naman saakin


Pagkalabas namin ay nagpaalam na kami kay nanay na abalang nagdidilig ng mga halaman ngumiti naman ito saamin kaya nginitian rin namin.Ansaya saya nani nanay hindi katulad nung nawala si tatay parang pinagsakluban ng langit at lupa yung itsura pero ngayon parang mapupunit nayung bibig nya dahil sa kakangiti



Yung kotse ko nalang ang ginamit namin dahil ayaw ni Sean na gamitin yung kotse nya dahil daw baka marurumihan.Katataposlang kasing umulan kagabi kaya ayun ayaw nyang maputikan yung kotse nya



Pagkarating namin sa mall ay nagparking muna kami.Pagkatapos naming nagparking ay dumiretsyo na kami sa entrance kung saan natatanaw kona si kate.Pagkakita nya saakin ay kumaway sya pero binaba rin nya kaagad nung napansin nyang may kasama ako


“Bff bakit kasama yan?”nakakunot noong sabi ni kate habang tinuturo si Sean na ngayon ay nakakunot rin ang noo

“Diba dapat ako magtanong nyan?...Bakit sya nandito Vein?”napangiti nalang ako ng pilit sabay kamot sa ulo na talagang makati naman


“Hoyy hindi ikaw yung kinakausap ko okay si Vienne yun ang bff ko okay”ayan na ayan na magsisimula na sila


“Tsk..tara nanga”pag aaya ko naman sa kanila sa loob at agad ko silang inakbayan pareho


“Kain muna tayo nagugutom na ako eh”pag aaya ko ulit sa kanila para saakin mabaling yung atensyon nila.Yung atensyon kasi nila nasa isa't isa at nagbibigayan sila ng masamang titig.Bigyan kona kaya sila ng kutsilyo para magpatayan na sila


“Bakit kaba kase nandito?”taas kilay namang tanong ni kate kay Sean


“Syempre ako nag aya kay Vein na mag mall...Bakit ikaw bakit ka nandito?.siguro sinusundan mo ako noh?..Kase crush mo ako”pang aasar naman ni Sean kay kate na halatang namumula na ngayon sa inis ba o galit o dikaya sa kilig



“Hoyy ang kapal kapal naman ng muka mo noh?...Hindi kita type kaya hindi kita magiging crush!”



“Okay kung hindi mo ako crush ibig sabihin mahal mo na ako noh?..umamin kana...tatanggapin ko kung mahal mo ako”proud namang sabi ni Sean habang tinititigan nya si Kate na ngayon ay pulang pula na


“Assumero! yaks ka hindi kita mahal”sambit naman ni kate habang si sean naman ay umaktong nasasaktan


Hindi paba sila matatapos dyan nagugutom na kase ako.Kasalanan korin naman dahil hindi ako kumain ng umagahan



“Hindi ako nag aassume sadyang nagsasabi lang ako ng totoo”mahinahon namang sabi ni Sean habang patuloy na tinititigan si Kate


“Edi wow nakakadiri yang mga pinagsasabi mo pawang mga walang katotohanan!”kanina binabara nya mga pinagsasabi ni Sean ngayon naman todo deny na sya



“Mahloves wag mo namang ideny yung feelings mo saakin”nagmamakaawang sabi naman ni sean napansin ko namang may mga taong nanonood sa kanila.Kaya pala ganyan pinagsasabi ni sean



“A-ano bang pinagsasabi mo?!”nauutal namang sabi ni kate habang tinitingnan yung mga tao sa paligid nila.Napansin ko namang lumuhod si sean sa harapan nya na nakapagpagulat kay kate



“Hoyy tumayo kananga bwisit nato bahala ka dyan!bitawan moko”

“Mahloves”



“Patawarin mo na kase kung may nagawa man syang kasalanan”





“Oo nga sayang naman kung magkakahiwalay kayo bagay panaman kayo”




“Patawarin mo na kawawa naman”




“Oo na pi-pinapatawad n-na kita”pilit namang ngumiti si kate habang pinapatayo si sean mula sa pagkakaluhod..Napansin ko namang umalis narin yung mga tao


“Bwisit kang lalaki ka!”singhal naman ni kate at pinagbabatukan si sean na tawa ng tawa.Habang ako naman dito ay nalalanta na dahil nagugutom na talaga ako


“Aray aray grabe amazona ka tala—ouchhh!!!”natatawang sabi naman ni Sean na patuloy parin syang pinagpapalo ni kate



“G-guys mamaya nayan kain muna tayo”nanghihina ko namang sabi sa kanila kumukulog na talaga tyan ko.At sa wakas naman pinansin na nila ako




“Ikaw kase eh kasalanan mo to!”tang'na ako na ngalang mag isa ang kakain bahala sila




“Sundan nyo nalang ako sa restaurant na pinagkainan natin kate..mauuna na ako”paalam ko naman sa kanila napansin ko namang sumunod sila saakin




Pagka order namin ay dumating na kaagad yung order namin at hindi pamandin kami nagsisimulang kumain ay nagsimula na ulit silang magbangayan





“Akin yan umorder ka ng sayo”sambit ni kate habang inaagaw yung fries vegetable salad na kinuha sa kanya ni Sean




“Kadamot mo”nakanguso namang sabi ni Sean at tinawag nya yung waitress para umorder.Ilang segundo rin ang nakalipas nung dumating nayung inorder nyang vegetable salad




“Walang originality”rinig ko namang bulong ni kate kay sean



“Eh diba ikaw nga nagsabi na umorder ako ng saakin kaya ako umorder”bulong rin naman pabalik ni sean kay kate.Pinabayaan ko nalang sila sa kanilang pagbabangayan dahil talagang nagugutom na ako



Pagkatapos naming kumain naglibot libot kami at bumili sila ng kung ano ano.At patuloy parin silang nagbabangayan hindi paba sila tapos sa pagbabangayan.Habang ako sunod ng sunod lang sa kanila sayang naman kase yung pera kung bibili ka ng hindi mo naman kakaylanganin katulad ni kate bumili ng pagka dami daming skin care at mga make up kit pero gagawin rin lang naman pala nyang slime








Pagkatapos naming maglibot libot ay nagpunta na kami sa counter para magbayad na sila.At talagang hindi parin sila tumitigil sa pagbabangayan



“Hindi paba kayo tapos sa pagsasagutan?”bored kong tanong sa kanila pagkatapos nilang magbayad ng mga pinamili nila




Nagkatinginan naman sila sabay umiwas ng tingin.Umalis na kami sa mall at nag si uwi na baka kase pag hindi pa kami umuwi magbabangayan at magbabangayan parin sila



Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon