CHAPTER 2: HURT FEELINGS

36 2 0
                                    



Vhivienne's P.O.V





Maaga akong nagising ngayon dahil tatapusin ko pa itong sinusulat kong kwento.Para maaga kong maisubmit sa producer at para narin mabisita ko sila mama at papa sa company namin dahil ipapa alam ko sa kanila na malapit na yung ikalabing walo kong kaarawan sa susunod na bwan na.





Sana naman makadalo na sila kase nung mga nakaraang kaarawan ko hindi sila nagpunta napaka unfair talaga nila talagang mas may time pa sila sa company kaysa sa akin na anak nila




Oh anak bakit parang bihis na bihis ka ngayon ah may pupuntahan kaba?tanong naman sakin ni nanay dhalia tumango naman ako bilang sagot sa kanya at nginitian ko sya






Kila mama at papa mo? Tumango ulit ako bilang sagot ulit sa tanong nya






Opo nay gusto ko po kasing ipa alam sa kanila yung nalalapit kopong debut”






Sige pag pupunta kana dun magpahatid kanalang kay Jhon okay” sabi naman sakin ni nanay kaya tumango nalang ulit ako






Si jhon yung driver namin matagal narin sya dito bale mag asawa sila ni nanay dhalia kaya tatay rin tawag ko sa kanya






Mga dalawang oras rin ang nakalipas bago ko matapos itong story na ginagawa ko kaya maaga ko itong mai sasubmit at para narin dalawin sila mama at papa.Dali dali ko namang inayos lahat ng kalat ko kunin ang mga dapat kunin.






Pagkatapos kong ayusin ay nagpaalam na ako kay nanay at lumabas na naabutan ko dun si tatay na umiinom ng kapi at nagbabasa ng dyaryo kaya nung makita nya ako binati nya ako ng magandang umaga kaya binati ko rin sya




Oh saan ka pupunta?” Tanong nya saakin na abalang inaayos yung mga dyaryo





Sa Wonder Entertainment po sana”






Hatid na kita” pag aalok nya naman sa akin ngunit tumanggi nalang ako kahit na sinabi ni nanay na magpahatid ako







Wag nalang po eh mukang pagod po kayo sa pagdidilig ng mga halaman pasensya napo ah trinabaho nyo pa yung trabaho ni mang bernie” sambit ko naman na abalang ipinapasok sa kotse yung mga gamit ko






Ah eh malalagot ako sa nanay mo nyan” tinawanan ko nalang sya dahil sa sinabi nya dahil halatang takot si tatay kay nanay







Sige napo magpahinga nalang po kayo asan po ba yung susi? Tanong ko naman sa kanya kaya nagkamot nalang sya ng ulo at ibinigay na saakin ang susi ng kotse







Pumasok naman kaagad ako sa kotse at nagpaalam na sakanya sabay pinaandar kona yung makina at umalis na




Habang nagmamaneho ako iniisip ko kung matutuwa ba mga magulang ko kapag nakita nilang dinalaw ko sila?Sana oo eh kung ibilihan ko kaya sila ng pagkain siguradong gutom na yung mga yun






Napatigil naman ako sa isang restaurant dito at mag oorder nalang ako ng paborito nilang pagkain






Ilang minuto rin ang nakalipas nung nabayaran kona yung mga pagkain na binili ko at nagbyahe na ako kaagad.Malapit lang naman na dito yung wonder entertainment





Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon