CHAPTER 6: MR.EURY'S PAST LIFE

21 4 0
                                    


Ibig sabihin hindi sya totoo pero paano sya nabubuhay ngayon rito?




“Kung iniisip mong hindi ako tao..Nagkakamali ka simula nung isakripisyo ng mahal ko ang aking buhay dun na ako nabuhay na parang normal na tao”sambit naman nya.Habang mababakas parin sa kanyang irsura na masakit sa kanya ang mga nangyari sa kanyang buhay



Paano po kayo nabubuhay ngayon?...Naguguluhan po ako”pagkatapos ko syang tanongin ay ngumiti lang sya saakin




Mr.Eury's P.O.V





*history*


Nandito ako ngayon sa isa mga upuan dito habang pinagmamasdan ko ang babaeng yun.Sa tuwing nakikita ko sya naaawa ako sa kanya





Naaawa ako dahil hindi manlang mapagbigyan ang hiling nya.Ang hiling nya na sana ay magkaroon sya ng atensyon sa kanyang mga magulang.Aaminin ko humahanga ako sa kanya dahil sa kanyang tapang at tatag kahit na malungkot ang kanyang buhay




Humingi ako ng tulong sa isang Engkanto mas kilala sa tawag na Fairy Fairliya isa syang diwata na may angking kakayahan na tumupad ng kahit anumang mga hiling na kahit anoman ang iyong naisin ngunit sabi saakin ng diwata ay tanging totoong totoong tao lamang ang may kakayahang humiling sa kanya at hindi isang katulad kong kathang isip lamang




Nang dumating ang mga araw.Ito ay araw kung saan ang ikalabing walong kaarawan ng babaeng aking iniirog.Hindi ko inaasahan ang nangyari sya ay humiling at ito'y pinagbigyan ng diwata binuhay nya ako dahil ito ang kanyang hiling, hiling na sana ay magkaroon sya ng makakasama na magmamahal sa kanya.Sobrang nagagalak ako noon dahil hindi ko lubos akalain na makakasama ko na ang aking iniirog




Ngunit paalala saakin ng diwata na nabubuhay lamang ako sa kwentong binuo ng aking minamahal sa sandaling mapunit o masunog man ang libro ako'y mapapahamak.Lumalakas ako at sumisigla araw araw sa tuwing itinutuloy nya ang kwento kung saan ang buhay ko.Sa libro ako kumukuha ng lakas.Habang tumatagal narin ay mahal na mahal nanamin ang isa't isa




Hanggang isang araw ang pinakamasakit na araw saakin kung saan ako ay tuluyan ng mamamaalam sa kanya.Masakit man sa aking damdamin na iwanan sya ay wala akong magagawa.Sinubukan nyang humiling muli sa diwata.Oo nakikita nya ang diwata.Dahil sa oras na makita mo ang pinto kung saan ang daan papunta sa kaharian ng diwata ay hindi malabong makita morin ito.




Humingi sya ng tulong hiniling nya na sana ay mabigyan muli ako ng buhay ngunit sa kasamaang palad ay hindi na sya napagbigyan.Dahil ang kapangyarihan ng diwata ay minsan lang sa isang henerasyon nagagamit ito.Tinanong nya kung ano ang maaari pang gawin para mabuhay muli ako.Ngunit laking gulat nya ang sinabi sa kanya ng diwata na tanging isang buhay ng totoong tao lamang ang makakapagbigay ng buhay saakin ng walang hanggan


At nung nabuhay na muli ako ay hinanap ko sya kung saan man sya nagpunta ngunit nalungkot nalang ako ng sinabi ng diwata saakin na isinakripisyo nya ang kanyang sariling buhay para lang mabuhay ako na parang normal na tao

Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon