CHAPTER 16: WHO ARE YOU?

8 4 0
                                    

Kanina pa ako dito nagtatago sa likod ng vase nung may narinig akong kalampag sa baba bale ako palang yung nakagising dahil alas kwatro palang ng umaga at paniguradong tulog pa sila nanay




Kanina kase habang natutulog ako ay bigla akong nagising dahil sa kalampag na nasa baba at nagmumula ito sa kusina.Gusto ko sanang lapitan ngunit nanginginig ako sa pag aakalang mga magnanakaw ang nag iingay sa kusina




Ngunit nagpasya akong silipin kung ano ang nangyayari kaya mabilis kong kinuha ang isang vase dito sa sala na malapit saakin.Dali dali akong lumapit habang sa nakalapit na ako at sinilip kung ano o sino ang taong mapangahas na pumasok dito sa pamamahay ko




Nakita ko ang isang pigura ng lalaki na wala kahit isang saplot sa katawan.Aalis na sana ako nang may masagi akong karton malapit saakin.Napatakip naman ako ng bibig dahil sa biglang lumingon ang lalaki hindi ko maaninag ang muka nito dahil medyo inaantok pa ako





Nang napansin kong sa ref nasya nakatingin ay hindi na ako nag abala pang sugurin sya.Ipapalo ko na sana sa ulo nya yung vase ngunit nakailag sya at tumingin saakin




Bigla naman akong napatingin sa kanyang katawan dahil sa wala nga syang ni isang saplot at ngayon ay naka expose sa aking harapan ang napakahabang ano ba itong iniisip ko






“A-anong ginagawa mo dito? P-paano ka nakapasok dito ah?”ramdam kong parang lahat ng dugo ko ay umakyat na sa muka ko.“Dahil hiniling mo”maikli nyang sabi na nakapag pakunot ng aking noo.Hiniling ko? Ako? Ano bang pinagsasabi nito?






“Ano bang pinagsasabi mo?”naguguluhan ko paring tanong sakanya.“Kung hindi mo natatandaan.Ipapaalala ko sayo kagabi lang naman ay umiyak ka at sumigaw ng sumigaw hanggang sa humiling ka na sana may dumating na isang taong magmamahal sayo at ito nanga ako”sambit nya na nakapag pagulat saakin ibig sabihin nagkatotoo nga ang hiniling ko..At sya yung taong Oh May Ghad




“Wag ka ngang magbiro”pagsusungit ko sa kanya.“Hindi ako nagbibiro nagsasabi ako ng totoo”seryosong sabi nya habang kumakain ng tirang pagkain na naiwan





Ibig sabihin ba neto ay nangyari rin saakin ang nangyari kay Mr.Eury ibig sabihin itong kaharao ko ngayon ay hindi pa totally totoong tao






“Umalis kana”itinulak ko naman sya patungo sa pinto ngunit hindi sya nagpatinag.“Dito na ako titira dahil dito ka nakatira, pagkain mo pagkain ko,inumin mo inumin ko,  kwarto mo kwarto ko”seryosong saad nya




Napabuntong hininga nalang ako at inaya sya sa taas para mabigyan ng damit.Kumuha muna ako ng isang kurtina dito para matakpan nya muna yung ano nyang mahab— basta







Inaya ko sya sa kwarto ni papa para makasuot sya ng panlalaking damit at hindi pambabae sayang naman kase yung muka nya at pangangatawan kung pambabae naman yung isusuot nya





Perfect na perfect pa naman.Merong syang mala adonis na pangangatawan may eight pack abs may pointed nose perfect jawline, perfect kissable lips, perfect eyes and eyelashes grabe tinalo na nya ata ako






“Tara na matulog na tayo”pag aaya nya naman saakin patungo sa kwarto ko ngunit pinigilan ko sya.“Nababaliw kanaba siguradong makikita tayo ni nanay pag nag umaga na nanasa iisang kwarto lang ni hindi nga kita kilala nababaliw kana ata”saan ko naman to dadalhin mukang ayaw nya naman kaseng umalis.Eh kung tawagan ko kaya si Mr.Eury siguradong alam nya kung ano ang gagawin




“Ano yang hawak mo? makakain bayan?”inilayo ko naman sa kanya ang cellphone hawak ko dahil balak nya itong hablotin saakin.“Cellphone tawag dito okay tsaka tatawagan ko lang si Mr.Eury para alam ko ang gagawin sayo okay at isa pa hindi to pwedeng kainin”pagpapaliwanag ko naman sa kanya




Idinial kona ang number ni Mr.Eury na agad nyang sinagot.“[Napatawag ka Ms.Rodriguez]”sambit nya na halatang kagigising lang.“Mr.Eury kase ano eh may lalaki dito biglang sumulpot tapos sinasabi nyang sya ang bunga ng hiling ko tingin kopo kauri mo sya”saad ko habang tinitingnan yung lalaki na ngayon ay manghang mangha sa higaan





“[Tama nga ako naganap nanga...ang gawin mo simulan mo na ang kwento na pinapagawa ko sayo at isulat na matulog na sya dahil kapag yan hindi pa nakatulog sa oras manghihina yan]”saad nya kaya nagpaalam na ako at pinatay ang tawag naghanap naman ako ng isang librong walang sulat at napansin kong sumusunod sya saakin





“Bakit moba ako sinusundan?”iritang tanong ko sa kanya.“Kahit saan ka pumunta nandun ako”seryosong paliwanag nya napairap nalang ako at ipinagpatuloy ang paghahanap.Nang makahanap na ako ay sinimulan kona nagsimula ako nung una ko syang nakita at isinulat na matulog na sya





At nagtagumpay nga ako dahil may naramdaman akong biglang sumalampak sa sahig napatingin naman ako at tulog na tulog na ito.“Bakit hindi ko kase isinulat na matulog sya sa kama”bulong ko habang sinusubukang buhatin sya papunta sa kama ngunit sadyang mabigat sya kaya kuha nalang ako ng karton unan at kumot para sa sahig nalang sya matulog





Pagkatapos ko syang kumutan ay iniwan ko na sya at insip kung paano ko ito mae explain kila nanay at sean.Kaylangan ko lang ng mahabang oras para maipaliwanag sa kanila pero paano siguradong magugulat sila at hindi paniniwalaan.Eh kung magpatulong nalang kaya ako kay Mr.Eury pero baka mabuking yung sekreto nya




Pero paano? Mag aalas sais na nang umaga at siguradong magigising na sila.Hindi ko naman alam na magkakatotoo pala ang hiling ko





Nagpasya muna akong ituloy muna ang naudlot kong tulog at paggising ko iisipin ko nalang kung paano ko i eexplain sa kanila.Siguro hindi pa naman siguro yun magigising ng maaga katutulog palang naman nya






———**———



Bigla naman akong nagising nung may narinig akong kalampag malapit sa kwarto ko kaya agad agad akong tumayo para tignan yun nakita ko si nanay at si Sean na parang nakakita ng multo..Wtf! Si ano yung lalaki lagot...




“Ay dyos ko po... sino ka iho? Bakit ka nandito?”mabilis ko namang nilapitan sila at humarang sa kanilang gitna.“Kilala mo ba yan Vein?”naguguluhang tanong ni Sean habang masamang nakatitig kay ano sa lalaki.Umiling naman ako sa kanila.“Who are you?”tanong naman ni sean





“Pero nay hayaan nyo po akong mag explain please”saad ko na ikinabuntong hininga nila hinarap ko naman yung lalaki na nakakunot ngayon ang noo.“Ano nga pala pangalan mo?”tanong ko.“Zhach”ano daw ang hirap namang ipronounce yung name nya.“Satch?”pag uulit ko pero umiling lang sya bakit parang ang gawapo nya.“Zhach as in Zack hindi Satch tss”napatango nalang ako at inaya na silang tatlo sa living room

Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon