CHAPTER 13: THE ANCESTOR OF FAIRIES

13 2 0
                                    

Narito kami ngayon sa isang garden na paggaganapan ng ikalabinwalong kaarawan ko.Gusto ko kase ng garden na kung saan gaganapin ang birthday ko





Mas maaliwalas kase at makakalanghap kapa ng sariwang hangin maganda rin kase dito dahil napakaraming iba't ibang uri ng bulaklak ang nakapalibot at nakatanim sa iba't ibang sulok ng hardin dito






Sabi rin ng matandang may ari saamin na kapag gabi daw ay madaming nagliliparang mga alitaptap dito.Mayroon rin daw dito na isang malaking puno na pinapalibutan rin ng napakaraming alitaptap at tinatawag nila itong Enchanted Tree






Nung narinig ko ang pangalang Enchanted Tree ay naalala ko tuloy yung Enchanted Door sa opisina ni Mr.Eury






“Anak may naimbita kanaba? Yung mga kaklase mo noon naimbita mo naba?”umiling naman ako sa tanong ni nanay






“Papadalhan ko nalang po sila ng inbitasyon mamaya”nakangiti ko namang saad







“Imbitahin mo narin yung ano yung may ari ng kompanyang  pinagtratrabahohan mo tapos sabihin mo narin na magsama sya ng mga kasama para marami”tumango naman ako sa sinabi ni nanay.Nahpaalam muna sya saakin para asikasuhin yung mga kinakausap nya para sa catering






“Hoyyy Sean!”pagtatawag ko naman ng pansin sa kanya na abalang nakikipag usap sa mga tao rito.“Bakit?”tanong nya nung makalapit na sya saakin.“May naaya kanabang kapartner mo sa birthday ko?”umiling naman sya sa tanong ko pano kaya kung si kate nalang




“Si kate nalang kaya for sure wala pa syang kapartner”nakangiti ko namang sabi sa kanya na nakapag pakunot ng kanyang noo.“Ayoko nga napaka amazona nun ansakit kaya ng mga suntok at palo nya”sambit nya naman habang ini strecth yung dalawang kamay nya.“Bahala ka.”sambit ko naman umalis na sya sa harapan ko at bumalik ulit sa pakikipag usap sa mga tao






“Where is ma'am Vhivienne Rodriguez?!”napatingin naman ako sa naghahanap saakin si ateng maganda pala na nagtratrabaho rin sa Solar Entertainment yung nagsasabi saakin na hintayin si Mr.Lax nagvolunteer kase sya na  gumawa ng invitation card ko libre kase kaya pumayag na ako.“Venus nandito ako!”pagtatawag ko naman ng pansin kay venus na abalang naghahanap




“Nandyan lang pala kayo eto napo natapos kona yung Invitation Card nailagay narin yung names na sinabi mo and of course nag invite rin ako ng mga empleyado sa Solar”nakangiting sambit nya at iniabot na saakin ang naka box




Binuksan ko naman yung nakabox at nakita ko na ang inbitasyon kulay black ito na nagsha shine dahil sa glitters kaya parang nagmumuka itong sky na napakaraming bitwin pag gabi




Binasa ko naman yung mga nakalagay na mga pangalan at naka agaw ng pansin saakin ang mga mga pangalang.





Meartha Life, Jupiter Large, Marsy Mendoza, Saturnino Rings, Neptune Mae Shine, Uranusergio Osmeña, Pluto Last bakit ang mga pangalan ng iba dito ay mga planeta isama mo narin si Mr.Mercury a.k.a Eury Isama mo narin tong babaeng katabi ko si Venus Lavadium pati narin si Mr.Galaxy a.k.a Lax




“Ehemm..Ate Venus tong mga plane—tong sina Jupiter, Marsy at iba pa empleyado ba sa Solar Syste—Entertainment?”tanong ko naman kay Venus na abalang tinitingnan yung mga bulaklak.“Ah oo meron padyan mga twenty ata yung inimbita ko...ah oo nga pala ma'am Vhivienne aalis na ako at baka hinahanap na ako dun sige bye!”tumango nalang ako at nginitian sya kumaway rin sya saakin kaya kinawayan ko rin.Sabi nya marami pa daw mabasa nga lahat


Oo nga meron pa dito dahil may nabasa rin akong pangalang Milky Wayde,Between Star, Moonsuela Marie, Meteo Comets, at hindi ko na itinuloy dahil pana'y mga pang solar system yung mga pangalan nila.Nakita ko rin yung pangalan ng mga kaklase ko noon pati narin yung family Je t'aime inimbita ko narin





Pero sa ngayon ang iniisip ko ay kung makakapunta ba sina mama at papa.Sana naman oo dahil pinakamahalagang araw ko ang debut.Bahagya naman akong nagulat dahil parang may gumalaw sa puno nakaupo kase ako dito malapit sa enchanted tree.Kaya talagang maririnig ko dahil malapit lang ako







Dahil nga sa nako curious ako ay nilapitan ko.“Meow”bahagya naman akong napalayo ng kaunti nung nagpakita sa harapan ko ang isang puno kulay black and white ito sa kalahating katawan nya mula ulo hqnggang tyan white at sa kalahating tyan patungo sa buntot nya white





Tumalon naman ito saakin at hinaga nya ang kanyang ulo sa balikat ko hinagod ko naman ito para makatulog na



Someone's P.O.V



Sya na kaya ang susunod? Bakit nagpakita sa kanya ang pusang yun? Gusto kong ipaalam to sa kanya kung ano ang nangyari kaya dali dali kong idinial ang number na agad nya namang sinagot




“Eury nagpakita sya”sambit ko habang tinitingnan parin ang babae habang hinahagod ang balahibo ng pusa.“Sino?”seryosong tanong saakin ni Eury sa kabilang linya.“Fairtophia”maikling sambit ko nanakapag patahimik sa kanya.“You mean ang ninuno ng mga fairy?”



“Oo nagulat ngarin ako akala ko si Fairliya lang ang nagpapakita pero bakit ang ninuno nila ang nagpakita at ito'y nagkatawang pusa na hawak hawak ngayon ng babae”mahabang sambit ko habang tinitingnan parin ang babae.“Who's that girl?”




“Vhivienne, Vhivienne Rodriguez”sambit ko na nakapagtahimik nanaman sa kabilang linya.“I know that girl sya rin ang nakakita sa Enchanted Door na ngayon ay wala na sa aking opisina siguro napunta na ito sa dapat na kinalalagyan dahil malapit na ang kabilugang bwan”maaaring si Vhivienne nanga ang susunod dahil ang ninuno na nila ang nagpakita sa kanya





Pinatay ko na ang tawag at nagtungo na sa kusina para magluto hanggang ngayon iniisip ko parin kung sya na nga talaga ang susunod.Sana magtagumpay sya at hindi na muli mauulit ang nangyari na kaylangan pang mag sakripisyo.Sana hindi













































Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon