CHAPTER 5: THE ENCHANTED DOOR

21 3 0
                                    





Vhivienne's P.O.V





Maaga akong gumising dahil ayaw kong malate sa pag uusapan namin ni Mr.Eury dahil baka kapag nalate ako ulit ay mauunahan nanaman ako ng kung sino nanaman





Nga pala Now Showing nayung pilikula ng Wonder Entertainment.Yung trailer naman maganda naman ang kaso taglish yung mga sinasabi.Ano pa ngaba ang aasahan ko eh taglish naman yung gumawa ng script.At hindi ko lubos maisip na tinanggap iyon ng Direktor




Hindi naman ako nanghihinayang dahil lamang sa hindi tinanggap ang gawa ko kung hindi nanghihinayang lang ako sa dami ng coupon bond na nagamit ko.Sayang kaya lahat ng coupon bond gumastos pa naman ako ng madami para lang magawa ko yung script tapos ganun ganun nalang.Hindi naman ako galit sa kanila.Naiinis lang




Pero atleast thankful parin ako kay Clown at sa Direktor dahil kung hindi nila ako pinaalis dun malamang wala ngayon akong matatanggap na mas magandang oportunidad sa pinakasikat na kompanya sa buong mundo.Basta wag ko nalang isipin ang mga nakakapag pa stress sa akin ang isipin ko muna ngayon ay kung ano ang pag uusapan namin ngayon ni Mr.Eury




Dali dali naman akong nag ayos ng aking sarili at bumaba na nakita ko naman dun si nanay na nagluluto ng breakfast




“Nay goodmorning!” nakangiti ko namang bati sa kanya





“Oh anak aalis ka ulit?...Ah nga pala naka alis na yung ibang kasambahay” tumango naman ako sa sinabi nya




Nagpaalam narin ako sa kanya ayaw pa sana nya akong paalisin dahil hindi pa ako nakaka pag breakfast.Ewan koba hindi ko trip kumain ng umagahan.Alam ko rin naman na ang The most important meal of the day ay ang breakfast pero.Ayaw ko talaga kumain pag umaga




Isang oras rin ang nakalilipas nung nakarating ako sa Solar Entertainment.Pag pasok ko palang ay binati na ako ng guard na naka tuxedo kahapon pero napansin ko hindi na tuxedo ang uniform nya ngayon.Dahil naka Amerikana na sya ngayon at Men in Black ang trip ni kuya





“Wag mong sabihin kuya na pati yang suot mo ngayon uniform nyo rin?”tanong ko naman kay kuya guard pero wala manlang akong natanggap na sagot mula sa kanya napipi naba sya




“Huyy kuya..Bakit dika nagsasalita?”




“Eh kase ma'am ang sabi nyo ay wag kong sabihin kaya hindi ko sinabi” ahhh ganun




“Okay...sige kuya tutuloy na ako” paalam ko naman sa kanya at nag bow naman sya saakin wow napaka magalang naman nya






“Good morning ate”bati ko naman sa babaeng kausap ko kahapon sya yung nagsabi saakin na hintayin ko si Mr.Lax





“Goodmorning ma'am alam ko napo kung anong ginagawa nyo dito at gaya nga po ng sinabi ko kahapon pakihintay nalang po si Mr.Lax” ay napaka updated naman nila dahil alam na agad nila kung ano ang ipinunta ko dito





“Ms.Rodriguez let's go”ay kauupo kopalang andito na kaagad si Mr.Lax




Sumunod naman ako sa kanya at gaya nga ng nangyari kahapon fourteen floor ang nalagpasan namin





*ting*





“Mr.Eury nandito napo sya”



“Papasukin mo na sya”rinig ko namang sabi ni Mr.Eury



Pumasok naman na ako at umalis narin si Mr.Lax




Mr.Mercury's (Eury) P.O.V




Pala isipan parin saakin ang nakita ko kahapon.How did she notice na may pinto roon.Nasa pinakasulok naman ito ng aking opisina.Anong meron sa kanya at napakadali lang sa kanya na makita ang pintong iyon




Sya naba ang susunod?..Sya naba ang tatapos sa sinimulan namin o mauulit muli ang nangyari saamin ng aking pinakamamahal



*ting*



Napatingin naman ako sa pinto ng magbukas yun at nakita ko si Lax





“Mr.Eury nandito napo sya”





*sigh*Papasukin mo na sya” hindi ko alam pero parang may ibang meaning ang sinabi ko.Pero hahayaan ko nalang dahil hindi nayun mapapansin pa ni Lax




“Goodmorning po”bati nito saakin kaya binati korin sya



“Didiretsyohin na kita”




“Po?”




“I mean hindi na ako magpaligoy ligoy pa may itatanong lang ako sayo”gusto kong malaman kung paano nya yun nakita



Vhivienne's P.O.V




“Ano po yun?” hindi ko alam pero bakit bigla akong kinabahan sa itatanong ni Mr.Eury



“Nais kolang malaman kung bakit at paano mo nakita ang pinto” huh?anong pinto ang tinutukoy ni Mr.Eury yung pinto ba nya na may password




“Anong pinto po?”kinakabahan man ako ay nanatili paring kalmado ang aking boses



“Yung pinto sa pinakasulok ng opisinang ito” ahh ang tinutukoy nyabang pinto ay yung nakita ko kahapon na magandang pinto at may nakasabit sabit na sanga ng halaman




“Bakit po may problema po ba?” napansin ko namang bumuntong hininga sya bago sumagot sa aking tanong




“Wala...Alam mo bang isa yung Enchanted Door at tanging ako at ang pinakamamahal ko lang ang may kakayahang makakita sa pintong iyon” kung sila lang ng pinakamamahal nya ang nakakakita bakit pati ako nakikita yun?..Hindi naman pwedeng ako ang mahal nya dahil ngayon lang ako nakalapit sa kanya




Matagal ko nang kilala si Mr.Eury dahil isa itong tanyag na Direktor sa buong mundo pero kahit ni katiting man ay hindi kami nagkaroon ng relasyon sa isa't isa




“Ngunit sa kasamaang palad ay nawala na sa akin ang aking pinakamamahal” nalungkot naman ako sa narinig ko hindi ko lubos maisip na kahit isa kang successful sa buhay may mga problema karin namang dinadanas katulad ko mayaman nga ako kaso mahirap naman sa pagmamahal ng mga magulang ko





“Ano pong nangyrai sa kanya?”Nako curious kase ako





“Sacrifice” maikli man ang sinabi ni Mr.Eury ay may malaking meaning naman ito





“Anong klaseng sacrifice?” Gusto ko rin kaseng malaman baka may kinalaman kase ito sa pintong tinutukoy nya




“Kung mamarapatin nyo lang po sana...Maaari nyo po bang ikwento saakin kung ano pong nangyari”sana pumayag sya alam kong bawal manghimasok sa problema ng iba pero parang may nag uudyok kase saakin na malaman ang mga nangyari kay Mr.Eury




“Pinagkakatiwalaan kita kaya sana wag mong sayangin ang tiwala ko sayo lalo na't nakita mo ang pintong iyon” tumango naman ako at nag ayos ng upo





Hindi pamandin ikinekwento ni Mr.Eury ay bigla akong nakaramdam ng iba hindi ko alam.Basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung excitement?, Nervous?, basta ewan ko






“The truth is...hindi talaga ako nanggaling sa mundong ito...dahil isa lamang akong kathang isip...na tinatawag na Fictional Character”

Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon